~Gabi~
"Matapos mo kaming hindi puntahan saaming paglilitis patungkol sa pagkamatay ng angkan ni Josephina ay lalapitan mo kami ngayon na tila ba'y pawang walang nangyari!"
Sigaw pa ni Malaya kay Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang kaibigan. Akma na sanang aatakihin ni Daisy ang matandang babae nang bigla siyang inatake ni Melanie, dahilan para tumalsik ito papalapit sa lugar na kung saan ay naglalaban-laban ang mga Diwata at ang angkan ng mga Balderas.
"Ano ang nangyayari rito, Malaya?"
Takang tanong ni Jacqueline kay Malaya habang naglalakad na ito papalapit sa kaibigan na nakaupo sa lupa matapos matalo ang anim na salamangkero't mangkukulam ng mga Balderas. Hindi tinignan ng kaibigan ang matandang babae sapagkat patuloy lamang nitong pinagmasdan si Dalis na hindi pa rin maka galaw sa kinatatayuan nito. Nagdikit na lamang ang kilay ng matandang babae sapagkat hindi siya sinagot ng kaniyang kaibigan kaya't naisipan na lamang nito na tignan ang direksyon kung saan nakatingin ang kaibigan at nasilayan na rin sa wakas ang isa pa nilang kaibigan.
"Dalis Sebastian."
Galit na tawag ni Jacqueline kay Dalis habang sinasamaan na nito ang kaibigan na nakatingin na rin sakaniya. Nanlaki ang mga mata ng kaibigan nang masilayan ang matandang babae na nakatayo na sa tabi ni Malaya na patuloy pa rin siyang pinagmamasdan.
"Jacqueline… Belmonte?"
Hindi makapaniwalang tawag ni Dalis kay Jacqueline habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Bahagyang napangisi ang matandang babae nang makita ang reaksyon ng kaniyang kaibigan nang makita siya nito. Ilang segundo pa ang lumipas ay naglakad na ito papalapit sakaniyang kaibigan nang hindi pa rin nawawala ang ngisi sakaniyang mga labi.
"B-bakit ka naririto?! A-ang buong akala ko'y namatay na ang iyong buong angkan!"
Hindi makapaniwalang sabi ni Dalis kay Jacqueline habang patuloy pa rin nitong pinanlalakihan ng mga mata ang matandang babae na nakatayo sakaniyang harapan. Nanahimik lamang ang matandang babae at saka hinawakan na ang pisngi ng kaniyang kaibigan nang hindi pa rin nawawala ang ngisi sakaniyang mga labi.
"Sino ka ba, ha!? Bakit mo ako kinakalaban!?"
Galit na tanong ni Daisy kay Melanie habang nakatayo ang parehong dalaga salungat sa isa't isa at hinahabol na ang kanilang mga hininga. Sinamaan lamang ng tingin ni Melanie ang dalaga, iniangat na ang kaniyang kanang kamay at saka itinapat ito sa dalaga, dahilan upang biglang umangat mula sa lupa ang dalaga at masakal ito sa ere.
"Balak mong saktan ang lola ko kanina diba? Pinoprotektahan ko lang ako lola ko sayo."
Sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Daisy habang patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin ang dalaga na kaniyang sina sakal sa ere. Pilit na kumakawala ang dalaga sa mula sa mahika ng isa pang dalaga ngunit bigo ito.
"Bakit ba kasi dinala ni Tazara ang buo niyang angkan? Nagkaron pa tuloy ng gulo dito sa Enchanted Forest na dating tahimik at peaceful."
Reklamo ni Jay habang nakatayo na silang tatlo nila Yvonne at Jervin mula sa di kalayuan at pinapanuod lamang ang mga Diwata at mga Balderas na maglaban sa isa't isa. Iniikot na ng dalaga ang kaniyang paningin sa lugar na pinaglalabanan ng mga Diwata't mga Balderas na tila ba'y pawang mayroon siyang hinahanap, samantalang ang isang binata nama'y pinagmasdan na lamang ang mga naglalaban na mga Diwata at mga Balderas habang hawak na nito ang posas na nasa magkabilang pulso ni Paulina na lumulutang ng nakahiga at natutulog.
"Ba't parang di ko nakikita dun sila Kimberly at ang iba pa? Ba't parang puro mga Diwata lang galing sa angkan ni Tita Aneska at angkan lang ng mga Balderas ung nakikita ko?"
Takang tanong ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong iniikot ang kaniyang tingin sa mga Diwata't mga Balderas. Napataas na lamang ng kilay si Jay nang mapagtanto ang itinanong ni Yvonne, habang si Jervin ay nanlaki na lamang ang mga mata nang mapagtanto rin iyon.
"Yvonne!"
Tawag ng isang pamilyar na boses mula sa di kalayuan, dahilan upang mapatingin ang tatlo sa direksyon na pinanggalingan ng boses na iyon.
"Jay!"
Tawag muli ng pamilyar na boses mula sa di kalayuan, dahilan upang magka tinginan na sina Yvonne at Jay sa isa't isa at inabangan na kung sino iyon. Ilang saglit pa ay mayroon nang isang paniki ang lumitaw sakanilang harapan at mabilis itong nagpalit ng anyo bilang si Lyka.
"Lyka, bakit parang pagod na pagod ka at natataranta pa?"
Takang tanong ni Yvonne kay Lyka nang makalapit na ito sa matalik na kaibigan at hinawakan na ang balikat nito. Nagtinginan lamang sa isa't isa sina Jay at Jervin at hinintay na ang isasagot ng Bampira sa tanong sakaniya ng dalaga.
"Si… Madam… Kimberly…"
Paputol-putol na sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Yvonne habang tinitignan na nito ang dalaga sa mga mata nito. Ilang saglit pa ay iniangat na ni Jay ang kaniyang palad at dahan-dahan itong ibinaba, dahilan upang mayroong lumitaw na isang baso ng dugo sakaniyang kamay at saka ibinigay iyon sa Bampira para inumin. Agad na ininom iyon ng Bampira at sinimot ang isang basong pinag lalagyan ng dugo.
"Okay ka na?"
Tanong ni Jay kay Lyka sabay bawi na ng baso mula rito, hinagis iyon pataas at saka mabilis na kinuha mula sa ere, dahilan upang maglaho na ito. Tumango lamang ang Bampira bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at saka tinignan nang muli si Yvonne.
"Balak patayin ni Madam Kimberly ang sarili niya sa bangin na lagi niyong pinupuntahan dati ni Lola Beatrice!"
Natatarantang sagot ni Lyka sa tanong sakaniya kanina ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga sa mga mata nito. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at ng dalawang binata nang marinig ang sinabi ng Bampira sakanila.
"Letivate!"
Sambit ni Yvonne, dahilan upang lumutang na ito sa ere at mabilis na nagtungo sa bangin na nasa itaas ng Unity Locale. Agad namang sumunod si Jay sa dalaga at si Jervin nama'y mabilis na hinawakan ang kamay ni Lyka at ipinahawak na rito ang posas na suot ni Paulina.
"Ikaw muna magbantay sakaniya."
Sabi ni Jervin kay Lyka at mabilis na sinundan sina Yvonne at Jay tungo sa talampasan. Naiwang naguguluhan ang Bampira sa kinaroroonan niya ngayon habang nakatingin na sa direksyon na ni liparan ng tatlo nitong kaibigan.