Chereads / Runaway With Me / Chapter 183 - Tamayo's Residence 15

Chapter 183 - Tamayo's Residence 15

~Umaga~

"Siya lang naman ang paborito ng Nanay namin. Siya rin lang naman ang nagmana ng lahat ng pera ng Nanay namin sa bangko. At siya rin lang naman ang tanging ipinagmamalaki ni Beatrice sa iba na hindi man lang naranasan ng isa saaming magkakapatid at ng iba pa niyang apo!"

Galit na sabi ng Ina ni Yvonne kay Dezso habang nakatayo ito sa harapan ng Diwata at sinasamaan ito ng tingin. Pinandirihan ng tingin ng Diwata ang Ina ng dalaga na nakatayo sakaniyang harapan at saka nag cross arms na ito.

"Ano? Pinahirapan ninyo ang dalagang iyon buong buhay niya dahil lamang sa mababaw na dahilan na iyan?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Timea sa Ina ni Yvonne habang pinandidirihan na rin nito ng tingin ang Ina ng dalaga at nakatayo pa rin sa tabi ni Dezso. Sinamaan na ng tingin ng Tita ng dalaga ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok at saka naglakad na ito papalapit sa kinatatayuan ng kaniyang kapatid at ng dalawang Diwata.

"Mababaw? Sa tingin mo mababaw lang ang dahilan namin para pahirapan ng ganun ang pesteng dalagang iyon buong buhay niya?"

Inis na tanong pabalik ng Tita ni Yvonne kay Timea habang sinasamaan na nito ng tingin ang Diwata at nakatayo na sa tabi ng kaniyang kapatid. Hindi na napigilan pa ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok ang galit na kaniyang nadarama kaya't tumayo na ito sa harapan ni Dezso upang harapin na ang Ina at Tita ng dalaga.

"Alam ba ni Yvonne na siya ay inyong Pinagseselosan!? Alam ba ni Beatrice ang inyong mga nadarama?! Ni isang beses ba ay sinubukan ninyong sabihin sa isa sakanilang dalawa ang inyong mga nararamdaman sa pag trato ng ganuon ni Beatrice kay Yvonne!?"

Galit nang tanong ni Timea sa Ina at Tita ni Yvonne habang galit na nitong tinitignan ang dalawa at nakahugis kamao na ang kaniyang mga kamay. Pinanlakihan na ng mga mata ni Dezso ang kapwa Diwata na nakatayo sakaniyang harapan sapagkat hindi siya makapaniwala ngayon sakaniyang nakikita, samantalang ang Ina at ang Tita ng dalaga'y hindi na naka sagot pa sa tanong sakanila ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok.

"Bakit hindi ninyo sinunod ang ating kasunduan matapos mamatay si Beatrice!? Alam ko na ngayon kung bakit saakin ipinagkatiwala ni Beatrice ang pag-aalaga kay Yvonne, ngunit binigo ko siya at hinayaan lamang na mamatay ang kaniyang apo na iniingat-ingatan. Hinayaan ko kayong kunin ang aking kapangyarihan kapalit ng pag trato ninyo ng mabuti sa dalagang iyon, ngunit nasayang na lamang ang lahat ng iyon dahil sa huli ay namatay rin siya."

Dagdag pa ni Timea sakaniyang sinasabi sa Tita at Ina ni Yvonne habang tinitignan na nito ang dalawa gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Nagdikit na ang kilay ni Dezso nang marinig ang sinabi ng kapwa Diwata at agad itong pinaharap sakaniya.

"Ano ang iyong sinabi? Hinayaan mo silang kunin ang iyong kapangyarihan? Posible ba iyon?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Dezso kay Timea habang hawak na nito ang magkabilang braso ng kapwa Diwata. Hindi na napigilan pa ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok ang kaniyang mga luha at naiyak na sa harapan ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok habang tumatango na ito bilang tugon sa tanong sakaniya nito.

"P-paano?"

Tanong muli ni Dezso kay Timea habang patuloy pa rin nitong hinahawakan ang magkabilang braso ng kapwa Diwata na tahimik nang umiiyak sakaniyang harapan. Ang magkapatid nama'y dahan-dahan nang naglalakad papalayo sa dalawang Diwata habang nakaharap pa rin sila sakanila. Ilang saglit pa ay napansin na sila ni Dezso, kaya't itapat na nito ang kaniyang kaliwang palad sakanila at saka ikinumpas na ang kaniyang kamay dahilan upang mayroong sanga ng puno ang biglang pumasok sa salas at inilapit nang muli sakanila ang magkapatid.

"Paano niyo iyon ginawa?"

Galit nang tanong ni Dezso sa Ina at Tita ni Yvonne habang pinanlilisikan na niya ng tingin ang dalawa at hawak pa rin niya sa braso si Timea gamit ang kaniyang kanang kamay. Napalunok na lamang ang Tita at Ina ng dalaga habang takot na nilang tinitignan ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok.

"H-hindi namin alam ang sinasabi ng Diwatang yan!"

Takot na sagot ng Tita ni Yvonne sa tanong sakanila ni Dezso habang sinusubukan na nilang dalawa ng kaniyang kapatid na lumayong muli sa dalawang Diwata ngunit bigo sila. Ilang saglit pa ay kinuyom na ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang kaniyang kamay na nakatapat sa Ina at Tita ng dalaga, dahilan upang ang sanga ng puno na pumasok sa salas ay pumalibot na sa magkapatid at saka inipit na ang dalawa.

"Aaahhhh!"

"T-Timea…"

"Pinainom nila Tita si Timea ng potion!"

Pasigaw na sagot ni Addison sa tanong ni Dezso sakaniyang Ina at Tita habang tumutulo na ang mga luha sakaniyang pisngi. Tinignan na ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang nakababatang kapatid ni Yvonne at saka ibinaba na ang kaniyang kaliwang kamay na nakatapat sa Ina at Tita nito, dahilan upang pakawalan na ng sanga ng puno ang magkapatid at mapaupo na silang dalawa sa sahig.

"Kakulay ng buhok ni Timea ung potion na pinainom nila sakaniya. Pinainom nila un matapos ilibing si Mama Beatrice."

Dagdag pa ni Addison sakaniyang sinabi kay Dezso habang patuloy pa rin itong umiiyak. Nagpakawala na lamang ng malalim na hininga ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok at saka mayroon nang puting hangin ang pumalibot sa Diwatang mayroong kulay pulang buhok at sa kapwa Diwata nitong mayroong kulay lilang buhok, dahilan upang maglaho na silang dalawa sa salas ng mga Tamayo. Ilang saglit pa ay tumayo na ang Ina ni Yvonne mula sa pagkakaupo nito sa sahig, mabilis na nilapitan ang kaniyang bunsong anak at saka bigla itong sinampal.

"Bakit mo sinagot ang tanong ng hinayupak na un saamin?!"

Galit na tanong ng Mama ni Yvonne kay Addison habang galit na rin nitong tinitignan ang bunso nitong anak. Dahan-dahan na lamang hinawakan ng dalaga ang pisnging sinampal ng kaniyang ina habang hindi pa rin nito ginagalaw ang kaniyang ulo matapos siyang sampalin nito.

"Masama na bang iligtas kayong dalawa ni Tita?"

Tanong pabalik ni Addison sakaniyang Ina habang hindi pa rin niya ito tinitignan. Sinamaan na lamang siya ng tingin ng kaniyang Ina at saka naglakad na ito papalayo sakaniya.