~Umaga~
"Wow. May mas lalawak pa pala sa Unity Locale."
Sabi ni Liyan kay Jay nang makarating na sila sa Emporium Union ngayong umaga. Napangiti na lamang ang binata nang marinig ang sinabi ng dalaga habang inililibot na nito ang kaniyang paningin sakanilang kinaroroonan.
"Tama na yan. Mahahalata nila na ngayon ka pa lang nakapunta rito."
Natatawang sabi ni Jay kay Liyan sabay lakad na nito tungo sa dagat ng mga nilalang na nakikihalubilo sa pamilihang iyon. Mabilis na sumunod ang dalaga sa binata upang hindi siya mawala sa lugar na hindi siya pamilyar.
"T-teka lang!"
Sabi ni Liyan kay Jay nang kasabay na niya itong maglakad ang binata. Habang patuloy na naglalakad ang dalawa ay mayroong tindahan ng mga potion ang nakakuha ng pansin ng dalaga, dahilan upang lapitan niya ang tindahan na iyon at iwan ang binata nang mag-isa.
"Umayos ka, ha. Lalu na pag kaharap na natin si Lyka."
Sabi ni Jay kay Liyan habang patuloy pa rin ito sakaniyang paglalakad, ngunit ang hindi niya alam ay wala na sakaniyang tabi ang dalagang kaniyang kasama. Nang mapansin na hindi sumagot ang dalaga sakaniyang sinabi ay mabilis siyang lumingon upang tignan kung kasama pa rin niya ang dalaga, ngunit agad itong nataranta nang hindi na niya makita pa ang dalaga.
"Liyan?"
Tawag ni Jay kay Liyan habang iniikot na niya ang kaniyang paningin upang hanapin ang dalaga. Tuluyan nang nataranta ang binata nang hindi niya makita ang dalaga kaya't mabilis itong naglakad pabalik sakanilang dinaanan upang hanapin ang dalaga.
"Liyan!"
Tawag muli ni Jay kay Liyan habang patuloy pa rin nitong iniikot ang kaniyang paningin upang hanapin ang dalaga, ngunit walang tugon mula sa dalaga. Nang ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang paglalakad pabalik sakanilang dinaanan ay nakita na rin niyang muli sa wakas ang dalaga na nakatayo sa harapan ng isang tindahan ng mga potions. Napabuntong hininga na lamang ang binata habang tinitignan na nito ang dalaga at saka naglakad na ito papalapit sa kinaroroonan nito.
"Wow~ Can I be your apprentice in making potions?"
Tanong ni Liyan sa tindera ng mga potions nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Nang marinig iyon ni Jay ay kaagad na pinanlakihan ng mga mata ng binata ang dalaga dahil sa gulat nito. Nginitian pabalik ng tindera ang dalaga at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga.
"But you're not the only one who's going to be my apprentice. Is it okay with you?"
Tanong pabalik ng tindera kay Liyan habang nakangiti pa rin ito sa dalaga. Pinanlakihan na rin ng mga mata ni Jay ang tindera dahil sa tugon nito sa dalaga, samantalang ang dalaga nama'y umabot na hanggang langit ang ngiti nito nang marinig ang tugon ng tindera sakaniya.
"Absolutely! My name's Liyan Jimenez."
Tugon at pagpapakilala ni Liyan sa tindera habang patuloy pa rin itong ngumingiti.
"Wow."
Mahinang sabi ni Jay habang tinitignan na niyang muli si Liyan sabay marahang umiling.
"Alleena Altamar."
"I am terribly sorry for being rude but, my friend and I have somewhere important to go to. So can you please excuse us and have a great day, Madam."
Sabi ni Jay sa tinderang kausap ni Liyan na nagngangalang Alleena sabay hatak na sa dalaga papalayo sa tindahang iyon.
"M-Madam Alleena!"
Huling tawag ni Liyan kay Alleena habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae at nasilayan itong kinawayan na siya nito nang mayroong ngiti sa labi nito. Napangiti na lamang ang dalaga nang huling masilayan ang babae at noong ibinaling na niya ang kaniyang tingin kay Jay ay pinanlisikan na niya ito ng mga mata habang nakasimangot na.
"Saan na tayo pupunta? Siguraduhin mo lang na importante talaga pupuntahan natin. Tsk."
Pagsusungit ni Liyan kay Jay habang hinahayaan lamang ito na hatakin siya sa kung saan man sila pupunta.
"Kung hindi ka lang umalis sa tabi ko kanina, edi sana alam mo na kung san tayo pupunta."
Pagsusungit din ni Jay kay Liyan nang hindi tinitignan ang dalaga at patuloy lamang ito sa pag hatak nito rito. Sinamaan nanamang muli ng dalaga ang binata at saka Inirapan na lamang ito.
"Liyan?"
Tawag ng isang dalaga kay Liyan, dahilan upang hatakin ng dalaga si Jay upang patigilin muna ito sakanilang paglalakad. Masamang tinignan ng binata ang dalaga habang hawak pa rin ang pulso nito.
"Ano nanaman ngayon?"
Inis na tanong ni Jay kay Liyan habang sinasamaan pa rin nito ng tingin ang dalaga. Hindi pinansin ng dalaga ang binata, sapagkat inikot niya ang kaniyang paningin upang alamin kung sino ang tumawag sakaniya.
"Liyan!"
Sigaw na ng dalaga sa pangalan ni Liyan, dahilan upang sabay na mapalingon sila Jay at ang dalaga sa direksyon na pinanggalingan niyon. Hinintay lamang ng dalawa na magpa kita kung sino man ang dalagang tumawag sakaniya at napuno ng tuwa ang dalaga nang masilayan na si Yvonne pala ang tumawag rito.
"Sabi na nga ba ikaw yan, e!"
Masayang sabi ni Yvonne nang makalapit na sa kinaroroonan nila Jay at Liyan sabay yakap na nito sa kaibigan. Ilang saglit pa ay lumitaw na rin si Jervin mula sa likuran ng dalaga habang hinahabol na ang kaniyang hininga.
"Namiss kita, Yvonne."
Sabi ni Liyan kay Yvonne nang kumawala na sila sa yakap nila sa isa't isa nang mayroong ngiti sakaniyang labi. Nginitian pabalik ng dalaga ang kaniyang kaibigan habang hawak na ang braso nito.
"Bat napunta kayo rito Jay?"
Tanong ni Jervin kay Jay habang tinitignan na nito ang binata na nakatayo sa tabi ni Liyan. Ibinaling na rin ni Yvonne ang kaniyang tingin sa binata at saka inabangan ang sagot nito.
"May mahalaga kaming ipapakita sainyo."
Nakangiting sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jervin habang nginingitian na nito sila Yvonne at ang binata. Takang tinignan naman ni Liyan ang dalaga sakaniyang harapan, dahilan upang ibalik nang muli ng dalaga ang kaniyang atensyon sa kaibigan.
"Ano un Liyan?"
Nakangiting tanong ni Yvonne kay Liyan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan at hawak pa rin ang braso nito. Tinignan na rin nila Jervin at Jay ang kaibigan at inabangan na rin ang sagot nito.
"Ano pala ginagawa niyo dito ni Jervin?"
Tanong pabalik ni Liyan kay Yvonne sabay tingin na nito kay Jervin at balik nang muli sa dalaga. Hindi kaagad naka sagot ang dalaga't binata at nagtinginan na lamang ang dalawa sa isa't isa.