~Umaga~
"Feri Warsor!"
Sambit ni Jasben habang nakatapat na kay Angela ang kaniyang palad at mayroong mga nag-aapoy na palaso ang lumitaw at lumipad tungo sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang masilayan ang mahigit sampung nag-aapoy na palaso tungo sakaniya at kaagad na iniharang ang kaniyang braso, dahilan upang mayroong malaking yelo ang pumalibot sakaniya. Nang tumama na ang nag-aapoy na mga palaso sa yelong pumalibot sa dalaga'y nagkaroon ng makapal na usok ang pumalibot sa dalaga.
"Pu%$#@$%"
Tanging sabi na lamang ni Jasben nang makita ang makapal na usok na nanggaling kay Angela at mabilis na lumayo saka tinakpan ang kaniyang ilong at bibig. Ilang segundo ang lumipas ay biglang lumabas ang dalaga mula sa makapal na usok nang may hawak ng espada na gawa sa yelo at handa nang atakihin ang kaibigan. Kaagad na nakita ng kaibigan ang dalaga at mabilis na hinanda ang kaniyang kamay upang mahawakan kaagad ang kaniyang papalitawin na espada na nag-aapoy.
"Feri drows!"
Sambit ni Jasben at biglang mayroong espadang nag-aapoy ang biglang lumitaw mula sa hangin at kaagad niyang ginamit iyon panlaban sa espadang gawa sa yelo ni Angela. Nang magtama na sa isa't isa ang dalawang espada'y nagkaroon nanaman ng usok sakanilang kapaligiran, dahilan upang takpan nanamang muli ng dalaga ang kaniyang ilong at bibig. Mula sa di kalayuan ay biglang ikinumpas ni Madam Hongganda ang kaniyang kamay habang nakatingin sa dalaga, dahilan upang magkaroon na ng panakip sa ilong at bibig ang dalaga.
"Sino naglagay niyan?"
Tanong ni Angela kay Jasben habang tinitignan na nito ang kaibigan at patuloy pa rin nilang nila labanan ang isa't isa.
"Hindi ko alam."
Simpleng sagot ni Jasben sa tanong sakaniya ni Angela habang patuloy pa rin silang naglalaban gamit ang kanilang nag-aapoy at gawa sa yelong espada.
"Ngayon lamang ako naka saksi ng mga ordinaryo na mabilis matuto pagdating sa mahika."
Kumento ni Madam Hongganda habang pinapanuod lamang niya ang dalawang dalaga mula sa loob ng kaniyang mansion at nakatayo sa tapat ng bintana. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Ceejay nang marinig ang sinabi ng matandang babae sakaniyang tabi.
"Seryoso po ba yan Madam Hong!?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Ceejay kay Madam Hongganda habang nakatingin na ito sa matandang babae sakaniyang tabi. Ngumiti ang matandang babae at saka nilingon na ang dalaga na nakatayo sakaniyang tabi.
"Sa tingin mo ba ay magsi sinungaling ako sa tanda kong ito?"
Natatawang tanong pabalik ni Madam Hongganda kay Ceejay sabay balik nang muli ng kaniyang tingin sa dalawang dalaga na patuloy pa ring nagsa sanay mula sa di kalayuan.
"Oh!? Kung hindi ka po nagsi sinungaling, bat bigla ka pong iniwas ung tingin mo sakin!?"
Tanong muli ni Ceejay kay Madam Hongganda sabay turo na nito sa matandang babae habang pinanlalakihan na niya ito ng mga mata. Natawa nanamang muli ang matandang babae dahil sa dalaga habang patuloy pa rin ito sa panunuod sa pagsasanay ng dalawang dalaga.
"Madam Hong! Meron po tayong malaking problema!"
Sigaw ni Liyan kay Madam Hongganda mula sa di kalayuan habang mabilis na itong tumatakbo patungo sa kinaroroonan ng matandang babae at ni Ceejay. Mabilis na napatingin ang matandang babae at ang katabi nito sa dalagang patuloy pa rin ang pagtakbo tungo sakanila. Nagdikit ang kilay ng matandang babae nang unti-unti nang masilayan ang mag-aalalang mukha ng dalaga.
"Mayroon bang masamang nangyari, hija?"
Tanong ni Madam Hongganda kay Liyan habang tinitignan na niya ito nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Inabangan na lamang ni Ceejay ang isasagot ng dalaga sa tanong ng matanda rito, habang sina Angela at Jasben ay patuloy pa ring naglalaban mula sa di kalayuan. Nang makarating na ang dalaga sa tapat ng bintana na kinaroroonan ng matandang babae at ng kasama nito ay agad niya munang hinabol ang kaniyang hininga.
"Si… Dalis…"
Pagsisimula ni Liyan sakaniyang isasagot sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang patuloy pa rin nitong hinahabol ang kaniyang hininga at nakahawak na sa pader ng mansion. Mabilis na umalis si Ceejay sa tabi ng matandang babae at nagtungo sa kusina upang kuhanan ang dalaga ng isang baso ng tubig.
"Maghintay ka na muna riyan, hija. Kumukuha na si Ceejay ng iyong maiinom."
Sabi ni Madam Hongganda kay Liyan sabay tingin na nito sa direksyon na pinatunguhan ni Ceejay at balik nang muli ng kaniyang tingin sa dalaga sa labas ng kaniyang mansion. Mula sa di kalayuan ay nakahiga na si Angela sa makulay na damo at hindi na nito hawak ang kaniyang espada na gawa sa yelo, habang si Jasben naman ay itinapat na ang kaniyang nag-aapoy na espada sa kaibigan na nakahiga.
"Bat ganon!? Mas matagal akong nag practice kesa sayo tapos natalo mo ako! Nasan ang hustisya run?!"
Pagrereklamo ni Angela kay Jasben habang nakahiga pa rin ito sa makulay na damo at sinasamaan na ng tingin ang dalaga sakaniyang tabi. Natawa na lamang ang dalaga dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan, pinag laho ang kaniyang nag-aapoy na espada at saka iniabot na ang kaniyang kamay upang tulungan ang kaniyang kaibigan na tumayo mula sa pagkakahiga nito sa damo.
"Oh? Diba si Liyan un?"
Tanong ni Angela kay Jasben nang makatayo na ito at nang masilayan kaagad si Liyan sa tapat ng bintana na kinaroroonan nila Ceejay at Madam Hongganda. Mabilis na lumingon ang dalaga sa kinaroroonan ng matandang babae at ng kaniyang kaibigan.
"Oo nga, noh. Tara, puntahan na natin sila."
Pag-aaya ni Jasben kay Angela habang hawak pa rin nito ang kamay ng kaibigan. Agad namang sumunod ang kaibigan sa dalaga habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalagang nakatayo roon sa bintana ng mansion ni Madam Hongganda.
"Nag check-in sila Dalis at Daisy sa La Vie En Rose Hotel."
Sagot na ni Liyan sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda matapos niyang uminom ng tubig na ibinigay sakaniya ni Ceejay. Nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang marinig ang sinabi ng dalaga sakanila. Ang dalaga nama'y nagdikit na ang kilay dahil wala itong kalam-alam sa pinag-uusapan ngayon ng dalawa.
"T-tama ba ang aking narinig mula saiyo, Liyan hija?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Madan Hongganda kay Liyan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tumango na lamang ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matandang babae. Nagpakawala ng malalim na hininga ang matandang babae at kamuntikan nang matumba mula sakaniyang kinatatayuan. Mabuti na lamang ay agad na inalalayan ito ni Ceejay at pinahawak na ang matandang babae sa bintana.
"Hindi maaari…"