Chereads / Runaway With Me / Chapter 128 - La Vie En Rose Hotel 11

Chapter 128 - La Vie En Rose Hotel 11

~Gabi~

"Aray!"

Sabi ni Yvonne nang aksidente niyang makagat ang kaniyang dila habang kumakain ito ng ice cream sa sofa. Mabilis naman na napatingin si Jervin sa dalaga habang nakahiga ito sakaniyang kama at saka inilapag na ang kaniyang phone rito.

"Anong nangyari sayo?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga na nakahawak na sakaniyang bibig, masamang nakatingin sakaniyang ilong at magkasalubong na ang kilay nito.

"Nakagat ko dila ko."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay tingin na nito sa binata habang magkasalubong pa rin ang kaniyang kilay at nakahawak pa rin ito sakaniyang bibig. Bahagyang napangisi na lamang ang binata, tumayo na mula sakaniyang pagkakahiga sa kama at saka naglakad na papalapit sa dalaga na nakaupo pa rin sa sofa.

"Kain pa ng ice cream."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakangisi na ito sa dalaga sabay upo na sa tabi nito. Sinamaan na rin ng tingin ng dalaga ang binata na nakaupo na sakaniyang tabi sabay alis na nito sakaniyang pagkakahawak sa labi niya at saka nguso nito. Natawa na lamang ang binata dahil sa itsura ng dalaga at saka hinawakan na ang buhok nito upang haplusin ito.

"May naka alala siguro sakin kaya ko nakagat dila ko."

Sabi ni Yvonne habang nakanguso pa rin ito at nakatingin na sa lapag. Napatigil bigla si Jervin sa paghaplos ng buhok ng dalaga nang marinig ang sinabi nito.

"Sino naman sa tingin mo ung makakaalala sayo?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne sabay alis na nito ng kaniyang pagkakahawak sa buhok ng dalaga at saka tinignan na ito habang magkadikit na rin ang kilay nito. Napakibit balikat na lamang ang dalaga sabay tingin nang muli nito sa binata sakaniyang tabihan.

"Siguro sila Anna, Liyan, Hendric, Madam Hong, Melanie, kuya Josh, kuya Jah, kuya Pao, kuya Vester, kuya Felip, Tita Isabelle, Ceejay, Angela, Jasben, Ja-"

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin ngunit hindi na niya natapos pa ang kaniyang sinasabi sa binata sapagkat sinubuan na siya nito ng isang kutsara ng ice cream. Pinanlakihan na lamang ng mga mata ng dalaga ang binata nang subuan siya nito ng ice cream sa kalagitnaan ng kaniyang sinasabi.

"Kainin mo na, baka matunaw pa."

Tanging sabi na lamang ni Jervin kay Yvonne sabay bitaw na ng kutsara na nasa bibig ng dalaga at saka iwas na ng tingin mula rito. Agad na inalis ng dalaga ang kutsara sakaniyang bibig, nilunok ang ice cream sakaniyang bibig at saka itinuro na sa binata ang kutsarang kaniyang hawak.

"Pinagseselosan mo ba si Jay?"

Deretsahang tanong ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinuturo sa binata ang kaniyang kutsara, dahilan upang mapalingon kaagad sakaniya ang binata at saka tinignan siya gamit ang nanlalaki nitong mga mata.

"Ayos ka lang ba? Bat ko naman pagseselosan un?"

Tanong ni Jervin pabalik kay Yvonne sabay tingin na nito sa dalaga mula ulo hanggang paa nito at saka mabilis na iniwas ang kaniyang tingin dito. Nagdikit nanaman ang kilay ng dalaga nang makita ang reaksyon ng binata sakaniyang tanong sabay subo nang muli nito sakaniyang ice cream. Patuloy lamang na pinagmasdan ng dalaga ang binata sakaniyang tabi, dahilan upang maka ramdam ng hindi pagka komportable ang binata kaya't tumayo na ito at naglakad na pabalik sakaniyang kama.

"Hmm…"

Tanging sabi na lamang ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong pinagmamasdan si Jervin sabay subong muli ng kaniyang ice cream. Nang maka higa nang muli ang binata sakaniyang kama ay muli niyang tinignan ang dalaga na nakaupo pa rin sa sofa, noong masilayan niya na nakatingin pa rin ito sakaniya ay mabilis niyang iniiwas ang kaniyang tingin mula rito, kinuha na ang kaniyang phone at saka naglaro na lamang doon. Sinamaan na lamang muli ng tingin ng dalaga ang binata at saka nagpatuloy nang muli sa pagkain ng kaniyang ice cream.

"Sa susunod wag ka na kumain ng ice cream sa gabi. Baka magkaron ka pa ng ubo't sipon niyan. Aalagaan pa tuloy kita nyan pag nagka taon."

Biglang sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa paglalaro sakaniyang phone at nakahiga pa rin ito sakaniyang kama. Napatigil sa pagsubo ang dalaga nang marinig ang sinabi sakaniya ng binata, dahilan upang mapangiti ito at saka ipinagpatuloy na ang pag ubos sa kinakain niyang ice cream.

"Ung totoo? Bampira ba talaga kayo o ano?"

Tanong bigla ni Lyka nang pumasok na ito sa silid na tinutuluyan nila Yvonne at Jervin. Mabilis na napatingin ang dalaga sakaniyang matalik na kaibigan, samantalang ang binata nama'y hindi ito pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalaro sakaniyang phone.

"Lyka~!"

Masayang tawag ni Yvonne kay Lyka habang nakaupo pa rin ito sa sofa at hawak pa rin ang kutsara. Napangiti ang Bampira at saka tumakbo na papalapit sa kinaroroonan ng dalaga at naupo na rin doon. Nang mapansin ng Bampira kung ano ang kinakain ng dalaga ay mabilis na naglaho ang kaniyang ngiti at saka sinamaan na ng tingin ang dalaga.

"Pang-ilang ice cream mo na yan?"

Tanong ni Lyka kay Yvonne habang nakaturo na ito sa ice cream na hawak ng dalaga at patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin ito. Nahihiyang nginitian ng dalaga ang kaniyang matalik na kaibigan at balak na sanang subuan ito ngunit agad siyang pinigilan nito.

"Isa?"

Patanong na sagot ni Yvonne kay Lyka sabay ngiting muli sa matalik na kaibigan. Pinanlisikan na ng tingin ng Bampira ang dalaga sapagkat alam nito na hindi iyon ang tamang bilang. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saka napabusangot.

"Tatlo."

Nakasimangot na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Lyka habang nakatingin nang muli ito sa lapag. Napabuntong hininga na lamang ang Bampira dahil sa isinagot sakaniya ng dalaga at saka kinuha na ang kutsara at ang lalagyanan ng ice cream mula sa dalaga upang patigilin na ito sa pagkain.

"Alam mo naman na mabilis kang dapuan ng sakit, e. Bat kumakain ka pa rin ng maraming ice cream?"

Tanong ni Lyka kay Yvonne sabay lapag na ng kutsara at lalagyanan ng ice cream sa coffee table at saka punas na sa labi ng dalaga gamit ang kaniyang panyo. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga sa matalik na kaibigan dahil sa sinabi nito sakaniya sabay nguso na nito rito. Napabuntong hininga na rin si Jervin, bangon nang muli mula sakaniyang pagkakahiga at naglakad na papalapit sa dalaga at sa Bampira.

"May iniisip ka ba na hindi mo sinasabi samin ni Lyka?"