~Umaga~
"Mama! Mama!"
Tawag ni Ian kay Isabelle habang tumatakbo na ito papasok sa kwarto ng kaniyang mga magulang habang umiiyak ito. Nagulantang ang babae nang makita ang kaniyang bunsong anak na umiiyak papalapit sakaniya habang nakasunod naman rito si Iris.
"Anong nangyari? Bat umiiyak ka Ian?"
Nag-aalalang tanong ni Isabelle kay Ian sabay hawak nito sa braso ng anak at saka hinaplos ang buhok nito, habang si Iris nama'y naupo sa tabi ng kanilang ina sa kama at saka tinignan ang kaniyang bunsong kapatid.
"May napanaginipan nanaman ata ulit siya Ma."
Sagot ni Iris sa tanong ni Isabelle kay Ian habang nakatingin na ito sakanilang ina na pinupunasan na ang mga luha ng kaniyang bunsong anak na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Ano napanaginipan mo ngayon Ian? Kaya mo bang ikwento samin ngayon?"
Sunod-sunod na tanong ni Isabelle kay Ian habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang bunsong anak at hawak pa rin ang braso nito. Napatigil na sa pag-iyak ang batang lalake, tinignan na rin nito ang kanilang ina at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya.
"May… may isang… pamilya… n-na… namatay… sa… l-loob ng… b-bahay nila. W-wala… wala na… silang… b-balat. W-wala… wala na… rin… silang… m-mata."
Patigil-tigil na sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Isabelle habang pinipigilan nito ang kaniyang sarili na umiyak muli. Mabilis na nanlaki ang mga mata ng kanilang ina dahil sakaniyang narinig mula sa bunso niyang anak.
"Ma… anong ibig sabihin nun?"
Tanong ni Iris kay Isabelle habang tinitignan na nitong muli ang kanilang ina nang mayroong pagka gulo sakaniyang mukha. Hindi sinagot ng babae ang tanong sakaniya ng kaniyang anak sapagkat hindi pa rin ito makapaniwala sa sinabi sakaniya ni Ian. Lumipas ang ilang segundo ay dahan-dahan nang umiling ang babae habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang bunsong anak.
"Sigurado ka ba sa nakita mo sa panaginip mo Ian?"
Paninigurado ni Isabelle kay Ian habang nakahawak na ito sa magkabilang balikat ng kaniyang bunsong anak. Umiyak nanamang muli ang batang lalaki at tumango na lamang bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kanilang ina. Nagpakawala ng malalim na hininga ang babae at saka inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa balikat ng kaniyang bunsong anak sabay hawak na nito sakaniyang ulo habang hindi na ito mapakali sakaniyang kinauupuan.
"Ma… anong ibig sabihin nung panaginip ni Ian?"
Tanong muli ni Iris kay Isabelle habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kanilang ina na natataranta na sa kinauupuan nito. Dahil sa pag-aalala ng dalaga'y hinawakan na niya ang kanilang ina sa braso nito at nagulat silang pareho sa isa't isa.
"A-ano un Iris?"
Tanong pabalik ni Isabelle kay Iris habang nakatingin na ito sakaniyang anak at bahagya na itong nginingitian. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita ang reaksyon ng kanilang ina sakaniya at agad itong napa bitaw mula sakaniyang pagkakahawak sa balikat nito.
"Ha?! Bat napunta sa Canada sila Yvonne at Jervin!?"
Gulat na tanong ni Anna kay Liyan habang pinanlalakihan na ito ng mga mata at nakatayo sa kalagitnaan ng kanilang mini grocery, dahilan upang mapatingin sakaniya ang mga mamimili. Dahan-dahan na lamang na inikot ng dalaga ang kaniyang paningin at saka hinatak na ang kaibigan papasok sa opisina ng kanilang mini grocery.
"Pano mo nalaman na andun sila Yvonne at Jervin?"
Tanong muli ni Anna kay Liyan habang tinitignan na nitong muli ang kaibigan.
"Alam ni Jay na andun sila Yvonne at Jervin at sa La Vie En Rose Hotel pa sila tumutuloy ngayon."
Sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Anna habang pinanlalakihan na rin nito ng mata ang dalaga. Nanlaki na rin ang mga mata nito habang patuloy pa ring tinitignan ang kaibigan sabay lapit nito bigla rito.
"Seryoso ka?! Pano nila naafford na magstay dun sa 5-star hotel na un!? Tsaka pano nalaman ni Jay ung tinutuluyan nilang dalawa!?"
Sunod-sunod na tanong ni Anna kay Liyan habang patuloy pa rin nitong pinanlalakihan ng mga mata ang kaibigan at nakatayo pa rin malapit dito. Bahagyang lumayo ang kaibigan mula sa dalaga at saka tumayo nang muli ito ng maayos.
"Kaibigan daw nila Jay at Yvonne ung apo sa tuhod nung may-ari ng hotel na un tsaka kaibigan din daw ni Mommy Beatrice ung anak nung may-ari nung hotel."
Sagot muli ni Liyan sa tanong sakaniya ni Anna habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga sakaniyang harapan. Napataas ng parehong kilay ang dalaga at bahagyang bumuka ang bibig nito dahil sa gulat nang marinig ang isinagot sakaniya ng kaibigan.
"Teka, teka, teka…"
"Bakit?"
"Ibig sabihin ba nito… okay na sila Yvonne at Jay?"
Tanong muli ni Anna kay Liyan habang nakataas pa rin ang dalawang kilay nito at patuloy pa ring tinitignan ang kaniyang kaibigan, samantala, pinanlakihan naman ng mga mata ng kaibigan ang dalaga nang marinig ang tanong nito sakaniya.
"Hindi pa sinasabi sayo ni Yvonne na okay na sila ni Jay?"
Tanong pabalik naman ni Liyan kay Anna habang patuloy pa rin nitong pinanlalakihan ng mga mata ang dalaga. Dahan-dahang umiling ang dalaga bilang tugon sa tanong sakaniya ng kaibigan. Bigla nang hinawakan ng kaibigan ang magkabilang balikat ng dalaga at saka malumanay itong pinaupo sa upuan.
"Ganto kasi ung nangyari…"
Pagkukwento ni Liyan kay Anna patungkol sa mga nangyari sa pagitan nila Jay at Yvonne, dahilan upang magpa kita ang dalaga ng iba't ibang ekspresyon sakaniyang mukha habang nakikinig lamang ito sa ikinekwento ng kaibigan sakaniya.
"At ayun. Nagka ayos na sila Jay at Yvonne."
Pagtatapos ni Liyan sakaniyang kwento kay Anna ay napa cross arms na lamang ito sa harapan ng dalaga. Nagpakawala na lamang ng malalim na hininga ang dalaga habang nakatingin na ito sa sahig at nakahawak na ito sakaniyang ulo.
"Wala akong masabi."
Tanging sabi na lamang ni Anna kay Liyan matapos nitong mapakinggan ang kinwento sakaniya ng kaibigan. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan sabay tanggal na ng pagkaka cross ng kaniyang braso at naglakad na papalapit sa bangkuan upang maupo na roon.
"Ngayon ko lang narealize na mas grabe pa pala ung pinagdaraanan ni Yvonne kesa sakin. Pano kaya niya naha-handle ung mga problema niya sa edad niyang un?"
Kumento ni Liyan habang nakatingin na rin ito sa lapag nang mayroong halong pag-aalala sakaniyang mukha, samantalang si Anna nama'y napabuntong hininga na lamang dahil hindi pa rin ito makapaniwala sa narinig mula sa kaibigan.