Chereads / Runaway With Me / Chapter 162 - Enchanted Forest 6

Chapter 162 - Enchanted Forest 6

~Gabi~

"Ano ang iyong pakay!? Bakit ka umiiyak-iyak ngayon!?"

Galit na tanong ni Dezso kay Timea habang hawak nito ang pulso ng kapwa Diwata na mayroong kulay lilang buhok at pinanlalakihan na ito ng mga mata. Tumulo ang mga luha ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok habang tinitignan na nito ang kapwa Diwata na mayroong kulay pulang buhok. Nanahimik lamang ang Diwata at sina Jacqueline at Kimberly habang iniintay na ang isasagot nito sa itinanong sakaniya. Bigla nang lumapit sa apat si Lyka at saka tinignan ang matandang babae at ang babae nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha.

"May mga paparating po."

Sabi ni Lyka Kila Kimberly at Jacqueline habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae at ang kaibigan nito. Tumango na lamang ang matandang babae sa Bampira bilang tugon nito rito.

"Magsi tago nang muli tayo."

Sabi ni Jacqueline sakanilang iba pang mga kasama habang tinitignan na ang mga ito. Agad namang nagsi sunod ang kanilang mga kasama sa matandang babae at nagsi tago na sa likuran ng mga puno.

"Dezso, bantayan mo si Timea."

Utos ni Kimberly kay Dezso habang tinitignan na nito ang Diwatang mayroong kulay pulang buhok at si Timea na patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak. Tinignan na ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang babae, tumango bilang tugon nito rito at saka inalalayan nang tumayo ang kapwa Diwata na mayroong kulay lilang buhok at parehong nagtago sa iisang puno.

"Nasan na kaya sila Yvonne, Jay at Jervin? Sana ayos lang sila."

Mahinang sabi ni Lyka sakaniyang sarili habang nakatayo pa rin ito sakaniyang kinatatayuan kanina nang kausapin sina Jacqueline at Kimberly. Nang marinig na ng Bampira na papalapit na ng papalapit ang mga naglalakad ay nagpalit na siya ng anyo bilang isang paniki, lumipad tungo sa isang puno at doon sumabit ng patiwarik upang makita kung sino-sino ang mga paparating.

"Si Melchor? Nasaan si Melchor? Nasaan ang aking asawa?"

Nag-aalalang tanong ni Malaya kay Melanie habang naglalakad sila sa gitna ng gubat at inaalalayan ng dalaga ang kaniyang lola. Lumingon sakanilang likuran ang dalaga at nasilayan si Melchor na buhat ng mga Balderas at muling tinignan ang kaniyang lola.

"Wag ka pong mag-alala lola, kasama po natin si lolo sa likod."

Sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Malaya habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad at bahagyang nginingitian ang kaniyang lola upang pagaanin ang loob nito. Tinignan na ng matandang babae ang kaniyang apo at saka umiyak na ng tahimik. Biglang nag-alala ang dalaga nang makita ang mga luha sa pisngi ng kaniyang lola.

"Lola, bakit po?"

Nag-aalalang tanong ni Melanie kay Malaya sabay tigil na nilang pareho sakanilang paglalakad. Nanahimik lamang ang matandang babae at saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng kaniyang apo habang patuloy pa rin siya sakaniyang pag-iyak.

"Patawarin mo ako apo… kung naging matapang lamang sana ako ay hindi mangyayari ito saiyo ngayon. Patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting lola para saiyo."

Sabi ni Malaya kay Melanie habang hinahaplos na nito ang buhok ng kaniyang apo. Hindi na rin nakayanan ng dalaga na pigilan ang kaniyang nadarama at umiyak na rin sa harapan ng kaniyang lola.

"Ano? Tinulungan tayo ng dalagang Tamayo na makatakas kay Lina?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Tazara kay Thomas habang naglalakad din silang dalawa at inaalalayan din ng binata ang kaniyang lola sa paglalakad nito. Tumango ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang lola nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.

"Oo. Para ngang kasabwat niya si Patrick, e."

Sagot ni Thomas sa tanong sakaniya ni Tazara habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sakaniyang mga labi. Nagdikit ang kilay ng matandang babae sa sinabi sakaniya ng kaniyang apo, tinignan na ito nang mayroong pagdududa sakaniyang mukha at saka biglang tumigil sakaniyang paglalakad, dahilan upang mapatigil na rin ang kaniyang apo sa paglalakad at saka napatingin nang muli sakaniya.

"Bakit 'La?"

Takang tanong ni Thomas kay Tazara habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang lola na nakatingin pa rin sakaniya. Nanatiling tahimik ang matandang babae ng ilang segundo, habang ang kaniyang pao nama'y hinihintay lamang ang kaniyang isasagot sakaniya. Napailing na lamang ang matandang babae at saka nginitian na lamang ang kaniyang apo bilang tugon dito. Nginitian pabalik ng binata ang kaniyang lola at saka nagpatuloy na silang maglakad muli.

"Anong tingin ang iyong ibinibigay saaking apo?"

Takang tanong ni Paulina kay Yvonne habang nakatingin na ito sa dalaga nang mayroong pagdududa rito. Pinanlakihan ng mga mata ng dalaga ang matandang babae at saka tinignan na si Patrick gamit pa rin ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Anong sasabihin ko, Jay?!"

Natatarantang tanong ni Yvonne sakaniyang isipan habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Patrick sakaniyang tabi. Palipat-lipat lamang ang tingin ni Paulina sa dalaga at sakaniyang apo habang hinihintay nito ang isasagot sakaniya ng dalaga.

"Bat ako tinatanong mo!? Natataranta na rin ako!"

Sabi ni Jay sakaniyang isipan, dahilan upang mataranta pa lalo si Yvonne at saka hinarap nang muli si Paulina nang mayroong kabadong ngiti sakaniyang mga labi.

"Ngayon ko lang na… nakita ng malapitan si Patrick kaya ngayon ko lang napagtanto na pogi pala siya."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Paulina habang patuloy pa rin nitong nginingitian ang matandang babae. Tinitigan muna ng mabuti ng matandang babae ang dalaga mula ulo hanggang paa nito at saka tinignan na rin si Patrick.

"Kung mayroon kang gusto saakin apo, sabihin mo lang."

Tanging sabi ni Paulina kay Yvonne habang nakatingin na itong muli sa dalaga. Napataas ng parehong kilay ang dalaga dahil sa sinabi sakaniya ng matandang babae at saka tumango na lamang bilang tugon rito nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Sinubukan na ng matandang babae ang lumipad ng pasulong at naka abante na ito.

"Tara na! Kailangan natin silang mahuli at parusahan dahil sakanilang ginawa saakin!"

Sigaw ni Paulina kila Yvonne at Patrick sabay lipad na ng mabilis patungo sa gubat na pinatunguhan ng mga Fuentes at mga Balderas. Agad na nagtinginan ang dalaga at ang binata at saka tinignan na nila pareho si Jervin na nagtatago sa likod ng isang tindahan. Nauna nang sinundan ng binata ang kaniyang lola, habang ang dalaga'y naiwan saglit at sinenyasan na ang binatang nagtatago sa likod ng isang tindahan na sumama na rin sakanila.