Chereads / Runaway With Me / Chapter 163 - Unity Locale 12

Chapter 163 - Unity Locale 12

~Gabi~

"AAAAHHHHH!"

"Lola, narinig mo un?"

Tanong ni Daisy kay Dalis habang nakatayo na ito mula sakaniyang pagkakaupo sa tabi ng kaniyang lola sa bangkuan na nasa talampasan sa itaas na bahagi ng Unity Locale at nakaharap na sa gubat na kanilang pinanggalingan. Napalingon na ang matandang babae sa gubat na kanilang pinanggalingan at napatayo na rin ito.

"May naririnig ka pa bang ibang ingay na nagmumula sa kagubatan, hija?"

Tanong pabalik ni Dalis kay Daisy habang pinagmamasdan na ng mabuti ang kailaliman ng kagubatan. Nang manahimik ang mag-lola ay unti-unti na nilang naririnig ang mga espadang nagtatama sa isa't isa, ang mga haluyhoy ng mga naroroon sa kaloob-looban ng kagubatan. Nagtinginan na sa isa't isa ang mag-lola at saka dali-daling nagtungo sa pinanggagalingan ng mga ingay na kanilang naririnig. Habang papalapit na sila ng papalapit ay palakas na rin ng palakas ang tunog ng mga espada at mga haluyhoy ng mga nilalang na naroroon. Nang makarating na ang mag-lola roon ay nasilayan nila ang mga Diwata na kinakalaban ang mga Balderas, nakita rin nila si Melchor na tila ba'y pawang naligo na sa sariling dugo habang nakahiga na ito sa lupa at ginagawang unan ang hita ni Malaya.

"Malaya Fuentes?"

Nagdadalawang isip na tawag ni Dalis kay Malaya habang dahan-dahan na itong naglalakad papalapit sakaniyang kaibigan nang mayroong pighati sakaniyang mukha. Agad na nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sakaniya, ilang saglit pa ay tinignan na niya ang direksyon na pinanggalingan nito at nasilayan ang kaniyang kaibigan na naglalakad na papalapit sakaniya. Ang malungkot na mukha ng matandang babae ay biglang napalitan ng galit at mabilis na iniangat at itinapat ang kaniyang kamay sakaniyang kaibigan, dahilan upang tumigil ito sa paglapit sakanila ng kaniyang asawa.

"Ang lakas ng iyong loob na lumapit saakin at saaking asawa!"

Galit na sigaw ni Malaya kay Dalis habang tinitignan pa rin nito ang kaniyang kaibigan na hindi na makakilos pa. Sinubukang makawala ng kaibigan mula sa mahika ng matandang babae, ngunit bigo itong makawala.

"Lola!"

Tawag ni Daisy kay Dalis nang makita ang kaniyang lola na nakatayo na lamang sa isang tabi at hindi gumagalaw.

"Matapos mo kaming hindi puntahan saaming paglilitis patungkol sa pagkamatay ng angkan ni Josephina ay lalapitan mo kami ngayon na tila ba'y pawang walang nangyari!"

Sigaw pa ni Malaya kay Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang kaibigan. Akma na sanang aatakihin ni Daisy ang matandang babae nang bigla siyang inatake ni Melanie, dahilan para tumalsik ito papalapit sa lugar na kung saan ay naglalaban-laban ang mga Diwata at ang angkan ng mga Balderas.

"Ano iyong aking naririnig?"

Tanong ni Paulina habang papalapit na ito ng papalapit sa Enchanted Forest at patuloy pa rin sakaniyang paglipad. Nakasunod naman sa likuran nito si Patrick na lumingon sa likuran nito at nasilayan si Yvonne na sumusunod din sakanila at mula sa di kalayuan ay nakasunod na rin sakanila si Jervin. Tinanguan na ng binata ang dalaga habang patuloy pa ring tinitignan ito. Tinanguan naman pabalik ng dalaga ang binata na nasakaniyang harapan at saka nilingon na ang isa pang binata sakaniyang likuran.

"Mayroon bang nangyayari sa Enchanted Forest sa ganitong oras?"

Takang tanong ni Paulina sakaniyang sarili habang papalakas na ng papalakas ang tunog na kaniyang naririnig mula sa Enchanted Forest. Muling lumingon si Patrick sakaniyang likuran sa huling pagkakataon at nasilayan na si Jervin na kasabay nang lumipad si Yvonne, kaya't binilisan na niya ang kaniyang paglipad, inunahan ang kaniyang lola at saka huminto sa harapan nito, dahilan upang mapatigil ang matandang babae sakaniyang paglipad ng pasulong.

"Ano ang pumasok dyan sa isipan mo at bakit lumakas ang iyong loob na humarap saakin ng ganiyan!?"

Galit na tanong ni Paulina kay Patrick habang pinanlalakihan na nito ng tingin ang binata sakaniyang harapan. Hindi sinagot ng binata ang matandang babae sapagkat nginitian lamang ito, itinaas na ang kaniyang parehong kamay at saka itinapat ito sa matandang babae, dahilan upang mapunta sa likuran ng matandang babae ang sariling kamay nito.

"Yvonne! Tulong!"

Paghingi ng tulong ni Paulina kay Yvonne habang sinusubukan nitong kumawala mula sa mahika ng kaniyang apo. Lumapit na ang dalaga sa matandang babae, tinignan ito, nginitian, iniangat ang kaniyang kamay at saka itinapat ito kay Patrick, dahilan upang unti-unti nang magbalat ang buong katawan nito. Nagdikit ang kilay ng matandang babae habang patuloy na tinitignan ang binata na magpalit anyo.

"Bakit ba bibihira mo lang pagsalitain si Patrick? Mababa na tuloy self-respect nun at self-confidence. Tsk. Tsk. Tsk. Anong klase kang Lola?"

Kumento ni Jay kay Paulina habang nakangisi na ito sa matandang babae sakaniyang harapan. Nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang makita ang mukha ng binata at nagulantang nang mayroon siyang naramdamang malamig na bagay na pumalibot sakaniyang magkabilang pulso.

"A-ano… anong nangyayari!?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Paulina habang sinusubukan na nitong galawin ang kaniyang mga kamay. Hinawakan na ni Yvonne ang balikat ng matandang babae habang patuloy pa rin itong nginingitian.

"Naisahan ka namin."

Tanging sagot ni Yvonne sa tanong ni Paulina sabay hawak na sa braso nito. Pinanlakihan ng mga mata ng matandang babae ang dalaga at sinubukang tignan ang mga mata nito ngunit nakapikit na ito. Ilang segundo pa ang lumipas ay hinawakan na rin ni Jervin ang kabilang braso ng matandang babae, dahilan upang mapatingin na rin sakaniya ito. Pinanlakihan din ng mga mata ng matandang babae ang binata at sinubukan ding tignan ang mga mata nito. Nang magtama na ang kanilang mga mata ay agad na nanlupaypay ang matandang babae at napapikit na. Nanlaki ang mga mata ni Jay at ng dalaga nang makita ang nangyari sa matandang babae at mabilis na tinignan ang binata.

"Anong ginawa mo?"

Natatarantang tanong ni Jay kay Jervin habang pinanlalakihan na ng mga mata ang binata. Tinignan pabalik ng binata ang binata sakanilang harapan at saka pinanlakihan din ito ng mga mata.

"Tinignan ko lang siya sa mga mata niya tapos inisip ko na matulog na lang siya kesa makipagtigasan pa satin."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Jay habang tinitignan na si Paulina at saka ibinaling na ang kaniyang tingin kay Yvonne at nasilayan ito na nakangiti na sakaniya. Napataas na lamang ng parehong kilay ang binata at saka nginitian pabalik ang dalaga.

"Sa harapan ko pa talaga."