Chereads / Runaway With Me / Chapter 167 - Enchanted Forest 8

Chapter 167 - Enchanted Forest 8

~Madaling araw~

"Nagpakilala na ang tinutukoy sa propesiya."

Sabi ni Jacqueline sakaniyang sarili habang nakatingin na ito sa direksyon na pinanggalingan ng malakas na puwersa na nagpatalsik sakanilang lahat.

"Aray ko. Okay lang po ba kayo?"

Tanong ni Anna kay Jacqueline nang makalapit na ito sa matandang babae na tumingin na sakaniya. Inabot na ng dalaga ang braso ng matandang babae at saka tinulungan na itong makatayo mula sa pagkakaupo nito sa lupa.

"Kanino nanggaling ang puwersang iyon, hija?"

Tanong ni Jacqueline kay Anna nang makatayo na ito at tinitignan na ang dalagang tinulungan siyang tumayo.

"Hindi ko po alam, e. Ang alam ko lang po ay nanggaling po un sa bangin na nasa taas ng Unity Locale kung saan po namin iniwan sila Jay, Jervin, Yvonne at Kimberly."

Sagot ni Anna sa tanong sakaniya ni Jacqueline habang hawak pa rin nito ang braso ng matandang babae at tinitignan pa rin ito. Nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang marinig ang sinagot sakaniya ng dalaga at saka tumingin na sa direksyon na patungo sa talampasan sa itaas na bahagi ng Unity Locale.

"Sa tingin mo ay kanino sa tatlong iyon nagmula ang malakas na puwersang iyon?"

Tanong muli ni Jacqueline kay Anna habang patuloy pa rin itong nakatingin sa direksyon na patungo sa talampasan. Napa bitaw na ang dalaga sa matandang babae at saka tumingin na rin sa direksyong patungo sa talampasan.

"Sa tingin ko po kay Yvonne nanggaling ung puwersang un."

Sagot ni Anna sa tanong sakaniya ni Jacqueline sabay balik nang muli ng kaniyang tingin sa matandang babae. Nakita ng dalaga na mabagal na tumango ang matandang babae bilang pagsang-ayon rito.

"Siya naman talaga ang tinutukoy sa propesiya diba? Kanino pa nga ba manggagaling ang puwersang iyon."

Sabi ni Jacqueline kay Anna sabay hawak na nito sa kamay ng dalaga at tinignan na itong muli nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Pinanlakihan lamang ng dalaga ang matandang babae at bahagyang napalayo rito.

"Mayroon akong masamang kutob dito, hija. Maaari mo bang tignan kung ano na ang kalagayan nila?"

Paghingi ng pabor ni Jacqueline kay Anna habang patuloy pa rin nitong hinahawakan ang kamay ng dalaga at tinitignan na ang mga mata nito. Mabilis na tumango ang dalaga bilang tugon nito sa matandang babae at saka inalis na ang pagkakahawak nito sakaniyang kamay.

"Salamat, hija. Salamat."

Pasasalamat ni Jacqueline kay Anna habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga na naglalakad na papalayo sakaniya.

"Sino ba siya? Bakit kilala niya sila Yvonne?"

Takang tanong ni Anna sakaniyang sarili habang naglalakad na ito papalapit sa kinaroroonan ni Hendric.

"Sigurado pong okay na talaga kayo?"

Nag-aalalang tanong ni Hendric kay Malaya matapos nitong tulungan tumayo ang matandang babae. Tumango na lamang ito bilang tugon sa tanong sakaniya ng binata at saka nginitian ito.

"Sige po, maiwan ko na po kayo."

Nakangiting sabi ni Hendric kay Malaya sabay dahan-dahan nang naglakad papalayo sa matandang babae.

"Dric. Samahan mo nga ako."

Sabi ni Anna kay Hendric nang makalapit na ito sa binata. Tinaasan ng parehong kilay ng binata ang dalaga, iniikot ang kaniyang paningin sakanilang paligid at saka tinignan nang muli ang dalaga.

"Saan?"

Simpleng tanong ni Hendric kay Anna habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga at nakataas pa rin ang pareho nitong kilay. Hindi kaagad sinagot ng dalaga ang binata at hinanap lamang si Liyan at tinignan na ang kaibigan. Nang mapatingin na rin sakaniya ang kaibigan ay sinenyasan niya itong lumapit sakanilang dalawa ng binata, dahilan upang lumapit na rin ito sakanila.

"Ano un?"

Tanong kaagad ni Liyan kay Anna nang makalapit na ito sa kinaroroonan nila ni Hendric matapos tulungan ang iba pang salamangkero, mangkukulam at Diwata. Tinignan ng dalaga ang kaibigan at saka hinawakan na ang balikat nito.

"Tignan natin ung kalagayan nila Yvonne sa bangin."

Sagot na ni Anna sa tanong sakaniya nila Hendric at Liyan habang palipat-lipat na ang kaniyang tingin sa dalawa at hawak pa rin nito ang balikat ng kaibigan. Nagtinginan ang binata at ang kaibigan at saka ibinalik nang muli sa dalaga ang kanilang tingin.

"Bakit? May nangyari ba sakanila?"

Takang tanong ni Hendric kay Anna habang magkadikit na ang kilay nito at patuloy pa ring tinitignan ang dalaga. Nagkibit balikat lamang ang dalaga bilang tugon nito sa binata at saka inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa balikat ni Liyan.

"Sabi sakin nung matandang babaeng tinulungan ko, may masamang kutob raw siya. Kaya pinapa tingin niya sakin kung ano ang kalagayan nila ngayon."

Sagot ni Anna sa tanong sakaniya ni Hendric habang palipat-lipat pa rin ang tingin nito kay Liyan at sa binata.

"Sayo lang naman pala pinapa tingin nung matandang babae. Bakit gusto mo pa kaming isama ni Dric?"

Reklamo ni Liyan kay Anna habang tinuturo na nito si Hendric at patuloy pa ring tinitignan ang dalaga. Napataas ng parehong kilay ang dalaga nang marinig ang sinabi sakaniya ng kaibigan at saka dahan-dahan na itong pinanlilisikan ng paningin. Dahan-dahan namang ibinaba ng kaibigan ang kaniyang pagkaka turo sa binata at nagtago na sa likuran nito.

"Samahan niyo na kasi ako!"

Sigaw ni Anna kila Hendric at Liyan, dahilan upang mapatingin sakanilang tatlo ang mga Balderas, ang mga Diwata at ang iba pang mangkukulam na naroroon malapit sakanila. Inikot na ng tatlo ang kanilang tingin sa paligid at mabilis nang naglakad patungo sa talampasan.

"Bakit kailangan mo pang sumigaw dun?!"

Pabulong na sigaw ni Hendric kay Anna habang patuloy pa rin silang naglalakad nila Liyan patungo sa talampasan na kinaroroonan nila Yvonne.

"Kasi naman kayo! Bilisan na lang natin para matulungan pa natin ung iba pagbalik!"

Pabulong na sigaw pabalik ni Anna kay Hendric habang binibilisan na nila ang kanilang paglalakad patungo sa talampasan. Sumimangot na lamang si Liyan habang nanahimik na lang siya at patuloy lamang sa paglalakad.

"Bat parang may umiiyak?"

Takang tanong ni Liyan habang papalapit na sila ng papalapit sa talampasan na kailangan nilang balikan. Nagdikit pareho ang kilay nila Anna at Hendric, nagtinginan sa isa't isa at saka mabilis nang tumakbo patungo sa direksyon na pinanggagalingan ng mga iyak. Mabilis na ring sinundan ng kaibigan ang dalaga't binata na kaniyang kasama at napahinto na lamang sa tabi nila nang makita na si Yvonne na nakahiga sa lupa habang yakap ni Jervin.

"Yvonne…"

Related Books

Popular novel hashtag