Chereads / Runaway With Me / Chapter 174 - Unity Locale 17

Chapter 174 - Unity Locale 17

~Madaling araw~

"Daisy!"

Sigaw ni Dalis sa pangalan ng kaniyang apo sabay lutang na nito sa ere at saka lumipad na tungo sa talampasan sa itaas na bahagi ng Unity Locale. Nang makarating na ang matandang babae sa talampasan ay nasilayan niya si Kimberly na hawak ng tatlong kabataan at lumilipad na sila Yvonne, Jervin at Jay patungo sa kinaroroonan ng kaniyang kaibigan at ng tatlong kabataan. Lumapag na ang matandang babae sa talampasan at saka pinanuod lamang ang mga nangyayari sakaniyang harapan.

"Kimberly!"

Tawag ni Yvonne kay Kimberly sabay takbo na nito papalapit sa babae. Agad na natigil ang apat at napatingin na sa dalagang tumatakbo na papalapit sakanila. Nilingon na rin ni Daisy ang dalaga at saka tinignan ito nang walang emosyon.

"Yvonne!"

"Bunso!"

"Ang tagal niyo namang hulihin si Paulina! Peste talaga kayong dalawa ni Jay!"

Reklamo ni Liyan kay Yvonne habang nakatingin na sila sa dalaga. Hindi pinansin ng dalaga ang mga tawag at ang reklamo sakaniya ng mga kaibigan, sapagkat nakatuon lamang kay Kimberly ang kaniyang atensyon at agad na hinawakan ang magkabilang balikat ng babae. Naglakad na rin papalapit si Daisy sa dalaga at sakaniyang kaibigan upang pakinggan ang sasabihin ng dalaga sakaniyang kaibigan.

"Bakit ngayon mo pa gustong magpakamatay kung kelan malapit na matapos tong lahat? Bakit dito mo pa gustong mamatay sa bangin na lagi naming pinupuntahan dati ni Mama Beatrice? Bakit ngayon ka pa nanghinaan ng loob kung kelan malapit na? Bakit?"

Sunod-sunod na tanong ni Yvonne kay Kimberly habang hawak pa rin ng dalaga ang magkabilang balikat ng babae at tinitignan na ang mga naluluhang mga mata nito. Lumapag na rin sa lupa sina Jervin at Jay malapit sa kinaroroonan ngayon ng dalaga at ng iba pa nilang mga kaibigan at mabilis na nilapitan sila. Nanlaki ang mga mata ni Dalis nang marinig ang sinabi ng dalaga sakaniyang kaibigan, tinignan na ang kaniyang kaibigan nang mayroong pag-aalala at hawak na sa braso nito, ngunit mas lalu pang nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang hindi niya mahawakan ang braso ng kaniyang kaibigan.

"Yvonne."

Tawag ni Jervin kay Yvonne sabay hawak na nito sa magkabilang braso ng dalaga habang nag-aalala nang tinitignan ito. Nagpakawala ng malalim na hininga ang dalaga, binitawan na ang magkabilang balikat ni Kimberly at saka lumayo na ng kaunti mula sa babae. Sinubukan muli ni Dalis na hawakan ang braso ng kaniyang kaibigan, ngunit kada subok nito ay bigo itong hawakan ang braso ng kaibigan. Ilang saglit pa ay mayroong hangin ang umihip sa matandang babae.

"Nasa loob ka lang ng ala-ala ni Yvonne. Wala ka nang magagawa upang baguhin pa ang mga pangyayari na nakikita mo ngayon."

Bulong ni Jervin kay Dalis nang umihip ang hangin sa matandang babae. Nang marinig muli ng matandang babae ang boses ng binatang kaniyang huling nakita bago siya mapunta sakaniyang kinaroroonan ngayon ay agad na namutla ang kaniyang mukha, nanlamig ang kaniyang mga kamay at saka makaramdam ng pagkakilabot.

"Hindi ba pumasok sa isip mo ung mga sakripisyong ginawa ng mga tumutulong sayo ngayon? Ng mga tumutulong satin ngayon?"

Dagdag pa na tanong ni Yvonne kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae sakaniyang harapan at hawak pa rin ni Jervin ang kaniyang magkabilang braso. Nanatili lamang tahimik ang babae at tinignan lang din ang dalaga. Ilang segundo pa ay isa-isa nang binitawan ng tatlong kabataan ang babae at pinalitan na sila ni Jay upang puntahan na ang iba pa sa Enchanted Forest. Pinanuod na lamang ni Daisy ang mga nangyayari sakaniyang harapan habang namumutla pa rin ang kaniyang mukha, nanlalamig ang mga kamay at patuloy pa ring nakaka ramdam ng pagkakilabot.

"Ate Kimberly… sagutin mo na ung mga tanong sayo ni Yvonne. Kaming tatlo na lang ang nandito sa tabi mo."

Malumanay na sabi ni Jay kay Kimberly habang hinahawakan na nito ang magkabilang braso ng babae at tinitignan na ito nang mayroong pag-aalala sakaniyang mga mata. Napa-iwas na lamang ng tingin ang babae sa binata at saka dahan-dahan na muling tinignan si Yvonne na nakatingin pa rin sakaniya.

"Sorry… patawarin niyo ako… may… mag nagsabi kasi sakin na… na patayin ko ang sarili ko dito. May nagsabi sakin na… na puro gulo na lang ang dala ko at… at mas mabuti nang mamatay at mawala na lang ako… may mga naririnig nanaman akong mga boses… mga boses…"

Sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Yvonne habang palipat-lipat na ang tingin ng babae sakanilang paligid na tila ba'y pawang mayroon siyang ibang nakikita na hindi nakikita ng kaniyang mga kasama. Nagdikit lamang ang kilay ng dalaga habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae, habang ang dalawang binata nama'y nagtinginan lamang sa isa't isa at saka nag-aalala nang tinignan ang babae. Napakunot naman ng noo si Dalis nang mapansin din ang kakaibang kilos ng kaibigan at patuloy lamang itong pinanuod ng tahimik.

"Umalis na kayo! Umalis na kayo! Hindi ko kayo kailangan!"

Biglang sigaw ni Kimberly sa tatlo habang nakapikit na ito at sinusubukan nang kumawala mula sa pagkakahawak sakaniya ni Jay. Agad na nanlaki ang mga mata ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae sakaniyang harapan, habang si Jervin nama'y mabilis na hinawakan ang isang braso ng babae at ang binata nama'y hawak na ang kabilang braso nito. Ilang segundo pa ang lumipas ay dahan-dahan nang nilapitan ng dalaga ang babae at saka niyakap na ito. Akma na sanang hahawakan muli ni Dalis ang braso ng kaibigan ngunit agad din niyang binawi nang maalala na hindi niya kayang hawakan ang kaibigan. Ilang saglit pa ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata at tinignan na ng muli ang kaniyang kaibigan.

"Hindi kaya epekto ito sakaniya nang mahuli siya ng mga Lich noong kabataan pa lamang namin?"

Tanong ni Dalis sakaniyang sarili habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Ilang saglit pa ay mayroon nang dalawang dalaga ang nakakuha ng kaniyang pansin mula sa hindi kalayuan. Ang una ay si Melanie at ang pangalawa ay ang kaniyang apo na si Dalis. Agad itong lumutang sa ere at saka mabilis na lumipad patungo sa kinaroroonan ng kaniyang apo.

"Daisy hija…"

"Nakita rin kita ulit, Yvonne Tamayo."

Sabi ni Daisy sakaniyang sarili habang nakangisi na nitong tinitignan si Yvonne na yakap si Kimberly na patuloy pa ring kumakawala mula sa pagkakahawak nila Jay at Jervin. Nagdikit ang kilay ni Dalis nang marinig ang sinabi ng kaniyang apo at makita ang ngisi nito habang tinitignan ang dalaga sakaniyang pinanggalingan. Umiling lamang ang matandang babae at napaatras ito mula sakaniyang apo.