~Tanghali~
"Kamusta tulog niyo kanina?"
Tanong ni Lyka habang nakaupo ito sa sofa at kasabay nitong kumain sina Yvonne at Jervin ng tanghalian sa loob ng kanilang silid na tinutuluyan sakanilang hotel. Napatigil sa pag nguya ang dalawa, tinignan ang Bampira gamit ang kanilang nanlalaking mga mata, sabay na tinignan ang isa't isa at saka nabulunan. Napataas ng parehong kilay ang Bampira dahil sa nasaksihan nito at napatigil na rin sa pagkain.
"Oh? Bat di kayo maka sagot dyan?"
Tanong muli ni Lyka kila Yvonne at Jervin habang pabalik-balik na ang tingin nito sa dalawang kasama. Nilunok na ng dalaga ang pagkain sa loob ng kaniyang bibig at saka tinignan na ang kaniyang matalik na kaibigan sakaniyang harapan habang nakaupo ito sa sofang kaharap ng inuupuang sofa ng kaniyang kaibigan.
"M-maayos naman… bat mo naman natanong?"
Sagot at tanong pabalik ni Yvonne kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang matalik na kaibigan na nakatingin na rin sakaniya. Samantalang si Jervin nama'y iniwas ang kaniyang tingin sa Bampira at nagpatuloy na sakaniyang pagkain habang nakaupo naman ito sa pang-isahang upuan na pumapagitna sa dalawang sofa.
"Tahimik niyo, e. May nangyari ba sainyo kagabi?"
Tanong nanamang muli ni Lyka sa dalawa sabay subo nang muli ng kaniyang kinakain. Nabulunan nanamang muli si Jervin nang marinig ang itinanong sakanilang dalawa ni Lyka, habang si Yvonne nama'y pinanlakihan ng mga mata ang matalik na kaibigan at saka umiling.
"W-wala kaya! Anong iniisip mo dyan?! Ano namang mangyayari saming dalawa kagabi?!"
Biglang pagde depensa ni Yvonne kay Lyka sabay busangot na nito at saka subo nang muli ng kaniyang kinakain. Natawa ng mahina ang Bampira dahil sa sinabi ng dalaga habang nakatingin pa rin ito rito at si Jervin nama'y napabuntong hininga na lamang dahil sa sinabi ng dalaga sa Bampira.
"Sigurado ka?"
Nakangising tanong pabalik ni Lyka kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga na kaniyang kaharap. Sinamaan bigla ng tingin ng dalaga ang kaniyang matalik na kaibigan habang patuloy lamang ito sakaniyang pag nguya ng pagkain, dahilan upang ilapag na ng Bampira ang kaniyang kinakain at sabay takip na ng kaniyang bibig gamit ang kaniyang parehong kamay habang nakangisi pa rin ito sa dalaga. Nilingon na ni Jervin ang dalaga at nasilayan ito na sinasamaan pa rin nito ng tingin ang Bampira habang patuloy pa rin ito sa pag nguya. Bahagyang napangiti ang binata nang masilayan nito ang dalaga at ipinagpatuloy lamang ang pagtingin dito.
"Oh?"
Nakangising sabi ni Lyka habang tinatakpan pa rin nito ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang dalawang kamay at nakatingin na sakaniyang kaliwa kung saan nakaupo si Jervin na hindi siya pinansin at patuloy lamang sa pagtingin nito kay Yvonne. Nagdikit ang kilay ng dalaga nang makita ang reaksyon ng kaniyang matalik na kaibigan kaya't naisipan na niyang tumingin na rin kung saan ito nakatingin at nasilayan ang binata na nakatingin sakaniya nang mayroong ngiti sa mga labi nito. Kaagad na namula ang dalaga nang magka tama ang tingin nilang dalawa ng binata at mabilis na iniwas ng dalawa ang kanilang tingin sa isa't isa at tuluyan nang namula ang mga mukha nito. Hindi na nakatiis pa ang Bampira kaya't inalis na niya ang kaniyang pagkaka takip sa sarili niyang bibig at saka tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo sa sofa.
"Teka! Ako na ang sobrang kinikilig dito para sa inyong dalawa!"
Nakangiting sabi ni Lyka kila Jervin at Yvonne sabay takbo na nito patungo sa higaan ng dalaga at doon na nagwala dahil sa kilig na nararamdaman nito para sa mga kaibigan. Tahimik na tinalikuran ng dalaga ang binata at saka nagpatuloy nang muli ito sa pagkain nito sakaniyang tanghalian, habang ang binata nama'y tahimik na humarap sakaniyang kanan at saka nagpatuloy na rin sa pagkain ng kaniyang tanghalian kahit pa na patuloy pa rin siya sakaniyang pamumula.
"Lyka! Kumain ka na nga rito! Alam mo naman na ayokong nalilipasan ka ng gutom, e!"
Sigaw ni Yvonne kay Lyka habang pinapanuod na nito ang matalik na kaibigan na patuloy pa ring nagwawala sakaniyang kama. Napalingon si Jervin kay Lyka at kamuntikan nanaman itong mabulunan nang masilayan ang mga pinaggagagawa ng Bampira sa kama ng dalaga.
"Ratwe llubet!"
Sambit ni Ceejay sabay porma ng kaniyang kanang kamay ng hugis baril, itinapat ito kay Angela na nakatayo ng di kalayuan mula sakaniya at saka pinaputukan na ito. Lumabas ang mga tubig na nakahugis bala ng baril at saka mabilis na nagtungo ito sa dalaga.
"Cigma Lidesh!"
Sambit naman ni Angela sabay angat niya ng kaniyang palad sa ere at mayroong salamin ang biglang lumitaw sakaniyang harapan, dahilan upang hindi siya ng tubig na bala gaming kay Ceejay.
"Cie vinkes!"
Sambit namang muli ni Angela sabay turo na ng kaniyang limang daliri kay Ceejay at mayroon nang mga kutsilyong gawa sa yelo ang lumabas mula sa ere at mabilis itong nagtungo sa direksyon ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at wala na itong nagawa kundi ang dumapa na lamang upang maiwasan ang mga kutsilyong pinalipad sakaniya ng kaibigan. Ilang saglit pa ay bigla nang lumitaw si Madam Hongganda sa gitna ng dalawa kasama si Jasben at saka pinapalakpakan ang mga ito.
"Paghusayan niyo pa. Sigurado akong kakailanganin kayo ni Yvonne sakaniyang tabi pagdating ng panahon."
Nakangiting pagpupuri ni Madam Hongganda kila Ceejay at Angela sabay tingin na nito sa dalawang dalaga na naglalakad na papalapit sakanilang dalawa ni Jasben. Nang magka lapit na ang dalawang magkaibigan ay bigla silang nagtititili dahil sa tuwa at saka nagtatatalon na habang magkahawak na sila ng kamay.
"Madam Hong, bat po maraming naghahanap kay Yvonne?"
Tanong ni Jasben kay Madam Hongganda sabay tingin na nito sa matandang babae na nakatayo sakaniyang tabi. Tinignan na rin ng matandang babae ang dalaga sakaniyang tabi at saka nginitian ito.
"Mayroong propesiya saaming mundo patungkol sa pinaka makapangyarihang salamangkero o mangkukulam at ang paniniwala ng mga naghahanap kay Yvonne ay siya ang tinutukoy sa propesiyang iyon."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jasben sabay alis na nito ng kaniyang tingin mula sa dalaga at saka tinignan na sina Angela at Ceejay na patuloy pa rin sakanilang pagsasaya matapos makatanggap ng papuri mula sakaniya.