~Umaga~
"Sino ba ang kakatok dito nang ganito kaaga?"
Pagrereklamo ni Lyka habang nakasimangot na itong naglalakad na ito patungo sa pintuan ng silid na tinutuluyan nila Yvonne at Jervin. Binuksan na niya ang pintuan at agad itong nagtaka nang masilayan na kung sino ang naroroon.
"Kilala po ba kayo? Mukha po kayong pamilyar."
Sabi ni Lyka sa babaeng kumatok sa pintuan habang tinitignan pa rin ito. Nginitian lamang ng babae ang Bampira sakaniyang harapan habang ang binata nama'y iniikot na ang kaniyang paningin sa loob ng silid.
"Andyan ba sila Yvonne at Jervin? Pwede paki sabi sakanila na hinahanap namin sila?"
Tanong pabalik ng babae kay Lyka habang nginingitian pa rin nito ang Bampira. Nagdikit na ang kilay ng Bampira dahil sa itinanong sakaniya ng babae sakaniyang harapan.
"Sino po sila?"
Mausisang tanong pabalik ni Lyka sa babae habang patuloy pa rin itong tinitignan. Mabilis na napataas ng parehong kilay ang babae, habang ang binata nama'y agad na napatingin sa Bampira gamit ang nanlalaki nitong mga mata.
"Hindi mo ako natatandaan, Lyka?"
Gulat na tanong ng binata kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira sakanilang harapan. Si Yvonne na nakaupo sa lapag at nagtatago sa sofa ay nagdikit ang kilay nang marinig ang boses ng binata, si Jervin naman na kaharap ng dalaga'y mabilis na napatingin dito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Kuya Jah?"
Biglang sabi ni Yvonne mula sa kawalan habang nakatayo na ito at nakaharap sa pintuan kung saan naroroon si Lyka, ang babae at ang binata na kumatok kanina. Mabilis na napatingin ang tatlo sa dalaga, habang si Jervin nama'y napatayo na rin sa tabi ng dalaga at patuloy pa rin itong tinitignan.
"Kimberly. Kuya Jah…"
Tawag ni Yvonne sa babae at sa binata nang masilayan na nito kung sino ang mga ito. Kaagad na nanlaki ang mga mata nila Lyka at Jervin nang marinig ang pangalan na binanggit ng dalaga at sabay nang napatingin sakanilang mga bisita sa pintuan.
"Yvonne."
Mahinang banggit ni Justin sa pangalan ni Yvonne habang naglalakad na ito papasok sa silid na kinaroroonan ng dalaga at ni Jervin. Agad na tinalunan ng dalaga ang sofa sakanilang harapan, dali-daling sinalubong ang binata na papalapit na rin sakaniya at nagyakapan na silang dalawa. Tahimik na pinapasok ni Lyka si Kimberly sa silid na kanilang kinaroroonan at saka isinara na ang pintuan.
"Sorry kuya Jah… sorry kasi iniwan ko kayo… sorry iniwan kita… sorry hindi ko man lang inisip ung mararamdaman niyo nila kuya Josh… sorry talaga kuya Jah… sorry… sorry… sorry…"
Paghingi ng tawad ni Yvonne kay Justin habang yakap pa rin nito ang binata at nagsimula nang umiyak sa dibdib ng binata. Habang nakangiti lamang na pinapanuod nila Kimberly at Lyka ang dalawa ay sinasamaan naman ng tingin ni Jervin ang binata at nakahugis kamao na ang kaniyang mga kamay.
"Ano ba… wala kang dapat ihingi ng tawa, Yvonne. Okay lang un… nangyari na ang nangyari."
Tugon naman ni Justin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong niyayakap ang dalaga nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi at pumapatak na ang kaniyang mga luha. Nang masilayan ni Jervin ang mga luha sa pisngi ng binata ay napabuntong hininga na lamang ito at saka naglakad na tungo sakaniyang kama.
"Pero… panong… pano nangyari to? Pano ka naging ganyan katangkad?"
Sunod-sunod na tanong ni Yvonne kay Justin nang kumawala na silang pareho sakanilang yakap. Bahagyang tumawa ang binata, lumayo ng kaunti mula sa dalaga at saka umikot na sa harapan nito nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.
"Nangyari to dahil kay Madam Kimberly. Kung hindi dahil sakaniya, hindi ako lalaki ng ganito."
"Nilagyan ko siya ng spell. Magiging ganiyan lang siya katangkad kapag malapit ako sakaniya o kaya nakikita niya ako; personal man o kahit litrato lang."
Sagot din ni Kimberly sa tanong ni Yvonne kay Justin habang nginingitian na nito ang dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Lyka nang marinig ang sinabi ng binata at saka nilapitan na ang babae.
"'Madam'? Ibig sabihin… ilang taon ka na po?"
Gulat na tanong ni Lyka kay Kimberly habang nakatayo na ito sa tabi ni Yvonne at nakaharap na sa babae. Si Jervin nama'y hindi na pinansin ang apat at naglaro na lamang sakaniyang phone.
"85."
Tanging sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Lyka habang tinitignan na nito ang Bampira sakaniyang harapan. Bahagyang naguluhan ang Bampira sa isinagot sakaniya ng babae kaya't nagdikit nanamang muli ang kilay nito.
"85? 1985 ka po pinanganak? Ang alam ko po, tinatawag lang ng ibang nilalang na 'Madam' ang isang witch kapag nasa 60 years old pataas na po sila."
Sabi ni Lyka kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae sakaniyang harapan nang mayroong pagka gulo sakaniyang mukha. Nagkatinginan na lamang ang babae at si Yvonne at saka ibinalik nang muli ng babae ang kaniyang tingin sa Bampira.
"85 years old na ako."
Pagtatama ni Kimberly kay Lyka habang nginingitian nang muli nito ang Bampira. Nanlaki nanamang muli ang mga mata ng Bampira nang marinig ang sagot ng babae sakaniya. Ilang saglit pa ay bigla na itong natawa ng malakas, at noong napagtanto niya siya lang mag-isa ang tumatawa ay taka nitong tinignan sina Justin at Yvonne na nag-aalalang nakatingin sakaniya. Umiling na lamang ito bilang tanong sa dalawa at tumango na lamang sila bilang tugon sa Bampira.
"Sorry po kung na offend ko po kayo, Madam Kimberly!"
Paghingi ng tawad ni Lyka kay Kimberly habang nakayuko na ito sa harapan ng babae. Natawa na lamang ang babae dahil sa naging reaksyon ng Bampira nang malaman ang totoo.
"Okay lang un. Kwento ko na lang sainyo ang dahilan kung ba't ganito pa rin ang itsura ko kahit matanda na ako, un ay kung gusto niyo lang marinig."
Nakangiting sabi ni Kimberly sa tatlong kabataan na dali-dali nang nagsiupo sa sofa at hinintay ang babae na maupo sa pang-isahang upuan.
"Jervin! Maupo ka na dito sa tabi ko!"
Pag-aaya ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata na nasa kama nito. Agad namang binitawan ng binata ang kaniyang phone at dali-dali nang nagpunta sa sofa na kinaroroonan ng dalaga at saka naupo na roon.
"Ganto kasi ang nangyari. Nung kasing edad pa lang namin kayo ng mga kaibigan ko…"