~Umaga~
"Ano?! Nahuli ka ni Dezso!?"
Galit na tanong ng Tita ni Yvonne kay Timea habang kinakausap siya nito sakanilang salas. Nakayuko lamang ang Diwata habang nakaharap ito sa tita ng dalaga. Ikinumpas na ng Tita ng dalaga ang kaniyang kamay, dahilan upang talikuran siya ng Diwata at mayroon nang lumitaw na latigo at hinampas na nito ang Diwata gamit nuon.
"Bakit mo hinayaan na hulihin ka ni Dezso!? Kung naging mas maingat ka lang sana ay nalaman na natin kung nasaan na ang walang kwentang dalagang iyon at hindi ikaw ang sumasalo sa galit ko ngayon!"
Galit na sabi ng Tita ni Yvonne kay Timea habang patuloy pa rin ito sa pag hampas sa likuran ng Diwata gamit ang kaniyang latigo. Tahimik lamang na tinitiis ng Diwata ang sakit na kaniyang nararamdaman sakaniyang katawan habang nakapikit na ito at tinatanggap na lamang ang mga hampas ng Tita ng dalaga. Nasa bingit na ito ng pag-iyak nang bigla nang tumigil ang Tita ng dalaga sa pag hampas sakaniya, dahilan upang mabilis na iminulat ng Diwata ang kaniyang mga mata at saka hinarap nang muli ang Tita ng dalaga na naka angat na sa sahig habang sina sakal na ito ni Dezso.
"D-Dezso…"
Hindi makapaniwalang tawag ni Timea sa pangalan ni Dezso habang tinatakpan na ang kaniyang bibig upang itago sa Tita ni Yvonne ang kaniyang ngiti at tinitignan na niya ang dalawa. Mabilis na tinignan ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang kapwa Diwata nitong mayroong kulay lilang buhok at muling ibinalik ang kaniyang tingin sa Tita ng dalaga.
"Huwag mamaliin ang sitwasyon na ito, Timea. Hindi ko ito ginagawa sapagkat nag-aalala ako saiyo. Ginagawa ko lamang ito upang ipaalam sa buong angkan ng Tamayo na ang dalagang kanilang hinahanap-hanap at gustong pagbuntunan ng galit ay wala nang buhay."
Sabi ni Dezso kay Timea habang sinasamaan na ng tingin ang Tita ni Yvonne sabay alis na nito ng kaniyang pagkaka sakal sa Tita ng dalaga. Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok habang tinitignan na nito ang sahig ng salas ng mga Tamayo, samantalang ang Tita ng dalaga ay umubo na lamang habang hawak na ang kaniyang leeg.
"Tama ba ang narinig ko? Patay na ang walang utang na loob na dalagang iyon?!"
Galit na tanong ng Ina ni Yvonne kay Dezso habang nakatayo na ito sa pasukan ng kanilang salas at sinasamaan na ng tingin ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok. Tinignan na ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang Ina ng dalaga at saka bahagyang natawa dahil sa itinanong ito.
"Sagutin mo ang tanong ko!"
Galit na sabi ng Ina ni Yvonne sabay tapat na nito ng kaniyang palad kay Dezso upang patalsikin ito, ngunit tila ba'y wala itong epekto sa Diwatang mayroong kulay pulang buhok. Galit nang tinignan ng Ina ng dalaga ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok at saka ibinaba na ang kaniyang kamay.
"Feri warsor!"
Sambit ng Ina ni Yvonne sabay tapat na nito ng pareho niyang palad kay Dezso, dahilan upang mayroon nang mga nag-aapoy na pana ang lumitaw at lumipad na patungo sa Diwatang mayroong kulay pulang buhok. Ngunit imbis na masaktan ang Diwata dahil sa rami ng mga panang pinalipad sakaniya ay ni isang daplis ay wala sakaniyang katawan, dahilan upang mas lalu pang mainis sakaniya ang Ina ng dalaga.
"Kung kilala mo lamang ang salamangkerong pumoprotekta saakin."
Pang-aasar pa lalo ni Dezso sa Ina ni Yvonne habang nginingisian na niya ito. Sinamaan na lamang ng tingin ng Ina ng dalaga ang Diwata at saka ibinaba na ang pareho niyang kamay, naglakad na papalapit sakaniyang panganay na kapatid na Tita ng kaniyang anak at saka tinulungan na itong tumayo.
"Sabi na nga ba ay wala siyang kwentang nilalang. Sarili lang niya ang kaniyang iniisip kaya siya nagpakamatay."
Sabi ng Tita ni Yvonne habang nakatayo na ito mula sakaniyang pagkakaupo sa sahig, nakatingin na ng masama kay Dezso at nakahawak na sa Ina ng dalaga. Sinamaan na rin ng tingin ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang Ina at Tita ng dalaga at akma na sanang magsasalita nang biglang…
"Patay na si Yvonne?"
Nakangiting tanong ni Addison habang nakatayo na ito sa pasukan ng kanilang salas at nakatingin na sakaniyang Ina at Tita. Mabilis na tinignan ng dalawang Diwata at ng magkapatid ang dalaga at saka tumango na lamang ang Tita ng dalaga bilang tugon sa tanong nito, habang si Dezso nama'y pinandirihan na ng tingin ang kapatid ni Yvonne.
"Oo 'nak! Patay na ang walang kwenta mong ate!"
Masayang sagot ng Ina ni Addison sakaniyang tanong sabay bitaw na sakaniyang panganay na kapatid at saka nilapitan na ang kaniyang bunsong anak nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi tsaka niyakap na ito.
"Ano bang problema ng angkan na ito?! Bakit ba tuwang tuwa kayo na namatay na si Yvonne!? Ano ba ang kaniyang ginawa at bakit ganiyan na lamang ang trato ninyo sakaniya?!"
Galit na tanong ni Dezso sa Tita, kapatid at Ina ni Yvonne habang pinandidirihan na niyang tinitignan ang mga ito. Dahan-dahan nang pinakawalan ng ina ng dalaga ang bunsong anak nito at saka tinignan nanamang muli ng masama ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok. Agad namang nilapitan ni Timea at saka hinawakan na ang braso ng kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok.
"Dezso, tumigil ka na. Baka kung ano pa ang magawa nila saiyo."
Bulong ni Timea kay Dezso habang patuloy pa rin nitong hinahawakan ang braso ng kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok at nakayuko na sa tabi nito. Dahan-dahang inalis ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang kamay ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok sakaniyang braso habang hindi pa rin inaalis ang kaniyang nandidiring tingin sa Ina, Tita at kapatid ni Yvonne.
"Anong klase kayong pamilya!? Pinag tutulungan ang isang miyembro hanggang sa pumasok na sa isipan niyon na paslangin ang sarili?! Mas masahol pa kayo sa ibang tao na nagnanais kunin ang dalagang iyon!"
Galit na sabi ni Dezso kila Addison at sa Tita at Ina nila ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang tatlo. Nilapitan na ng Ina ng dalaga ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok habang patuloy pa rin nitong tinitignan ng masama ang Diwata.
"Siya lang naman ang paborito ng Nanay namin. Siya rin lang naman ang nagmana ng lahat ng pera ng Nanay namin sa bangko. At siya rin lang naman ang tanging ipinagmamalaki ni Beatrice sa iba na hindi man lang naranasan ng isa saaming magkakapatid at ng iba pa niyang apo!"