Chereads / Runaway With Me / Chapter 175 - Unity Locale 18

Chapter 175 - Unity Locale 18

~Madaling araw~

"Melanie! Wag!"

Sigaw ni Jay kay Melanie mula sa hindi kalayuan, ngunit hindi man lamang ito pinansin ni Dalis sapagkat nakatuon lamang ang kaniyang atensyon kay Daisy. Akma na sana nitong hahawakan ang pisngi ng kaniyang apo nang bigla itong sumigaw.

"Ide!"

Sambit ni Daisy mula sa di kalayuan habang nakatingin na ito kay Yvonne at nakatapat na ang kaniyang kamay sa dalaga na nakayakap pa rin kay Kimberly. Nang marinig iyon nila Jay at Melanie ay agad silang napalingon sa direksyon na pinanggalingan ng boses at nasilayan ang dalaga na nakatapat na ang kamay sa direksyon ng kanilang kaibigan habang nakangisi ito at mayroon nang lumipad na itim na usok tungo sa direksyon ng kanilang kaibigan. Pinanlakihan ng mga mata ni Dalis ang kaniyang apo at saka mabilis na sinundan ang itim na usok na nanggaling dito.

Nang tumama na kay Yvonne ang itim na usok na nanggaling kay Daisy ay pinakawalan na nito si Kimberly mula sakaniyang yakap at tinignan na si Jervin gamit ang kaniyang mga naluluhang mga mata. Nanlaki ang mga mata ng babae at ng binata nang masilayan na nila ang itim na usok na pumalibot sa dalaga, dahilan upang manghina na ito at bumagsak na sa lupa. Napataas na ng parehong kilay si Dalis sabay takip na ng kaniyang nakabukang bibig gamit ang kaniyang dalawang kamay at tinignan lamang ang dalagang pinatay ng kaniyang apo mula sakaniyang kinaroroonan.

"Yvonne!"

Sigaw ni Jervin sa pangalan ni Yvonne, bitaw na kay Kimberly, mabilis na nilapitan ang dalaga na nakahiga na sa lupa at niyakap na ito. Tinignan na ng dalaga ang binatang niyayakap siya, nginitian ito at tuluyan nang naluha. Ang babae nama'y inikot ang kaniyang paningin sakanilang paligid at nasilayan sila Melanie at Jay na tumatakbo na papalapit sakanilang kinaroroonan. Inikot pa niyang muli ang kaniyang paningin at nasilayan na si Daisy na napaatras nang magtama na ang kanilang tingin. Mabilis na napalingon si Dalis sakaniyang apo at tinignan na ito nang mayroong pag-aalala sakaniyang mga mata.

"Takbo."

Bulong ni Dalis kay Daisy habang umiiyak na ito at patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang apo.

"Magbabayad ka sa ginawa mo kay Yvonne!"

Galit na sigaw ni Kimberly kay Daisy sabay lutang na nito sa ere at mabilis na lumipad papalapit sa kinaroroonan ng apo ni Dalis na tumatakbo na papalayo rito. Nilingon na ni Dalis ang kaibigan at nakita ito na lumilipad na papalapit sakaniyang apo, kaya't ipinikit na lamang nito ang kaniyang mga mata. Nang marinig na nakalayo na ang kaniyang kaibigan at ang kaniyang apo ay agad itong lumipad papalapit sa kinaroroonan nila Jervin at Yvonne. Nang maka lapag na ito sa tabi ng dalawa ay tumayo lamang siya roon at tahimik silang pinanuod.

"Jervin…"

Mahinang tawag ni Yvonne sa pangalan ni Jervin habang pinipilit na nitong hawakan ang pisngi ng binata at nakangiti pa rin dito. Naluha na rin ng tuluyan ang binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga.

"Kali… mutan… n-niyo… na… a-ako…"

Pilit na sabi ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata gamit ang kaniyang lumuluhang mga mata at nginingitian ito. Umiling ang binata bilang tugon nito sa dalaga at hinawakan na ang kamay nito na nasa kaniyang pisngi. Biglang nagdikit ang kilay ni Dalis nang marinig ang sinabi ng dalaga sa binata at saka taka na itong tinignan.

"Kalimutan siya? Nasa matino pa bang pag-iisip ang dalagang iyan? Sinong tao ang nasa kaniyang matinong pag-iisip ang gustong makalimutan ng mga taong kaniyang mina mahal?"

Sunod-sunod na tanong ni Dalis sakaniyang sarili bilang isang pangungutya sa namamatay nang dalaga sakaniyang harapan. Ilang saglit pa ay mayroong umihip na hangin sakaniya.

"Tapang mo, ah. Nakuha mo pang ganyanin ang patay. Baka nakakalimutan mo na hawak ko ngayon ang buhay mo."

Bulong ni Jervin kay Dalis nang umihip ang hangin sa matandang babae. Biglang nanlaki ang mga mata ng matandang babae, namutla ang mukha, nanlamig ang mga kamay, nanlambot ang mga tuhod, nakaramdam ng pagkakilabot at napalunok.

"Yvonne, wag mong sabihin yan. Wag mong sabihin yan. Hindi ka pa mamamatay, ha. Hindi ka pa mamamatay."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin itong umiiling sa dalaga at hawak pa rin ang kamay nito. Natigil na sa pagtakbo sila Melanie at Jay mula sa di kalayuan at pinanuod na lamang ang dalawa habang umiiyak na rin silang pareho.

"Leha! Leha!"

Sambit ni Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Yvonne na kaniyang yakap at hindi pa rin binibitawan ang kamay nito na nasa kaniyang pisngi. Dahan-dahang umiling ang dalaga bilang tugon nito sa binata habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sakaniyang mga labi.

"Yvonne…"

Mahina nang tawag ni Jervin sa pangalan ni Yvonne habang patuloy pa rin itong umiiyak. Ang mga kamay ni Jay ay naghugis kamao na habang patuloy pa rin nitong pinapanuod ang dalawa mula sa di kalayuan at umiiyak pa rin.

"I… l-love…"

Sabi ni Yvonne kay Jervin pero bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay pumikit na ang dalaga at bumagsak na ang kamay nito na nakahawak sa pisngi ng binata. Ilang saglit pa ay dumilim na ang paligid na kinaroroonan ni Dalis, dahilan upang ikutin na nito ang kaniyang paningin at makaramdam na ng pagkataranta.

"Ano sa tingin mo ang nangyari ngayon kay Daisy ngayong alam mo na na hinabol siya ni Kimberly?"

Tanong ni Jervin kay Dalis. Inikot lamang muli ng matandang babae ang kaniyang paningin upang hanapin ang binata, ngunit ang tangi lamang niyang nakikita ay ang kadiliman sakaniyang kapaligiran. Ilang saglit pa ay unti-unti na siyang nang hinga at nawalan na ng malay.

"Mukhang nakakalimutan mo kung sino ang lalaking nagmamahal sa dalagang kinukutya mo."

Sabi ni Jervin kay Dalis na kaniyang kaharap at wala pa ring malay habang lumulutang pa rin silang dalawa sa ere sa Enchanted Forest. Napaatras na papalayo ang mga Balderas at ang mga Diwata na nakatayo sa harapan nila Anna, Liyan, Hendric, Jay at Melanie habang nakatingin na sa lumulutang na binata na karga pa rin si Yvonne at sa matandang babae na pinuno ng angkan ng Sebastian. Ilang saglit pa ay dumilat na ang matandang babae at saka mabilis na hinabol ang kaniyang hininga. Napangisi na lamang ang binata nang makitang mayroon na muling malay ang matandang babae sakaniyang harapan.

"Mayroon ka pa rin bang lakas ng loob para kutyain si Yvonne?"