~Umaga~
"Ilang taong gulang na si Daisy Sebastian?"
Seryosong tanong ni Rhiannon kay Dalis habang tinitignan na nito ang matandang babae. Sinamaan lamang ng tingin ng matandang babae ang eleganteng matandang babae na nagtanong sakaniya at saka iniwasan na ito ng tingin.
"19."
Tanging sagot lamang ni Jervin sa tanong ni Rhiannon kay Dalis habang tinitignan na nito ang matandang babae na nasa ilalim pa rin ng kaniyang mahika. Pinanlakihan na ng mga mata ng matandang babae ang binata at saka kinakabahan nang tinignan ang eleganteng matandang babae. Tumango na lamang ang eleganteng matandang babae sa binata at saka kinuha na mula kay Kimberly ang hinahawakan nitong tali na naka tali sa parehong kamay ni Daisy at saka ikinumpas na ang kamay nito sa dalaga, dahilan upang magising na ito at dahan-dahan nang bumaba mula sakaniyang pagkaka lutang sa ere.
"Ugh… nasaan ako?"
Mahinang tanong ni Daisy habang nakatayo na ito at sabay hawak na nito sakaniyang ulo. Ilang segundo pa ang lumipas ay naramdaman na nito ang tali sakaniyang parehong kamay at saka inikot na ang kaniyang paningin sakaniyang paligid.
"Lola!"
Takot na sigaw ni Daisy kay Dalis habang tinitignan na nito ang kaniyang lola gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae sakaniyang apo at saka iniwasan na ito ng tingin.
"Daisy Sebastian… alam mo ba kung ano ang nangyari sa dalagang ito?"
Tanong ni Rhiannon kay Daisy habang hawak pa rin nito ang tali na naka tali sa parehong kamay nito at tinitignan na ang malamig na bangkay ni Yvonne na karga pa rin ni Jervin sakanilang harapan. Dahan-dahan nang tinignan ng dalaga ang malamig na bangkay ng dalaga at nakita ang mga mata nito na nakatingin sakaniya at nakangisi naman ang maputla nitong mga labi. Akma na sana itong tatakbo papalayo sakaniyang kinaroroonan ngayon nang mabilis siyang tinignan ng binata gamit ang itim nitong mga mata, dahilan upang hindi na siya maka galaw pa tulad ng kaniyang lola.
"Ng-nginingisian niya ako! Ng-nginingisian ako ng babaeng yan! P-patayin niyo siya! Meron siyang masamang binabalak sakin! Tulungan ninyo ako! B-balak niya akong patayin!"
Takot na sigaw ni Daisy sakanila habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang malamig na bangkay ni Yvonne. Nagdikit ang kilay ni Rhiannon dahil sa sinigaw ng dalaga kaya't tinignan niya ng mabuti ang mukha ng bangkay ng dalaga at nakitang hindi naman ito nakangisi. Nang marinig naman iyon ni Jervin ay sinamaan na nito ng tingin ang dalaga, dahilan upang maigalaw nang muli ng dalaga ang katawan nito ngunit lumulutang naman ito at para nang binibitay dahil sa pustura nito. Sinamaan na rin ng tingin ni Jay ang dalaga, si Anna at Liyan nama'y nakahugis kamao na ang kanilang mga kamay habang galit na nilang tinitignan ang dalaga, habang si Hendric nama'y akma na sanang susugurin ang dalaga nang bigla siyang pigilan ng mga Diwata galing sa angkan ni Aneska.
"Jervin, ibaba mo na ang dalagang iyan. Huwag mong hayaan ang sarili mo na gawin din ang ginawa niya kay Yvonne."
Sabi ni Aneska kay Jervin habang hawak na nito ang magkabilang balikat ng binata. Ilang saglit pa ang lumipas bago tuluyang ibinaba ng binata ang dalaga, dahilan upang mapaupo na ito sa sahig at umubo na. Habang umuubo pa rin ang dalaga ay bigla nang tumayo si Melanie mula sakaniyang pagkakaupo sa sahig, nilapitan ang dalaga, lumuhod na sa harapan nito at saka sinampal na ito ng malakas.
"Melanie! Hindi kita pinalaki upang manakit ng iba!"
Galit na sigaw ni Malaya kay Melanie sabay hatak na nito sakaniyang apo papalayo kay Daisy habang nakatayo pa rin ito sa tabi ni Jervin. Agad namang kumawala ang dalaga mula sa pagkakahawak sakaniya ng kaniyang lola, hinarap na ito at saka tinignan na ito gamit ang kaniyang namumula at naluluhang mga mata.
"Lola! Isang beses. Kahit isang beses lang… hayaan mo akong magalit at manakit ng iba. Hindi ko kayang maging mabait sa taong pumatay sa kaibigan ko na nagpa bago ng buhay ko."
Sabi ni Melanie kay Malaya habang umiiyak na ito sa harapan ng kaniyang lola. Naiyak na rin ang matandang babae dahil sa sinabi ng kaniyang apo at hindi na namalayan na niyakap na niya lamang ito. Napabuntong hininga na lamang si Rhiannon habang tinitignan na ang mag-lolang Fuentes at ibinaling na kay Daisy ang kaniyang atensyon.
"Daisy Sebastian, dahil sa iyong pagpaslang sa dalagang nagngangalang Yvonne Tamayo… ako, si Rhiannon Geisler, ay hinahatulan ka, Daisy Sebastian, ng pagkakulong sa bilangguan ng labing walong taon."
Sabi ni Rhiannon kay Daisy habang sinasamaan na nito ng tingin ang dalaga na nakaupo pa rin sa sahig at hindi na umiimik sabay hampas na ng malyete na biglang lumitaw sa harapan nito. Tinignan nang muli ni Jervin ang dalaga gamit ang kaniyang itim na mga mata, dahilan upang tumayo na ito mula sa pagkakaupo nito sa sahig. Sunod namang tinignan ng binata ang eleganteng matandang babae sakaniyang harapan, dahilan upang ipahawak nanamang muli ng eleganteng matandang babae ang kaniyang kamay sa binata. Nang mahawakan na ng binata ang kamay ng eleganteng matandang babae ay pumikit na ito, dahilan upang maglaho na ang dalaga sakanilang harapan at lumitaw na ito sa isang selda sa ilalim na bahagi ng Supreme Court of Wizards and Witches.
"Wala kang halaga sa mundong ito."
"Kaya hindi ikaw ang piniling mahalin ng lalaking mahal mo sapagkat hindi ka kamahal-mahal."
"Sa tingin mo ba ay matapos mong paslangin ang dalagang iyon ay mamahalin ka na ng lalaking mahal mo?"
"Matapos mong paslangin ang babaeng mahal ng mina mahal mong lalaki ay mas kinasusuklaman ka na niya ngayon."
"Tama na. Tama na. Tama na! Tigilan niyo na ako!"
Sigaw ni Daisy habang hawak na niya ang kaniyang magkabilang tainga at saka nakayuko na ito habang nakaupo na sa sahig ng seldang kaniyang kinaroroonan matapos niyang marinig ang mga pinagsasabi ng mga boses na kaniyang naririnig sakaniyang isipan.
��Dalis Sebastian, hindi ka ba nalulungkot sa kinahinatnan ng iyong apo?"
Tanong ni Rhiannon kay Dalis habang tinitignan na nito ang matandang babae na nakatingin pa rin sa kinatatayuan kanina ni Daisy gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Hindi na pinansin ng matandang babae ang tanong sakaniya ng eleganteng matandang babae sapagkat umiyak na lamang ito.
"Daisy… apo ko…"