~Gabi~
"Anong gagawin natin? Hahayaan lang sila na maka layo at makuha sila Yvonne at Jay?"
Pabulong na tanong ni Jervin kay Lyka habang nagtatago sila sa likuran ng isang puno. Sinamaan ng tingin ng Bampira ang binata at akma na sanang papaluin ito ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili upang hindi sila makalikha ng ingay na maririnig ng mag-lolang Sebastian.
"Shempre hindi, noh. Sigurado akong may plano sila Madam Jacqueline at Madam Kimberly, kailangan lang nating intayin ang signal nila."
Sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Jervin habang tinitignan na nito sila Jacqueline at Kimberly na nagtatago rin sa ibang puno. Nagtinginan ang babae at ang matandang babae sa isa't isa habang papalapit na ng papalapit si Dalis sakanilang pinagtataguan na puno. Dahan-dahang tumango ang babae, habang ang matandang babae nama'y umiling bilang tugon nito sakaniyang kaibigan. Pinanlakihan ng mga mata ng babae ang matandang babae hanggang sa makalampas na sakanilang kinaroroonan ang kanilang isa pang kaibigan kasama ang apo nito. Nang maka layo na ang mag-lolang Sebastian ay nagsi labasan na silang lahat at nagtipon-tipon sa kinatatayuan ngayon ng matandang babae at ng kaibigan nitong babae.
"Bakit hinayaan mo lang sila na makatakas!?"
Galit na tanong ni Kimberly kay Jacqueline habang naka angat na ang kaniyang kaliwang kamay at itinuturo na ang direksyon na pinatunguhan ng mag-lolang Sebastian. Seryoso nang tinignan ng matandang babae ang kaniyang kaibigan at saka ibinaba na ang kamay nito.
"Hindi pa ito ang oras upang lumikha ng gulo. Dapat naririto na rin sila Paulina, Malaya, Yvonne at Jay upang maumpisahan ang labanan."
Sagot ni Jacqueline sa tanong sakaniya ni Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang kaibigan. Tumango sina Aneska at Timea bilang pagsang-ayon nila kay Jacqueline.
"Hintayin nating dumating ang iba pa sapagkat walang mangyayari kung sisimulan natin kaagad ang laban. Sinasabi saakin ni Beatrice ang lahat ng kaniyang pangitain kaya't maniwala kayo saakin."
Sabi ni Timea sakanila habang palipat-lipat na ang kaniyang tingin. Biglang nagdikit ang kilay ni Dezso habang tinitignan na nito ang kapwa niyang Diwata na mayroong kulay lilang buhok.
"Maaari ngang totoo ang iyong sinasabi, ngunit bakit ikaw lamang ang nagtungo rito upang protektahan ang dalagang Tamayo? Bakit hindi mo isinama ang iyong angkan?"
Tanong ni Dezso kay Timea habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kapwa Diwatang mayroong kulay lilang buhok sabay cross arms na nito. Dahan-dahang nilingon nila Aneska, Jacqueline, Kimberly, Jervin at Lyka ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok at saka tinignan nila ito nang mayroong pagtataka sakanilang mga mukha.
"Tama si Dezso. Bakit ikaw lamang ang nagtungo rito upang protektahan ang dalagang Tamayo, Timea?"
Takang tanong ni Aneska kay Timea habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kapwa Diwata na mayroong kulay lilang buhok. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng Diwatang mayroong kulay lilang buhok at napalunok.
"A-Ahh… Ako lang mag-isa ang nagpunta rito sapagkat… ano… sapagkat… u-upang hindi malaman ng iba pang mga Tamayo kung saan naroroon ngayon ang dalagang Tamayo!"
Paputol-putol na sagot ni Timea sa tanong sakaniya ni Aneska habang hindi na nito matignan ng diretso ang kapwa Diwata na mayroong kulay asul na buhok. Pinanlisikan na ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang kapwa Diwata na mayroong kulay lilang buhok, nilapitan ito at saka nginisian.
"Sa tingin mo ba ay mayroong maniniwala saiyo?"
Nakangising tanong ni Dezso kay Timea habang tinitignan na nito ang kapwa Diwata sa mga mata nito. Sinamaan na ng tingin ni Lyka ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok, nilapitan na rin ito at saka tumayo na sa tabi ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok.
"180 years old pa lang ako pero kahit mga teenager ay hindi maniniwala sa kasinungalingan mo!"
Galit na sigaw ni Lyka kay Timea habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok gamit na ang kaniyang pulang-pulang mga mata sabay pakita na ng kaniyang pangil at bigla nang lumutang ang kaniyang mahabang itim na buhok. Kaagad namang natakot ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok at napaupo na lamang sa lupa habang nakayuko ito.
"Oh? Bakit takot na takot ka ngayon, Timea?"
Takang tanong ni Dezso kay Timea sabay upo na rin nito upang pantayan ang kapwa Diwata na mayroong kulay lilang buhok na nakaupo sakaniyang harapan. Noong nanahimik na ang lahat ay naririnig nila ang Diwatang mayroong kulay lilang buhok na mayroon itong mahinang sinasabi sakaniyang sarili habang tinatakpan na nito ang kaniyang tainga.
Nang nainip na si Dezso na intayin ang isasagot sakaniya ni Timea ay mabilis niyang hinawakan ang pulso ng kapwa Diwata na mayroong kulay lilang buhok at saka inilayo iyon sa tainga nito, dahilan upang magulantang at Diwatang mayroong kulay lilang buhok at mapatingin ito sakaniya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok nang masilayan ang kapwa Diwata na mayroong nang luha sa mga mata nito.
"Bakit ka napatigil, Dezso?"
Takang tanong ni Kimberly kay Dezso habang pabalik-balik na ang kaniyang tingin sa dalawang Diwata na magkaharap na nakaupo. Hindi pinansin ng Diwatang mayroong kulay pulang buhok ang tanong sakaniya ng babae sapagkat patuloy lamang nitong tinitignan si Timea nang mayroong pagtataka sakaniyang mukha. Nang kumalma na si Lyka ay agad niyang hinanap si Jervin, ngunit kahit saan na niya ibaling ang kaniyang tingin ay hindi na niya mahanap pa ang binata.
"Nasaan si Jervin?"
Tanong Lyka sakanilang mga kasama, dahilan upang ikutin na rin ng iba ang kanilang mga paningin sakanilang paligid.
"Jervin!"
Tawag ni Lyka Kay Jervin habang naglalakad-lakad na ito at patuloy pa ring iniikot ang kaniyang paningin sa paligid. Hinanap na rin ng angkan ni Aneska ang binata, habang sina Jacqueline, Kimberly at Dezso ay nanatili lamang sakanilang mga kinaroroonan at binabantayan si Timea na patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak.
"Saan naman kaya nagpunta ung lalaking un?"
Natatarantang tanong ni Lyka sakaniyang sarili habang patuloy pa rin siyang naglalakad-lakad at hinahanap si Jervin. Ilang saglit pa ay nilapitan na ni Aneska ang Bampira at saka hinawakan na ang balikat nito. Mabilis na nilingon at tinignan ng Bampira ang Diwatang mayroong kulay asul na buhok at huminto na sakaniyang paglalakad.
"Hayaan na natin si Jervin, hija. Sigurado akong alam niya ang kaniyang ginagawa."