~Gabi~
"Alam mo ba halos lahat tungkol sa buhay ni Yvonne?"
Tanong ni Jervin kay Lyka habang suot na niya ang salamin ni Yvonne at naglalakad silang pareho ng Bampira kasabay ang iba pang mga nilalang sa Emporium Union. Biglang tumigil sa paglalakad ang Bampira at sinamaan ng tingin ang binata, dahilan upang mapatingin ang binata sakaniya, mapatigil ito sa paglalakad at tumayo ang kaniyang balahibo sakaniyang katawan.
"Malamang! Matatawag ba niya akong best friend kung hindi?"
Inis na sagot at tanong pabalik ni Lyka kay Jervin sabay alis na nito ng kaniyang masamang tingin sa binata at nagpatuloy nang muli sakaniyang paglalakad. Inayos na ng binata ang kaniyang suot na salamin at mabilis na sinundan ang Bampira.
"Bakit mo naman natanong?"
Tanong ni Lyka kay Jervin habang patuloy lamang sila sakanilang paglalakad at hindi nito tinitignan ang binata sakaniyang tabi. Nanatiling tahimik lamang ang binata at matapos ng ilang segundo ay napabuntong hininga na lamang ito.
"Nag-aalala ka ba kay Yvonne?"
Tanong muli ni Lyka kay Jervin habang hindi pa rin nito tinitignan ang binata na kasabay niya sakaniyang paglalakad. Hindi nanaman sinagot muli ng binata ang tanong sakaniya ng Bampira at yumuko na lamang. Tumigil nanamang muli sa paglalakad ang Bampira at tinignan na ang binata.
"Jervin."
Tawag na ni Lyka kay Jervin sabay hawak na nito sa braso ng binata at pinaharap na ito sakaniya. Agad namang tinignan ng binata ang Bampira gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"H-huh? B-bakit?"
Pautal-utal na tanong ni Jervin kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira na hawak pa rin ang kaniyang braso. Huminga na lamang ng malalim ang Bampira at saka napabuntong hininga na rin.
"Ano ung pinapabili ngayon ni Yvonne?"
Tanong na ni Lyka kay Jervin sabay bitaw na nito sa braso ng binata at saka iniwas na rin ang kaniyang tingin rito. Ilang segundo pa ang lumipas ay natauhan na ang binata at saka tinignan na ang Bampira na nakatayo sakaniyang harapan.
"Shampoo tsaka conditioner niya."
Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira sakaniyang harapan. Mabilis na tinignang muli ng Bampira ang binata gamit na ng kaniyang nanlalaking mga mata.
"Bat parang ang bilis naman niyang maubos ung shampoo at conditioner niya!? Diba Wednesday nung huli kayong bumili ng shampoo at conditioner niya!? Bat nagpapabili na agad siya ngayon kahit Sunday pa lang!?"
Gulat na tanong ni Lyka kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Nagkibit balikat na lamang ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng Bampira. Bigla nang hinablot ng Bampira ang pulso ng binata at saka tinignan na ito sa mga mata nito nang mayroong pag-aalala sakaniyang mga mata.
"Balikan na natin si Yvonne, baka kung ano na ginagawa nun sa room niyo."
Nag-aalalang sabi ni Lyka kay Jervin habang patuloy p rin nitong tinitignan ang binata sa mga mata nito. Agad na nanlaki ang mga mata ng binata at akma na sanang tatakbo pabalik sakaniyang dinaanan, ngunit agad siyang pinigilan ng Bampira at saka itinuro ang pintuan ng Blood Moon Inn. Mabilis namang nakuha ng binata ang gustong sabihin ng Bampira at mabilis na tumakbo ang dalawa tungo sa pasukan ng Blood Moon Inn. Nang mabuksan na ng binata ang pintuan ay bumungad sakaniyang harapan si Melanie na nakatingin na sakaniya gamit ang nanlalaking mga mata nito, dahilan upang mapatigil siya at ang Bampira sakanilang pag pasok sa tuluyang iyon.
"Anong ginagawa mo rito?"
Naguguluhang tanong ni Jervin kay Melanie habang magkadikit na ang kilay nito at nakatingin na sa dalaga sakanilang harapan. Napakunot naman ng noo si Lyka at pabalik-balik ang kaniyang tingin sa binata at sa dalaga na nakatayo sakanilang harapan.
"Magka kilala kayo?"
Tanong ni Lyka kay Jervin habang nakakunot pa rin ang noo nito at nakatingin na sa binata na nakatayo sakaniyang tabi. Tumango lamang ang binata bilang tugon nito sa Bampira habang hindi nito inaalis ang kaniyang tingin kay Melanie.
"Nasaan si Yvonne?"
Tanong pabalik ni Melanie kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata sakaniyang harapan. Sinamaan na ng tingin ng binata ang dalaga at saka nilampasan na lamang ito. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Lyka dahil sakaniyang gulat nang lagpasan lamang ng binata ang dalaga sakanilang harapan.
"Hintay!"
Sabi ni Lyka kay Jervin sabay sunod na nito sa binata at muling tinignan si Melanie bago ito lagpasan. Mabilis na nilingon at hinarap ng dalaga ang binata at ang Bampira habang sinasamaan na sila ng tingin.
"Jervin!"
Galit na tawag ni Melanie kay Jervin, dahilan upang tumigil nanamang muli ang binata at si Lyka sakaniyang paglalakad at magsi tinginan sa dalaga ang ibang mga nilalang na naroroon sa lobby ng tuluyang iyon. Ilang segundo pa ang lumipas ay hinarap nanamang muli ng binata ang dalaga, at sakto namang bumukas muli ang pintuan ng tuluyan na kanilang kinaroroonan at pumasok na roon si Jay.
"Jay!"
Tawag ni Lyka kay Jay habang nakatayo lamang ito sa harapan ni Jervin at nakatingin na sa binatang naglalakad na papalapit sakanila. Agad na napalingon si Melanie nang marinig ang pangalan ng binatang kaniyang gusto. Nang masilayan ng binata ang mukha ng dalaga'y mabilis itong huminto sakaniyang paglalakad at hinarap ito. Napataas na lamang ng parehong kilay ang Bampira nang makita ang ginawa ng binata.
"Wag mong sabihin na pati si Jay kilala ng babaeng yan."
Sabi ni Lyka kay Jervin habang nakaharap pa rin ito kila Jay at Melanie at hinihintay na ang isasagot ng binata sakaniya, ngunit makalipas ng ilang segundo ay wala siyang natanggap na tugon mula rito kaya't mabilis siyang lumingon sakaniyang likuran at nakita na wala na pala roon ang binatang kaniyang kinakausap.
"Yvonne!"
Tawag ni Jervin kay Yvonne nang makabalik na siya sa kwartong kanilang tinutuluyan sa La Vie En Rose Hotel. Mabilis na inikot ng binata ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto at nasilayan si Yvonne na nakaupo sa sahig sa tabi ng kaniyang kama. Nagpakawala na ng malalim na hininga ang binata at dahan-dahan na itong naglakad papalapit sa dalaga. Habang papalapit siya ng papalapit sa dalaga'y naririnig na niya ang mga mahihinang hikbi nito. Nang mapansin na siya ng dalaga'y tinignan na siya nito gamit ang kaniyang nanlalaki at namumulang mga mata.
"Jervin…"
Tawag ni Yvonne kay Jervin sabay punas na nito sakaniyang mga luha at nginitian na ang binata na naglalakad pa rin papalapit sakaniya. Ilang saglit pa ay naupo na ang binata sa tabi ng dalaga at tinignan na ito sa namumula nitong mga mata. Makalipas ng ilang minuto'y hindi na napigilan pa ng dalaga ang kaniyang mga luha at nawala na rin ang ngiti sakaniyang mga labi. Dahan-dahang iniikot ng binata ang kaniyang braso sa dalaga at hinayaan lamang itong umiyak sakaniyang bisig habang hinahaplos na ang buhok nito.