Chereads / Runaway With Me / Chapter 135 - Blood Moon Inn

Chapter 135 - Blood Moon Inn

~Umaga~

"Akala ko ba rito tumutuloy ngayon ang dalagang iyon!?"

Galit na tanong ni Paulina sakaniyang apo na si Patrick habang nakatayo sila sa gitna ng lobby ng Blood Moon Inn at pinanlalakihan na nito ng mata ang kaniyang apo. Mabilis na yumuko ang binata habang matuwid pa rin itong nakatayo sa harapan ng kaniyang lola.

"Pasensya na po, Lola Paulina."

Paghihingi ng tawad ni Patrick kay Paulina habang nakayuko pa rin ito sa harapan ng kaniyang lola.

"Tignan mo ako."

Utos ni Paulina kay Patrick habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang apo sakaniyang harapan. Mabilis namang sinunod ng binata ang utos sakaniya ng kaniyang lola at tinignan na ito, ngunit nagulantang siya nang bigla siyang sinampal ng malakas ng kaniyang lola kaya't hindi na nito nakita ng maayos ang mukha ng matandang babae sakaniyang harap.

"Bakit ba ikaw lang ang nag-iisa kong apo?"

Tanong ni Paulina habang inaayos na niya ang kaniyang sarili at saka nagsimula nang maglakad papalayo sa kinaroroonan ni Patrick. Nanahimik lamang ang mga nilalang na naka saksi sa pangyayaring iyon sapagkat maging sila ay nagulat din sa nangyari sa pagitan ng matandang babae at ng binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata. Ilang segundo pa ang lumipas ay mayroong kinuhang maliit na bote na naglalaman ng kulay kayumangging inumin ang binata mula sakaniyang bulsa, binuksan ito at ininom ito hanggang sa wala nang matira roon. Mabilis siyang nagpalit ng anyo bilang isang lobo na mayroong kulay kayumangging balahibo. Dali-dali itong tumakbo papalabas sa gusaling iyon dahil sa kahihiyan na nadarama. Pagkalabas na pagkalabas ng lobo mula roon ay nagsimula nang magbulungan ang mga nilalang na naroroon habang pabalik-balik ang kanilang mga tingin mula sakanilang mga kausap at saka sa pintuan na nilabasan ng lobo.

"Bakit napaka iresponsable ng binatang iyon!? Alam naman niya na kailangan namin hanapin ang dalagang iyon upang hikayatin iyon na tulungan kami sa pamumuno ng buong komunidad ng mga salamangkero't mangkukulam!"

Pagrereklamo ni Paulina habang naglalakad na ito sa Emporium Union, kasabay ang iba't ibang nilalang na namimili roon. Ilang saglit pa ay bigla nang lumitaw si Dezso sa tabi ng matandang babae at saka sinasabayan ito sa paglalakad nito.

"Ano nanaman ang nangyari sa inyong mag-Lola?"

Nakangising tanong ni Dezso kay Paulina habang patuloy pa rin nitong sinasabayan sa paglalakad ang matandang babae. Mabilis na nilingon ng matandang babae ang lalaking Diwata na mayroong pulang buhok at saka muling ibinalik ang kaniyang tingin sakaniyang dinaraanan.

"Anong ginagawa mo rito, Dezso?"

Tanong pabalik ni Paulina kay Dezso habang patuloy pa rin ito sakaniyang paglalakad at hindi na tinignan pa ang lalaking Diwata. Hindi kaagad sinagot ng lalaking Diwata ang matandang babae, sapagkat ikinumpas niya ang kaniyang kamay at mayroong malakas na hangin na mayroong dalang mga dahon ang biglang tumama sa harapan ng matandang babae, dahilan upang mapatigil ito sakaniyang paglalakad.

"Saan ka tutungo? Hayaan mong samahan ka na namin ni Dahon roon."

Nakangiting sabi ni Dezso kay Paulina nang hindi nito pinansin ang tanong sakaniya ng matandang babae. Hinarap na ng matandang babae ang lalaking Diwata, sinamaan ito ng tingin at saka nag cross arms na.

"Kaya ba tayong buhatin ng iyong alagang hangin?"

Mataray na tanong ni Paulina kay Dezso habang sinasamaan pa rin nito ng tingin ang lalaking Diwata. Ngumiti lamang ang lalaking Diwata at saka ikinumpas muli ang kaniyang kamay, dahilan upang magkaroon ng maluwag na espasyo sakanilang harapan at mayroong lumitaw na karwahe roon. Napataas ng kilay ang matandang babae habang nakatingin na ito sa karwahe. Tahimik na sumakay na lamang ang matandang babae sa karwahe, habang ang lalaking Diwata nama'y sumakay na rin sa karwahe nang mayroong ngiti sa mga labi nito. Ang hangin naman na mayroong mga dahon at itinulak na ang karwaheng sinasakyan ng kaniyang amo at ng matandang babae.

"Habang sila Jay ay nagpa plano na roon sa Pilipinas, dapat nagpa plano na rin tayo ngayon. Pero bakit wala namang kumikilos ni isa sa inyong dalawa!?"

Pagrereklamo ni Yvonne kay Lyka na sumasayaw sa harap ng full-length mirror at kay Jervin na nakahiga lamang sa kama nito habang naglalaro sa phone nito. Napatigil na lamang ang dalawa sakanilang ginagawa at saka napatingin na sa dalaga na nakaupo sa pang-isahang upuan at pabalik-balik ang masamang tingin nito sakanilang dalawa. Mabilis na binitawan ng binata ang kaniyang phone, bumangon mula sakaniyang pagkakahiga sakaniyang kama, at saka dali-daling tumakbo tungo sa sofa sa bandang kanan ng dalaga. Ang matalik na kaibigan naman ng dalaga'y mabilis na nagpalit ng anyo bilang isang paniki, lumapag sa sofa sa bandang kaliwa ng dalaga at saka bumalik nang muli sakaniyang anyo.

"Ano namang pagpa planuhan natin?"

Tanong ni Lyka kay Yvonne habang nakatingin na ito sa dalaga at naka indian sit sa sofa. Tinignan na ng dalaga ang kaniyang matalik na kaibigan at saka nginitian ito.

"Kung pano natin poprotektahan ang hotel niyo, ang mga guests niyo rito at ang ating mga sarili kung sakali man na matuklasan na ng mga naghahanap sakin na naririto ako. At si Jervin."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Lyka habang nakangiti pa rin ito sakaniyang matalik na kaibigan. Napatango na lamang ang Bampira sa sinagot sakaniya ng dalaga at saka iniwas na ang kaniyang tingin.

"Ano naman ung naiisip mong plano?"

Tanong naman ni Jervin kay Yvonne habang naka dekwatro ito sa sofa na kaniyang inuupuan at tinitignan na rin nito ang dalaga. Inilipat na ng dalaga ang kaniyang atensyon sa binata sakaniyang bandang kanan at saka nginitian din ito.

"Buti naman at na itanong mo Jervin, dahil may naiisip na ako!"

Nakangiting kumento ni Yvonne kay Jervin sabay indian sit na rin nito sakaniyang kinauupuan tulad ni Lyka. Napataas na lamang ng parehong kilay ang binata dahil sa sinabi ng dalaga, samantalang ang Bampira nama'y bahagyang napaatras at saka pinanlakihan na ng mga mata ang dalaga.

"Kung sakali man na pumasok dito ang sinumang naghahanap sakin, dapat may magsasabi para mabilis kaming makatakas ni Jervin galing dito."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi at habang naka hawak na ito sa coffee table sakaniyang harapan. Ngunit bago pa man niya maituloy ang kaniyang pagpapaliwanag sakaniyang naisip na plano ay mayroong biglang kumatok sa pintuan ng silid na kanilang kinaroroonan, kaya't mabilis na napatingin ang tatlo sa direksyon ng pinto at saka nagtinginan na sa isa't isa.

"Lyka, ikaw na magbukas."

Sabi ni Jervin kay Lyka habang nakatingin na ito sa Bampira na kaniyang kaharap. Pinanlakihan naman ng mga mata ng Bampira ang binata sakaniyang harapan at saka itinuro ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang hintuturo.

"Ba't ako?"

Takang tanong ni Lyka kay Jervin habang pinanlalakihan pa rin nito ng mata ang binata at tinuturo pa rin ang kaniyang sarili.

"Hindi natin alam kung sino ung kumatok. Mas mabuti nang maging maingat kesa mahuli kaagad na wala man lang tayo napagpa planuhan."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Lyka kay Jervin habang nakatingin na rin nito sa matalik na kaibigan. Tinignan na ng Bampira ang dalaga at saka napabuntong hininga na lamang.