Chereads / Runaway With Me / Chapter 168 - Unity Locale 15

Chapter 168 - Unity Locale 15

~Madaling araw~

"Yvonne…"

Tawag ni Liyan sa pangalan ni Yvonne habang nakatingin na ito sa dalaga na nakahiga sa lupa at yakap ni Jervin.

"A-anong nangyari kay Yvonne? N-na sugatan ba siya? N-nawalan ba siya ng malay?"

Pautal-utal na naguguluhang tanong ni Hendric habang nakatingin lamang ito kila Yvonne at Jervin na nasa talampasan.

"M-merong itim na u-usok ang biglang pumalibot k-kay Yvonne matapos mag-cast ng s-spell ung apo ni Dalis."

Pautal-utal na sagot ni Melanie sa tanong ni Hendric habang tinitignan na nito ang binata gamit ang kaniyang namumulang mga mata at patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak. Agad na pinanlakihan ng mga mata nila Liyan at ng binata ang dalagang sumagot sa tanong nito, habang si Anna nama'y napaupo na lamang sa lupa at patuloy pa ring tinitignan sila Yvonne at Jervin sa talampasan.

"S-sigurado ka bang itim na usok ung pumalibot kay Yvonne? Baka naman alikabok lang un? O-o kaya… o kaya�� Itim na usok talaga ang pumalibot sakaniya?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Liyan kay Melanie habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang lumuluha nang mga mata. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon nito sa kaibigan ni Yvonne habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Umiling na lamang si Hendric bilang tugon nito sa dalaga at saka tinignan na ang kaniyang mga kaibigan sa talampasan habang umiiyak na rin ito.

"Imposible. Bakit naman gugustuhing patayin ni Daisy si Yvonne? Oo, Pinagseselosan niya si Yvonne. Pero mukha naman siyang hindi mamamatay tao, ah!"

Sabi ni Hendric habang patuloy pa rin nitong tinitignan sila Yvonne at Jervin at umiiling-iling pa rin ito. Bigla nang tumayo si Jay mula sa pagkakaluhod nito sa tabi ni Melanie, pinunasan na ang kaniyang mga luha at saka tinignan na ang kaibigan na nakatayo sa pagitan nila Liyan at Anna.

"Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kasi nagustuhan ako ni Daisy. Kasalanan ko kasi gusto ko si Yvonne. Kasalanan ko na namatay si Yvonne. Kasalanan ko kasi nakatakas si Daisy at si Ate Kimberly lang ang humahabol sakaniya. Kasalanan ko ang lahat. Saakin niyo na lang isisi ang lahat, para hindi ko na isipin pa kung ano na ang mangyayari sa kinabukasan ko. Lalo na ngayon ay wala na si Yvonne. Saakin niyo na isisi ang lahat para may dahilan akong sundan siya sa kabilang buhay. Please… saakin niyo na lang isisi… para hindi ako maguilty sa pagkawala ko…"

Sabi ni Jay sakanila habang palipat-lipat na ang tingin nito sa mga kaibigan ni Yvonne gamit ang kaniya nang lumuluhang mga mata. Nag-hugis kamao na ang kamay ni Hendric at saka sinapak na ang binata na nakatayo sa tabi ni Melanie, dahilan upang mapa dapa na ang binata sa lupa at magulat ang dalagang katabi nito.

"Hendric! Anong ginawa mo!? Bakit mo sinapak si Jay?!"

Galit na tanong ni Liyan kay Hendric habang hawak na nito ang braso ng kaibigan at palipat-lipat na ang kaniyang tingin sa dalawang binata. Agad na nilapitan ni Melanie si Jay at saka tinulungan itong makaupo.

"Siraulo ka ba Jay!? Hindi porket nawala na si Yvonne ay susunod ka na rin! Pano na lang kaming mga kaibigan niyo!? Iniisip mo rin ba ang mga pwede naming maramdaman pag sumunod ka kay Yvonne, ha!?"

Galit na tanong naman ni Hendric kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata na nakaupo na sa lupa gamit ang kaniyang lumuluha nang mga mata. Patuloy pa ring hinahawakan ni Liyan ang braso ng binata habang umiiyak pa rin ito at si Anna nama'y tahimik lamang na umiiyak habang nakaupo pa rin ito sa lupa at hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin kila Jervin at Yvonne.

"Wala kang pakealam kung sumunod ako kay Yvonne o hindi! Buhay ko to! Ako ang may karapatang magdesisyon kung ano na ang sunod kong gagawin ngayong wala na si Yvonne!"

Sigaw pabalik ni Jay kay Hendric habang tinitignan na nito ang binata at nakaupo pa rin sa lupa. Ilang saglit pa ay bigla nang sinampal ni Melanie si Jay ng malakas, dahilan upang manahimik sila at panlakihan ito ng mga mata.

"Hindi mo lang ba inisip kung ano mararamdaman ng mga taong nagmamahal sayo? Bakit ang lakas ng loob mong sabihin na susunod ka kay Yvonne sa harap ng mga taong nagmamahal sayo?"

Tanong ni Melanie kay Jay habang tinitignan na ang binata sa mga mata nito at patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak. Nagdikit lamang ang kilay ng binata dahil sa itinanong sakaniya ng dalaga. Ilang saglit pa ay nanlaki na ang mga mata ni Anna, inabot ang damit ni Hendric at hinatak ito nang hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin kila Jervin at Yvonne.

"Ano ba Ann--?!"

Hindi na natapos ni Hendric ang kaniyang sasabihin nang makita na si Jervin na lumulutang sa ere at mayroong malakas na hangin ang nakapalibot sakaniya ngayon. Mabilis na napatakip ng mga mata ang mga kaibigan ni Yvonne habang sinusubukang manatili sakanilang mga kinaroroonan ngayon.

"Nasaan si Daisy Sebastian?"

Tanong ni Jervin sa lima habang palipat-lipat na ang tingin nito sakanila gamit ang kaniyang itim nang mga mata. Sinubukang tignan ni Jay ang binatang lumulutang at saka biglang pinanlakihan ito ng mga mata.

"Ikaw…"

Tanging nasabi na lamang ni Jay kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binatang lumulutang. Tinignan na ng binata ang kaibigan ni Yvonne na nagsalita at saka mabilis itong nilapitan.

"Meron kang gustong sabihin?"

Tanong ni Jervin kay Jay habang tinitignan na ang mga mata nito gamit ang kaniyang itim na mga mata. Mabilis na tumayo ang binata mula sakaniyang pagkakaupo sa lupa at saka hinarap na ang binatang lumulutang.

"Ikaw ang tinutukoy sa propesiya, Jervin! Ikaw ang salamangkerong may pinakamalakas na kapangyarihan sa lahat! Ibig sabihin kaya mong buhayin ulit si Yvonne!"

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binatang lumulutang. Agad na bumalik sa dati at nanlaki ang mga mata nito, lumapag na sa lupa at saka tumayo na sa harapan ng binata.

"Pano? Pano ko mabubuhay ulit si Yvonne?"

Desperadong tanong ni Jervin kay Jay sabay hawak na nito sa parehong braso ng binata sakaniyang harapan. Napayuko at napabuntong hininga na lamang ang binata at saka tinignan nang muli ang binata sakaniyang harapan na hawak pa rin ang kaniyang magkabilang braso.

"Mahal mo siya diba?"