~Umaga~
"Pananagutan mo ang mga kasalanang iyong ginawa, Tazara Balderas!"
Galit na sigaw ni Malaya kay Tazara habang tinitignan na nito ang kaniyang kaibigan na nakatayo na sa tabi ni Melchor na nakahiga sa lupa at marami nang dugo ang lumalabas mula sa dibdib nito. Tinignan na ng kaibigan ang asawa ng matandang babae, nginisian ito at ikinumpas ang kaniyang kamay, dahilan upang tumalsik papalayo si Melanie mula sakaniyang lolo at tatama na sana siya sa tindahan ng mga matutulis na sandata nang bigla siyang sinagip ni Thomas at maingat na inilapag sa lupa.
Pagka upo ni Melanie sa lupa ay agad niyang sinamaan ng tingin si Thomas, mabilis na iniangat ang kaniyang kamay at itinapat ito sa binata, dahilan upang lumipad na patungo sa binata ang mga matutulis na sandata na nasa likuran ng dalaga. Mabilis na iniharang ng binata ang kaniyang magkabilang braso sakaniyang harapan, dahilan upang mayroong biglang lumitaw na pader sa harapan nito kaya't hindi siya natamaan ng mga ito.
"Sa tingin mo ba ay mayroong magtatangkang magsumbong sa SCOWW patungkol sa ginagawa ngayon ng aking angkan sainyo?! Wuahahahhaahha! Tignan mo nga ang ating kapaligiran! Wala nang iba pa ang nakapalibot sa kinaroroonan natin!"
Natatawang sabi ni Tazara kay Malaya habang naka angat na ang pareho nitong kamay at tinitignan na ang matandang babae. Pilit na kumakawala ang matandang babae mula sa kamay ng kamag-anak ng kaniyang kaibigan, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang makawala sa kamay ng mga ito.
"Ano pa ba ang iyong gusto?!"
Galit na tanong ni Malaya kay Tazara habang sinasamaan na nito ng tingin ang kaniyang kaibigan. Ibinaba na ng kaibigan ang parehong kamay nito at naglakad na papalapit sa matandang babae nang mayroong pa ring ngiti sakaniyang mga labi.
"Ang mapa saakin ang pinaka makapangyarihang mangkukulam sa lahat."
Nakangiting sagot ni Tazara sa tanong sakaniya ni Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae. Nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang pumasok na sakaniyang isipan ang sinagot sakaniya ng kaibigan.
"Hindi mo maaaring pilitin ang dalawa na magpa kasal kung hindi naman nila mahal ang isa't isa!"
Pag kontra ni Malaya kay Tazara habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan na nakatingin pa rin sakaniya at nakangiti pa rin. Ilang saglit pa ay mabilis na hinawakan ng kaibigan ang buhok ng matandang babae at tinignan na ang mga mata nito.
"Wala ka nang magagawa roon kung mapa gawa ko man iyon saaking apo at sa dalagang iyon. Dahil kapag nangyari na ang aking plano ay wala nang makakapigil pang iba saaking angkan."
Bulong ni Tazara kay Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae at sabay bitaw na sa buhok nito. Sinamaan nanamang muli ng matandang babae ng tingin ang kaniyang kaibigan at sinubukan muling kumawala mula sa kamay ng mga kamag-anak ng kaibigan ngunit bigo muli ito. Ilang saglit pa bago bitawan ng kaibigan ang buhok ng matandang babae ay biglang natumba ang halos kalahati ng angkan ng kaibigan ng matandang babae sa hindi malaman na dahilan.
"A-anong nangyayari?! Magsi tayo kayo!"
Gulat na sabi ni Tazara sa halos kalahati ng kaniyang angkan na nakahilata na sa sahig. Iniikot na nila Melanie, Thomas, Malaya at ng kaibigan nito ang kanilang mga paningin upang tuntunin kung sino ang may gawa nuon sa angkan ng Balderas.
"Lolo Melchor!"
Nag-aalalang sigaw ni Yvonne kay Melchor nang masilayan niya ito na nakahiga sa lupa at naliligo na sa sarili nitong dugo habang lumilipad na ito pababa mula sa kalangitan. Agad na nagsi tingala sina Melanie, Malaya at ang mga Balderas sa kalangitan at nasilayan ang dalaga na lumilipad na pababa kasama sina Paulina De Gracia at ang apo nito na si Patrick De Gracia.
"Lina?! Ano ang ginagawa mo rito sa Canada!? At bakit kasama mo ang dalagang iyan?!"
Hindi makapaniwalang tanong ni Tazara kay Paulina habang pinanlalakihan na nito ng mga mata ang kanilang isa pang kaibigan na kasabay lumapag sa lupa sina Yvonne at Patrick. Nginitian ng kaibigan si Malaya na hawak pa rin ng mga kamag-anak ng matandang babae at ikinumpas na kaagad ang kamay nito, dahilan upang tumalsik papalayo ang mga humahawak sakaniyang kaibigan.
"Kamusta ka na Malaya?"
Nakangiting pangangamusta ni Paulina kay Malaya habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin sa kaibigan at naglalakad na papalapit dito. Mabilis na nilapitan ni Tazara ang isa pa nilang kaibigan ngunit hindi siya nito tinignan at nilampasan lamang siya, dahilan upang mapatigil siya sakaniyang paglalakad at mabilis na tinignang muli ang isa pa nilang kaibigan na nakatayo na sa harapan ng matandang babae.
"Paulina…"
Takot na tawag ni Malaya sa pangalan ni Paulina gamit ang nanginginig nitong boses at dahan-dahan na itong lumalayo mula sa kaibigan. Mas lalong lumawak pa ang ngiti ng kaibigan nang masilayan ang matandang babae na takot ito sakaniya. Nang masilayan ni Tazara ang reaksyon ng matandang babae sa isa nilang kaibigan ay mabilis na nagdikit ang kilay nito at nagtaka kung bakit ganuon ang inasta nito.
"Kamusta na ang aking 'matalik' na kaibigan na ipinagpalit ako matagal na panahon na ang nakalilipas?"
Pangangamustang muli ni Paulina kay Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae na desididong maka layo sakaniya. Nang masilayan iyon ni Melanie ay agad nitong tinignan si Yvonne, habang ang dalaga at si Patrick naman ay agad na nagtinginan sa isa't isa.
"Bat nagtinginan si Yvonne at ung lalaking un?"
Takang tanong ni Melanie sakaniyang sarili habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Yvonne nang mayroong pagka gulo sakaniyang mukha.
"Mukhang nagka mali tayo sa desisyon natin na gamitin si Paulina."
Sabi ni Yvonne sakaniyang isipan habang nakatingin nang muli kila Paulina at Malaya sa di kalayuan.
"Mukha nga, pero hindi naman natin alam ang buong nangyari sakanilang magkakaibigan, e, kaya hindi natin napag-isipan ng maayos."
Sabi ni Jay sakaniyang isipan bilang tugon nito kay Yvonne habang nakatingin na rin ito kila Paulina at Malaya na ganuong pa rin ang puwesto.
"Wag kang mag-alala, Aya. Hindi kita sasaktan. Sa ngayon. Kaya nga't naririto ako upang iligtas kayo ng iyong pamilya mula sa kamay ng mga Balderas. Sana'y ikalugod mo ang aking pagsagip sa inyong pamilya."