Chereads / Runaway With Me / Chapter 137 - Balderas' Residence 4

Chapter 137 - Balderas' Residence 4

~Hapon~

"Ano!? Nagpunta si Paulina sa Canada?!"

Gulat na tanong ni Tazara sakaniyang babaeng pamangkin habang pinanlalakihan na niya ito ng mga mata. Tahimik lamang na tumango ito bilang tugon nito sakaniyang tita habang nakayuko.

"Anong nangyayari dito Lola?"

Takang tanong ni Thomas kay Tazara habang pababa na ito ng hagdan at nakatingin sakaniyang lola at tita na nakatayo sakanilang salas.

"Balitaan mo ang ating buong angkan na magtutungo tayo mamayang gabi sa ilalim ng tulay upang magpunta sa Canada. Mayroon tayong kailangan gawin roon."

Mahinang utos ni Tazara sakaniyang babaeng pamangkin habang pinanlilisikan na ito ng paningin. Tumango na lamang muli ang babae habang nakayuko pa rin ito at dali-dali nang naglakad papalayo sa matandang babae. Si Thomas nama'y takang tinignan ang kaniyang tita na nagmamadaling lumayo sakaniyang lola habang naglalakad na ito papalapit sakaniyang lola.

"Thomas, apo~ sinabihan ko lang ang iyong tiyahin na sabihan ang ating buong angkan na mamayang gabi ay magtutungo tayo sa Canada, sapagkat mayroon tayong kailangang gawin roon."

Sagot ni Tazara sa tanong ni Thomas sakaniya kanina habang tinitignan na nito ang kaniyang apo nang may ngiti sakaniyang mga labi. Biglang nanlaki ang mga mata ng binata nang marinig ang sagot ng kaniyang lola sakaniyang tanong kanina at saka tinignan na ang kaniyang lola sa mga mata nito.

"Anong kailangan nating gawin dun? Ba't kailangang isama pa natin buong angkan natin?"

Takang tanong ni Thomas kay Tazara habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata ang kaniyang lola. Malumanay na hinawakan ng matandang babae ang kaliwang kamay ng kaniyang apo habang nginingitian pa rin ito at patuloy pa rin itong tinitignan.

"Naroroon ngayon sa Canada si Yvonne at sigurado ako na mayroon ding iba na naghahanap sakaniya, kaya't ayusin mo na ang mga gamit na iyong dadalhin apo upang makaluwas na kaagad tayo mamayang gabi. Dahil baka mayroon pang ibang binatilyo ang makaagaw sakaniya mula saiyo, hijo."

Sagot ni Tazara sa tanong sakaniya ni Thomas sabay lakad na nito tungo sa hagdan habang hawak pa rin ang kamay ng kaniyang apo at hinahatak na ito. Ngunit bago pa man makahakbang ng isang baitang sakanilang hagdan ay mabilis na inalis ng binata ang pagkakahawak ng kaniyang lola sakaniyang kamay, lumayo ng bahagya mula sakaniyang lola at saka yumuko na ito. Nagulantang naman ang matandang babae dahil sa ginawa ng kaniyang apo kaya't mabilis niya itong nilingon at sinamaan na ito ng tingin.

"Thomas, hijo~ bakit mo ginawa iyon saiyong Lola Tazara?"

Mahinahong tanong ni Tazara kay Thomas habang pinanlalakihan na nito ng mata ang kaniyang apo at nakahugis kamao na ang kaniyang mga kamay. Napalunok ang binata at saka lakas loob na tinignan sa mata ang kaniyang lola.

"Lola… hindi ko na gusto si Yvonne."

Sagot ni Thomas sa tanong sakaniya ni Tazara habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang lola sa mga mata nito at unti-unti na ring nagiging hugis kamao ang kaniyang mga kamay. Napataas ng parehong kilay ang matandang babae nang marinig ang sinabi ng kaniyang apo.

"Ano? Ano ang iyong sinabi?"

Nanggagalaiting tanong na ni Tazara kay Thomas habang unti-unti na nitong nilalapitan ang kaniyang apo. Napalunok nanamang muli ang binata at nanigas na mula sakaniyang kinatatayuan habang tinitignan pa rin ang kaniyang lola sa mga mata nito.

"Hindi mo na gusto si Yvonne?"

Tanong muli ni Tazara kay Thomas habang patuloy pa rin nitong nilalapitan ang kaniyang apo na hindi na maka galaw sa kinatatayuan nito. Nang makatayo na ang matandang babae sa harapan ng kaniyang apo ay akma na sanang sasampalin ito ngunit napahinto siya nang pumikit na ang binata. Napa singhal ang matandang babae dahil sa naging reaksyon ng kaniyang apo, kaya't napa dilat na ito at tuluyan nang sinampal ng malakas ng matandang babae ang kaniyang apo.

"Alam mo ba ang aking isinakripisyo upang mapa saiyo ang dalagang iyon?! Ako ang dahilan kung bakit wala na ngayon ang buong angkan ng mga Alquiza! Ako ang pumatay sakanila! Tinraydor ko ang aking mga matatalik na kaibigan! At higit sa lahat! Nawalan ako ng isang matalik na kaibigan para lamang mapunta sayo ang dalagang iyon na galing sa angkan ng mga Tamayo!"

Sigaw ni Tazara kay Thomas habang nakatayo pa rin ito sa harapan ng kaniyang apo at hinahabol na ang kaniyang hininga. Hindi na muling nakagalaw pa ang binata nang malaman ang sikreto ng kaniyang lola.

"Ma…"

Hindi makapaniwalang tawag ng isang babae kay Tazara habang nakatingin na ito sakaniyang ina gamit ang naluluha nitong mga mata. Mabilis na nilingon ng matandang babae ang kaniyang anak na babae at saka tinignan ito ng masama.

"Bakit mo ginawa un, Ma?"

Tanong na ng babae kay Tazara habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang ina na nakaharap na sakaniya. Ilang saglit pa ay bigla nang nagsi litawan ang iba pa nilang kamag-anak.

"Ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng ating angkan! Upang mabilang na tayo sa isa sa mga kilalang angkan sa mundong ito!"

Galit na sagot ni Tazara sa tanong sakaniya ng kaniyang anak habang tinitignan na niya ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tumulo na ang luha ng babaeng anak ng matandang babae dahil sa sinabi nito.

"Madam Hong, nagpunta na raw po si Paulina sa Canada kasama ung apo niyang si Patrick. Ano na pong gagawin natin?"

Nag-aalalang tanong ni Jay kay Madam Hongganda habang nakatayo na ito sa harapan ng matandang babae na nakaupo sa bangkuan na nakapuwesto sa talampasan sa itaas ng Unity Locale. Nginitian lamang ng matandang babae ang binata at saka inayang maupo ito sakaniyang tabi. Nagdadalawang isip ang binata na maupo sa tabi ng matandang babae, ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay napabuntong hininga na lamang ang binata, naupo na rin sa tabi nito at saka tumingin na sa kalangitan.

"Intayin muna natin na sumunod pa ung iba. Sigurado akong susunod ang mga iyon kay Paulina."

Nakangiting sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jay habang nakatingin na ito sa kalangitan. Nagdikit ang parehong kilay ng binata dahil sa sinabi ng matandang babae.

"Pano po kayo nakakasigurado, Madam Hong?"

Takang tanong ni Jay kay Madam Hongganda habang nakatingin na ito sa matandang babae. Nagpakawala ng malalim na hininga ang matandang babae at saka pumikit na.

"Sapagkat sila'y aming matatalik na kaibigan noong mga kaedad pa lamang namin kayo."