Chereads / Runaway With Me / Chapter 134 - Mall 12

Chapter 134 - Mall 12

~Hapon~

"Alam ko na. Hindi mo na kailangan pang sabihin sakin, Jay hijo."

Sabi ni Madam Hongganda kay Jay habang nakatayo na ito sa tapat ng lamesa na kinaroroonan ng pito. Mabilis silang napalingon sa matandang babae na nakangiti sakanila.

"Madam Hong."

Pagtawag ni Jay kay Madam Hongganda habang nakatingin na rin ito sa matandang babae gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Napangiti na lamang ang matandang babae sa binata at saka tumingin na sakaniyang bulsa kung saan naroroon si Josh. Napatingin ang binata at ang mga kaibigan nito sa tinitignan ng matandang babae sakaniyang damit at napangiti na lamang sila nang masilayan ang dwende.

"Kuya Josh."

Tawag ni Jay kay Josh at tuluyan na itong umiyak sa harapan ng kanilang mga kaibigan. Mabilis na napatingin ang mga kaibigan ng binata sakaniya nang marinig na nila ang paghikbi nito.

"Kakakita mo pa lang kay Madam Hong, naiyak ka na kaagad. Pano pa kaya pag nagkita na ulit kayo ni Yvonne?"

Natatawang tanong ni Hendric kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata.

"Sa tingin mo ba magiging okay sila ni Yvonne kung hindi pa sila nagkikita?"

Tanong naman ni Anna kay Hendric habang masama na nitong tinitignan ang binata sakaniyang tabihan.

"Tears of joy ba yan o tears of sorrow?"

Natatawang tanong naman ni Liyan kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata sakaniyang harapan.

"Kelan ka pa naging iyakin? Kwento sakin ng boyfriend ko hindi ka pa raw niya nakikitang umiyak, ah."

Sabi ni Jasben kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata sakaniyang tabihan habang magkadikit na ang kilay nito.

"Bat ganun?! Pag ikaw ung umiiyak ang pogi mo! Pero pag ako naman ang panget!"

Pagrereklamo ni Angela kay Jay habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang binata at nakakunot na ang kaniyang noo.

"Bakit ang cute mo kahit umiiyak ka na?"

Tanong naman ni Ceejay kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata at nakanguso na ito. Nang makita at marinig ng binata ang reaksyon ng kanilang mga kaibigan nang makita siyang umiyak ng mga ito ay natawa na lamang ito at saka pinunasan na ang kaniyang mga luha.

"Tigilan niyo na ang panunukso kay Jay. Mayroon pa tayong pagpaplanong gagawin."

Nakangiting sabi ni Madam Hongganda sa mga dalaga't binata sakaniyang harapan at saka nagsimula nang maglakad papalayo sa kinaroroonan ng mga ito. Mabilis na nagtinginan ang mga magkakaibigan at saka dali-daling nagsisunuran sa matandang babae.

"Madam Hong! Hintayin mo po kami!"

Tawag ni Jasben kay Madam Hongganda habang nagmamadali na itong lumakad patungo sa matandang babae. Biglang napahinto sa paglalakad ang matandang babae, nilingon ang mga dalaga't binata na nagmamadali nang sumunod sakaniya at saka nginitian ang mga ito.

"Bilisan niyo na. Baka hindi pa tayo maka abot sa mahiwagang lagusan tungo sa Unity Locale sa takdang oras."

Tugon ni Madam Hongganda kay Jasben sabay lakad nang muli papalabas ng kainan na kanilang kinaroroonan nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.

"Pupunta po tayo dun sa bangin na laging pinupuntahan dati ni Mama Beatrice, Madam Hong?"

Mahinang tanong ni Josh kay Madam Hongganda habang naka tingala na ito sa matandang babae mula sa bulsa nito sa palda nito. Mabilis na tinignan ng matandang babae ang dwende at saka ibinalik na ang kaniyang tingin sa kaniyang harapan nang mayroon pa ring ngiti sakaniyang mga labi.

"Hindi maiisipan nila Tazara, Paulina at Dalis ang lugar na iyon sapagkat sakanilang pagkaka alam ay matagal nang hindi nagpupunta roon sina Beatrice at Yvonne."

Nakangiting sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Josh habang tuloy-tuloy lamang ito sakaniyang paglalakad tungo sa labasan ng mall na kanilang kinaroroonan.

"San po tayo pupunta, Madam Hong?"

Tanong ni Liyan kay Madam Hongganda habang sinasabayan na nito sa paglalakad ng matandang babae. Mabilis na nilingon ng matandang babae ang dalaga sakaniyang tabi, nginitian ito, hinawakan ang kamay nito at saka binilisan na ang paglalakad nito tungo sa labasan ng mall.

"Madam Hong! Liyan! Hintayin niyo kami!"

Tawag ni Anna kila Madam Hongganda at Liyan habang patuloy pa rin nilang sinusundan ang dalawa.

"Madam Hong! Alam mo naman pong may asthma ako! Bat pinapa takbo niyo po ako!?"

Reklamo ni Jasben kay Madam Hongganda habang inaalalayan na siya nila Angela at Ceejay at patuloy pa rin sila sa pag sunod sa matandang babae. Ngunit hindi pinansin ng matandang babae ang dalaga at saka nagpatuloy lamang sa paglalakad nito tungo sa labasan ng mall habang hinahatak na nito si Liyan hanggang sa bigla na silang nagliwanag at naglaho na parang bula.

"Bakit ba kahit matanda na si Madam Hong, may pagka pasaway pa rin siya?!"

Reklamo naman ni Ceejay habang patuloy pa rin nitong inaalalayan si Jasben at nakatingin na ng masama sa labasan ng mall. Nagkatinginan na sila Jay, Anna at Hendric sa isa't isa at saka sinenyasan na ng binata ang dalawang kaibigan na alalayan na ang tatlong dalaga na kanilang napag-iiwanan. Tumango na lamang ang dalaga't binata bilang tugon nila sakanilang kaibigan at saka binalikan na ang tatlong dalaga.

"Ako na mag-aalalay kay Jasben, Angela. Baka hindi niyo alam kung san tayo pupunta tapos mapunta pa kayo sa kung saan."

Sabi ni Anna kay Angela nang nilapitan na nito ang dalaga at saka iniabot na ang kaniyang kamay upang hawakan na ang braso ni Jasben. Tumango na lamang ang dalaga, inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa braso ng kaibigan at saka hinayaan na lamang ang dalagang kumausap sakaniya na alalayan ang kaibigan.

"Sakin ka na lang humawak. Hindi ko hahayaan na mawala ka pa."

Nakangiting sabi naman ni Hendric kay Angela habang iniaalok na nito ang kaniyang braso sa dalaga. Mabilis namang nilapitan ng dalaga ang binata at saka hinawakan na ang braso nito nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi, habang si Ceejay nama'y nakasimangot na nakatingin sa dalaga't binata. Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin silang anim sa Unity Locale at saka nagtungo na sa talampasan na kinaroroonan nila Madam Hongganda at Liyan. Nang makarating na sila roon ay tinignan na sila ng matandang babae nang mayroong ngiti sa mga labi nito.

"Atin nang simulan ang pagpaplano."