Chereads / Runaway With Me / Chapter 145 - Blood Moon Inn 3

Chapter 145 - Blood Moon Inn 3

~Gabi~

"Bat iniwan ako rito ni Jervin? Hindi ba pumasok sa isip niya na pati ako nag-aalala rin kay Yvonne?"

Mahinang tanong ni Lyka sakaniyang sarili habang nakatayo at nakatingin kila Jay at Melanie na nag-uusap sakaniyang harapan.

"J-Jay? B-bat andito ka rin? Matagal mo na bang alam na nandito sila Yvonne at Jervin?"

Sunod-sunod na tanong ni Melanie kay Jay habang nakatingin ito sa binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Napabuntong hininga na lamang ang binata, hinawakan ang pulso ng dalaga at saka hinila na ito papalapit kay Lyka.

"H-hoy! Anong gagawin mo!? Bat mo isasama yan?!"

Tanong ni Lyka kay Jay nang makatayo na ang binata at si Melanie sakaniyang harapan. Seryosong tinignan ng binata ang kaibigang Bampira habang hawak pa rin nito ang pulso ng dalaga. Napataas ng parehong kilay ang Bampira habang patuloy pa ring tinitignan ang binata at sabay turo nito sa sahig gamit ang kaniyang hintuturo.

"Ngayon na!?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Lyka kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata at nakaturo pa rin sa sahig. Pinag tinginan ang Bampira, binata at si Melanie ng mga ibang nilalang na naroroon sa lobby na kanilang kinaroroonan, ngunit hindi na lamang nila pinansin ang mga iyon. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito sa kaibigang Bampira habang hindi pa rin nito binibitawan ang pulso ng dalaga.

"Kailangan na ba talaga?"

Tanong nanamang muli ni Lyka kay Jay na tila ba'y nagdadalawang isip kung susundin niya ba ang gustong gawin ng binata o hindi. Napabuntong hininga na lamang ang binata dahil sa kaibigang Bampira, samantalang si Melanie nama'y nakatitig lamang sakaniyang pulso na hawak pa rin ng binata habang namumula na ang mga pisngi nito. Napabuntong hininga na lamang ang Bampira at ibinaling sa dalaga ang kaniyang tingin.

"May gusto ba yan sayo?"

Mahinang tanong ni Lyka kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Melanie na nakatitig pa rin sa kamay nilang dalawa ng binata. Tahimik na tumango ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaibigang Bampira habang kinakagat na niya ang ibabang bahagi ng kaniyang labi. Pinanlakihan ng mga mata ng Bampira ang kaibigan at saka dahan-dahan na nitong hinawakan ang sariling mga labi.

"Saan kami pwede mag-usap?"

Tanong na ni Jay kay Lyka habang tinitignan pa rin nito ang kaibigang Bampira. Napabuntong hininga na lamang ang Bampira dahil sa binata at saka tinignan nang muli si Melanie.

"Sa Rooftop. Wala masyadong nagpupunta roon ng ganitong oras ng gabi dahil kila Yvonne, Jervin at sakin."

Sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Jay sabay lakad na nito tungo sa pintuan ng tuluyang kanilang kinaroroonan at saka lumabas na. Bago sundan ng binata ang kaibigang Bampira ay tinignan muna nito si Melanie na nakatingin na sa pintuan ng tuluyan na kanilang kinaroroonan.

"Melanie?"

Tawag ni Jay kay Melanie habang sinusubukan na nitong kunin ang atensyon ng dalaga sa pamamagitan ng paglapit ng kaniyang mukha rito. Nang lumingon na ang dalaga'y nagulantang silang pareho, sapagkat aksidenteng na halikan ng dalaga ang ilong ng binata.

"A-ah! S-sorry! H-hindi ko sinasadya!"

Paghingi ng tawad ni Melanie kay Jay sabay takip na nito ng kaniyang labi gamit ng kaniyang kamay na hindi hawak ng binata. Nanlaki lamang ang mga mata ng binata, bahagyang namula ang kaniyang tainga at napalunok na lamang ito.

"T-tara n-na."

Nauutal na sabi ni Jay kay Melanie sabay lakad na nito tungo sa pintuan habang hawak pa rin ang pulso ng dalaga. Walang pag-aalinlangang sinundan ng dalaga ang binata habang hawak pa rin nito ang kaniyang mga labi at pulang-pula na ang mukha. Pagkalabas ng dalawa'y naghihintay pala sakanila si Lyka roon habang naka cross arms na ito at nakabusangot.

"Bilisan niyo na bago pa pumunta roon sila Yvonne at Jervin."

Sabi ni Lyka kila Jay at Melanie habang naglalakad na ang dalawa papalapit sakaniya. Tinignan ng binata ang kaibigang Bampira nang mayroong pagkahiya sakaniyang mga mata, habang ang dalaga nama'y nakayuko lamang at hawak pa rin ang labi nito.

"Okay ka na ba?"

Mahinang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakapaikot ang kaniyang kaliwang braso sa dalaga at hawak na ang kamay nito. Ngunit dalawang minuto ang lumipas ay walang natanggap na sagot ang binata mula sa dalaga kaya't naisipang tignan ito at nasilayan na tulog na pala ito. Bahagyang natawa ang binata dahil sa dalaga ngunit mabilis ring nawala ang ngiti nito.

"Yvonne…"

Mahinang tawag ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Dahan-dahan na nitong binitawan ang kamay ng dalaga at saka marahang pinunasan ang mga luha sa pisngi nito.

"Bakit ba mas pinipili mong sarilihin ung mga nararamdaman mo?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne sabay hawak nang muli nito sa kamay ng dalaga habang nakatingin pa rin ito rito. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka tinignan na ang kamay ng dalaga.

"Andito lang naman kami ng mga kaibigan mo, e. Andito lang naman ako para makinig sayo, pero bakit kailangan mo pang sarilihin mga problema mo?"

Pagtutuloy ni Jervin sakaniyang sinasabi kay Yvonne habang marahang na nitong hinihimas ang likuran ng kamay ng dalaga. Napabuntong na lamang muli ang binata at saka tumingin na sa bintana, dahilan upang masilayan nito ang bilog at maliwanag na buwan sa itim na kalangitan.

"Ano!? Andun si Da---!"

Gulat na tanong ni Melanie kay Jay, ngunit hindi na niya natapos pa ang kaniyang tanong sapagkat mabilis na tinakpan ng binata ang bibig ng dalaga at nagmasid kaagad sakanilang kapaligiran.

"Wag mong isigaw! Baka may nagmamasid satin dito na kasama ng mga nagha hunting kay Yvonne!"

Pasigaw na bulong ni Jay kay Melanie habang pinanlalakihan na nito ng mga mata ang dalaga at dahan-dahan na niyang inaalis ang kaniyang kamay sa bibig nito. Nagmasid na rin ang dalaga sakanilang kinaroroonang rooftop, hinawakan ang kamay ng binata at saka hinatak na ito patungo sa pintuan na kanilang nilabasan kanina nang magpunta sila roon.

"B-bakit?"

Gulat na tanong ni Jay kay Melanie habang sinusundan niya ang dalaga at pinanlalakihan pa rin ito ng mga mata. Hindi siya kaagad sinagot ng dalaga hanggang sa makapasok na sila sa hagdan.

"May nakita akong paniki."