~Umaga~
"Wag kang mag-alala, Aya. Hindi kita sasaktan. Sa ngayon. Kaya nga't naririto ako upang iligtas kayo ng iyong pamilya mula sa kamay ng mga Balderas. Sana'y ikalugod mo ang aking pagsagip sa inyong pamilya."
Nakangising sabi ni Paulina kay Malaya habang tinitignan na nito ang matandang babae na nakaupo sa sahig at desididong layuan ang kaibigan na nakatayo sakaniyang harapan. Akma na sanang lalapitan ni Yvonne ang kaibigan ng matandang babae nang bigla siyang hinawakan ni Patrick sakaniyang braso, kaya't agad itong napatingin sa binata. Umiling lamang ang binata sa dalaga at saka binitawan na ang braso nito. Tumayo na lamang ng maayos ang dalaga sakaniyang kinaroroonan at saka pinanuod na lamang ang dalawang matandang babae.
"A-ano ang iyong sinasabi Lina? B-bakit tila ba'y parang takot na takot saiyo si Malaya? Mayroon ka bang ginawa sakaniya na hindi niya malimutan?"
Sunod-sunod na tanong ni Tazara kay Paulina habang dahan-dahan na itong naglalakad papalapit sakaniyang kaibigan at nakatingin rito nang bigla siyang napatalsik nang iniangat ng kaniyang kaibigan ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata ni Thomas nang masilayan ang nangyari sakaniyang lola kaya't akma na sana itong tatakbo papalapit sakaniyang lola ngunit mabilis na nahawakan ni Melanie ang kaniyang pulso at kaagad na napigilan ang binata. Mula naman sa di kalayuan ay nagtatago si Jervin sa likuran ng isang tindahan at nanlaki ang kaniyang mga mata nang masilayan na tumalsik papalayo ang matandang babae at bumagsak sa lupa.
"Gano kalakas tong Paulina na to?"
Mahinang tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang patuloy pa rin itong nagtatago at palihim na pinapanuod ang nangyayari sa kinaroroonan nila Yvonne at Melanie. Napapikit na lamang ang dalaga, huminga ng malalim at nagpakawala na ng malalim na hininga habang nakatayo pa rin sa tabi ni Patrick.
"Ano na suggestions mo, Jay?"
Tanong ni Yvonne sakaniyang isipan habang nakapikit pa rin ito at nakahugis kamao na ang kaniyang parehong kamay. Biglang inikot ni Patrick ang kaniyang paningin sakanilang paligid at nasilayan si Melanie na hawak ang pulso ni Thomas at saka biglang kinalabit ang dalagang kaniyang katabi, dahilan upang mapamulat ito, mapatingin sakaniya at mapatingin na rin sa tinitignan nito.
"Melanie at Thomas."
Mahinang banggit ni Yvonne sa habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalawa. Nagdikit ang kilay ni Jervin nang masilayan na parehong tumingin ang dalaga at si Patrick sa kinaroroonan ngayon nila Melanie at Thomas.
"Ano kaya binabalak ngayon ni Yvonne?"
Mahinang tanong muli ni Jervin sakaniyang sarili habang patuloy pa rin nitong pinapanuod ang bawat kilos nila.
"M-maawa ka s-saakin… Paulina…"
Pagmamakaawa ni Malaya kay Paulina habang patuloy pa rin itong gumagapang papalayo sakaniyang kaibigan at umiiyak na. Ngumisi lamang ang kaibigan ng matandang babae at saka dahan-dahan na itong nilapitan.
"Matapos mo akong ipag palit kila Josephina, maaawa pa ako saiyo?! Ano ba Malaya! Huwag ka nga magpatawa riyan! Hindi nakakatuwa, e!"
Galit na sigaw ni Paulina kay Malaya habang patuloy pa rin nitong nilalapitan ang matandang babae na patuloy pa ring gumagapang papalayo sakaniya. Nang makalayu-layo na ang dalawang matandang babae ay mabilis na tumakbo si Yvonne papalapit kila Melanie at Thomas, dahilan upang panlakihan siya ng mga mata nitong dalawa.
"Gagawin ko lang tong mabilis. Sana maiintindihan niyo ang plano ko."
Sabi ni Yvonne kila Melanie at Thomas sabay lingon na nito sa kinaroroonan nila Paulina at Malaya at saka ibinalik nang muli sa dalawa ang kaniyang tingin. Tumango lamang ang dalawa bilang tugon nila sa dalaga.
"Sige ganito. Willing ba kayong masaktan?"
Tanong kaagad ni Yvonne sa dalawa habang palipat-lipat na ang kaniyang tingin dito. Mabilis na tumango si Melanie bilang tugon nito sa tanong sakanila ng dalaga, habang si Thomas naman ay ibinaling ang kaniyang tingin sa pinagtalsikan ng kaniyang lola bago tumango bilang tugon nito. Tumango na rin ang dalaga at saka muling ibinalik ang kaniyang tingin sa kinaroroonan ng dalawang matandang babae.
"Sabay niyong atakihin si Paulina sa likod niya. Wala akong pake kung anong element ang gamitin niyo sakaniya, basta Siguraduhin niyo lang na masasaktan siya ng sobra. Kung aatakihin ko man kayo, walang personalan. Papaniwalain lang natin si Paulina na kakampi niya ako para matalo natin siya. Pagka tapos nun ay bilisan niyo ang pag punta sa Enchanted Forest. Isama niyo na rin ung mga sugatan. Wag na wag ninyo silang iiwan."
Pagpapaliwanag ni Yvonne ng kaniyang plano sa dalawa niyang kaharap at mabilis na bumalik sakaniyang kinatatayuan kanina bago pa man lumingon sakanila si Paulina. Nagtinginan na sa isa't isa sina Melanie at Thomas, mabilis na lumapit sa kinaroroonan ng kaibigan ng matandang babae, tinignan ang dalaga at saka tumango. Tinignan na rin sila ng dalaga at saka tumango pabalik bilang tugon sa dalawa. Ilang segundo pa ang lumipas ay ipinaglapit na ng dalawa ang kanilang mga kamay at mayroon nang lumitaw na tubig mula sakanilang mga kamay at papalaki na iyon ng papalaki.
"Ready ka na?"
Tanong ni Thomas kay Melanie habang tinitignan na nito ang dalaga at patuloy pa ring pinapa laki ang bola ng tubig na kanilang hawak. Tinignan na ng dalaga ang binata at saka tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya.
"Pagbilang ko ng tatlo."
Sabi ni Melanie kay Thomas habang nakatingin pa rin ito sa binata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito sa dalaga at saka tinignan na si Paulina sakanilang harapan.
"Isa"
"Dalawa."
"Tatlo!"
Sigaw ni Melanie sabay hagis na nilang pareho ni Thomas ng malaking bola ng tubig kay Paulina. Nang marinig ng kaibigan ng matandang babae ang sigaw ng dalaga ay agad siyang lumingon at nasilayan na malapit na sakaniya ang malaking bola ng tubig. Hindi na siya naka iwas pa rito at tumalsik na siya sa malayo, habang si Malaya naman ay hindi nabasa sapagkat mayroong mahiwagang panangga ang lumitaw sa harapan nito. Nanlaki ang mga mata ng apat nang masilayan iyon at nagtinginan sa isa't isa.
"Ginawa mo ba un?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Thomas kay Melanie habang pinanlalakihan na nito ng mga mata ang dalaga. Umiling lamang ito bilang tugon sa tanong sakaniya ng binata.
"Ginawa mo un?"
Gulat na tanong naman ni Yvonne kay Patrick habang pinanlalakihan na niya ng tingin ang binata. Umiling lamang ito bilang tugon sa tanong sakaniya ng dalaga. Ngunit agad na nawala ang kaniyang interes na malaman kung sino ang gumawa ng mahiwagang panangga at saka ibinaling na ang kaniyang tingin kay Paulina. Mabilis na tumakbo ito papalapit kila Melanie at Thomas at saka pinalipad ang dalawa papalapit sakanilang mga lolo't lola. Agad namang sumunod ang binata sa dalaga upang tulungan ang kaniyang lola na tumalsik papalayo.