Chereads / Runaway With Me / Chapter 129 - La Vie En Rose Hotel 12

Chapter 129 - La Vie En Rose Hotel 12

~Madaling araw~

"Ilang taon na pala si Lyka?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakahiga na sila sa sarili nilang kama at nakatingin ito sa kisame.

"180 years old."

Deretsong sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin din ito sa kisame. Mabilis na nanlaki ang mga mata ng binata nang marinig ang sagot sakaniya ng dalaga, dahilan mapaupo na ito mula sakaniyang pagkakahiga sakaniyang kama at saka gulat na tinignan ang dalaga.

"180?!"

Pag-uulit muli ni Jervin sakaniyang narinig mula kay Yvonne habang patuloy pa rin niyang tinitignan ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Naupo na rin ang dalaga, tinignan ang binata at saka tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya. Nagpakawala ng malalim na hininga ang binata sabay iwas na nito ng tingin mula sa dalaga.

"Bat mo naman natanong?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Napalunok na ang binata at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa dalaga habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito.

"Hanggang ilang taon ba nagtatagal ung mga Bampira?"

Tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata sabay hawi na nito sakaniyang buhok. Nahiga na lamang muli ang dalaga at saka tinignan nang muli ang kisame.

"Ung iba… tumagal ng 1,220. Meron namang iba na tumagal ng 1,150. Depende na lang kung may sumaksak sa puso nila, mamamatay talaga sila agad-agad nun."

Sagot muli ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang hinahagis na nito sa ere ang sobrang unan sakaniyang kama at sinasalo rin ito. Mas lalu pang nanlaki ang mga mata ng binata nang marinig ang sinabi ng dalaga sakaniya at napa hawing muli sakaniyang buhok.

"B-bat…?"

"Ang sampung taon natin ay parang isang taon lang sakanila. Since immortal nga sila, mas mabagal silang tumanda kesa satin. Isipin mo na lang na kaedad lang natin si Lyka dahil ung 18 years old satin ay 180 years old naman sakanila."

Dagdag pa ni Yvonne sakaniyang sinabi kay Jervin habang patuloy pa rin nitong hinahagis ang unan sa ere at sinasalong muli ito. Nagpakawala nanamang muli ng malalim na hininga ang binata habang palipat-lipat na ito ng tingin. Hindi na nakatiis pa ang dalaga kaya't noong nasalo niyang muli ang unan ay inilagay na niya ito sakaniyang tabi, bumangon mula sakaniyang pagkakahiga sakaniyang kama at saka naglakad na tungo sa binata at naupo na sa kama nito habang nakaharap siya rito. Pinanlakihan lamang ng binata ang dalaga dahil nagulantang ito sa ginawa nito.

"B-bat ka pumunta rito? Di ka pa ba matutulog? A-anong oras na ba?"

Pautal-utal na tanong ni Jervin kay Yvonne sabay alis na ng kaniyang tingin mula sa dalaga at abot na sakaniyang phone upang tignan ang oras. Nang makuha na ng binata ang kaniyang phone mula sa maliit na lamesa sa tabi ng kaniyang kama ay bigla nang humiga roon ang dalaga at saka napabuntong hininga, dahilan upang mataranta ang binata.

"H-hoy! Umayos ka nga!"

Pagsasaway ni Jervin kay Yvonne habang pinanlalakihan nanaman nito ng mga mata ang dalaga at hawak pa rin niya ang kaniyang phone. Nilingon na ng dalaga ang binata at saka tinignan na ito habang nakahiga pa rin sa kama nito.

"Alas tres na ng madaling araw… makakatulog pa kaya tayo?"

Sagot at tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata na nakatingin pa rin sakaniya gamit ang nanlalaking mga mata nito. Napalunok na lamang ang binata at saka mabagal na ibinalik ang kaniyang phone sa kinalalagyan nito kanina.

"Anong tumatakbo sa isip mo?"

Tanong muli ni Yvonne kay Jervin sabay tingin na nito sa kisame habang nakahiga pa rin ito sa kama ng binata. Mabilis na umiling ang binata at saka hinabol na ang kaniyang hininga sabay tingin muli sa dalaga. Natawa na lamang ng bahagya ang dalaga at saka tinignan nang muli ang binata nang mayroong matamis na ngiti sa mga labi nito.

"Mahiga ka na lang sa tabi ko tapos kwentuhan mo ako ng mga nangyari sayo nitong nakalipas na sampung dekada na hindi tayo nagkita."

Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin sabay balik nang muli ng kaniyang tingin sa kisame. Nagpakawala nanaman ng malalim na hininga ang binata at saka nginitian na lamang ang dalaga sabay higa na sa tabi nito sakaniyang kama.

"Pag kinwento ko ba sayo ung mga nangyari sakin nitong nakaraang dekada, ikekwento mo rin sakin ung mga pinaggagagawa mo nun?"

Nakangiting tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin nang muli ito sa kisame. Mabilis na nilingon ng dalaga ang binata sakaniyang tabi at saka bigla itong pinalo sa braso habang masama na ang tingin nito sakaniya. Nagulantang nanamang muli ang binata sa ginawa ng dalaga kaya't nilingon na rin niya ito at saka takang tinignan ito.

"Bat mo ako pinalo?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga na nakatingin nang muli sa kisame nang nakabusangot.

"Kase."

Tanging sagot lamang ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay talikod na nito sa binata habang nakabusangot pa rin ito. Nagdikit na ang kilay ng binata dahil sa inasta ng dalaga sakaniyang harapan at napabuntong na lamang habang patuloy pa ring tinitignan ito.

"Bakit ayaw mong ikwento sakin?"

Malumanay na tanong na ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga kahit nakatalikod na ito sakaniya. Nanatiling tahimik lamang ang dalaga habang nakatalikod pa rin ito sa binata, kaya't napabuntong hininga na lamang muli ang binata at ibinalik na ang kaniyang tingin sa kisame.

"Maayos naman ung naging relasyon ko sa pamilya ko nitong nakaraang dekada. Kaso pera talaga ung pinakang problema namin, e. Simula nung tinanggal si Papa sa trabaho niya… dun na nagsimula ung pag-aaway nila ni Mama. Nung una… sobra ung epekto samin nun nila ate at kuya. Pero nung nagtagal… naging pang araw-araw na buhay na namin un."

Pagkukwento ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa kisame. Ilang saglit pa ay dahan-dahan nang umayos muli ang dalaga sakaniyang pagkakahiga sa kama ng binata at saka tumingin na ring muli sa kisame.

"Kung binisita lang sana kita nun…"

"Nakaraan na un. Wala na tayong mababago pa roon. Ang mahalaga ay magkasama na ulit tayo tulad nung dati."