~Madaling araw~
"Jervin."
Tawag ni Yvonne kay Jervin habang nakahiga silang dalawa sa rooftop ng hotel na kanilang tinutuluyan at nakatingin sa madilim na kalangitan.
"Ano un?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin din ito sa kalangitan nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.
"Umiyak ka na ba sa harapan ng isang tao dati? Nung mga panahong hindi mo na kami naaalala ni Jay?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin sabay lingon na nito sa binata habang nakahiga pa rin silang dalawa sa lapag. Napalingon na rin ang binata sa dalaga at saka taka itong tinignan.
"Bat mo naman natanong yan?"
Tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga na nakatingin pa rin sakaniya. Naupo na ang dalaga at saka napabuntong hininga, dahilan upang mapaupo na rin ang binata habang nakatingin pa rin ito sa dalaga.
"Masama bang tanungin?"
Tanong din pabalik ni Yvonne kay Jervin sabay iwas ng kaniyang tingin sa binata. Bahagyang napangiti ang binata dahil sa dalaga at saka tumingin nang muli sa kalangitan.
"Wala. Lagi lang ako umiiyak mag-isa sa kwarto ko o kaya sa cr namin. Lagi kong sina sarili ung mga nararamdaman ko dahil ayokong mag-alala sila sakin. Ayoko nang idamay pa ung iba sa problemang pinagdaraanan ko."
Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakangiti pa rin ito at nakatingin pa rin sa kalangitan. Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang binata sakaniyang tabi at saka malungkot itong tinignan.
"Sorry."
Paghihingi ng tawad ni Yvonne kay Jervin sabay iwas muli nito ng kaniyang tingin sa binata. Agad na nanlaki ang mga mata ng binata at saka mabilis itong nilingon ang dalaga.
"Bakit ka nagso-sorry?"
Gulat na tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Akma na sana niyang hahawakan ang balikat ng dalaga ngunit bigla itong nagdalawang-isip at hindi na lamang niya tinuloy pa ang paghawak sa balikat nito. Napabuntong hininga ang dalaga at saka tinalikuran ang binata.
"Kung pinilit ko lang sana dati si Mama Beatrice na hayaan akong kitain ka sa loob ng mga taong iyon… hindi ka sana nag-iisa sa tuwing umiiyak ka."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatalikod pa rin sa binata at saka nakayuko na. Hindi na nagdalawang-isip pa ang binata at hinawakan na nito ang kaliwang balikat ng dalaga at saka nilapitan ito upang makita ang mukha nito.
"Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan."
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang hinahawakan pa rin nito ang balikat ng dalaga at saka patuloy pa rin itong tinitignan ng mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Unti-unti nang nilingon ng dalaga ang binata at saka tinignan ito habang tumutulo na ang mga luha sakaniyang mga mata.
"Halika nga rito."
Sabi ni Jervin kay Yvonne sabay alis na ng kaniyang pagkakahawak sa balikat ng dalaga at saka niyakap na ito. Tuluyan nang humikbi ang dalaga sa dibdib ng binata, habang ang binata nama'y tumitingala upang pigilan ang kaniyang luha sa pagbagsak.
"Ano bang pumasok sa isip mo? Bat mo naman naisipan ung tinanong mo sakin?"
Natatawang tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong niyayakap ang dalaga at naka tingala pa rin ito sa kalangitan. Hindi sumagot ang dalaga dahil patuloy pa rin ito sakaniyang paghikbi. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka hinaplos na ang buhok ng dalaga.
"Lagi mo ba akong inaalala nung mga panahong hindi natin nakikita ung isa't isa?"
Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pagyakap sa dalaga at sa paghaplos sa buhok nito. Dahan-dahan nang kumawala ang dalaga mula sa yakap ng binata, tinignan ito sa mga mata at saka tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya. Napangiti ang binata at saka pinunasan na ang mga luha ng dalaga sa pisngi nito at nag-umpisa na ring tumulo ang kaniyang luha sakaniyang mata.
"Ano namang pinaggagagawa mo nung pinag bawalan ka ni Lola Beatrice na kitain ako?"
Tanong nanamang muli ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan na nito ang dalaga. Natigil sa pag-iyak ang dalaga, nanlaki ang mga mata, kinagat ang ibabang labi at saka tinalikurang muli nito ang binata. Pinanlakihan nanamang muli ng mata ng binata ang dalaga at bigla itong naguluhan sa sitwasyon nilang dalawa.
"Bat tinalikuran mo nanaman ako?"
Takang tanong ni Jervin kay Yvonne sabay tingin muli nito sa mukha ng dalaga, ngunit pagkakita na pagkakita pa lamang ng dalaga sakaniyang mukha ay tinalikuran nanaman siyang muli nito.
"Oh?! Anong problema? Bat ayaw mong sabihin sakin?"
Tanong nanamang muli ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong pinanlalakihan ng mga mata ang dalaga. Umiling lamang ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata sabay baon na nito ng kaniyang ulo sakaniyang tuhod.
"May mga ginawa ka bang kalokohang nung wala ako?"
Tanong muli ni Jervin kay Yvonne sabay tingin nanamang muli sa mukha ng dalaga ngunit napabusangot na lamang ito nang makita na nakabaon na ang mukha ng dalaga sa tuhod nito.
"Bat ayaw mong sagutin tanong ko? May ginawa ka talagang kalokohang, noh? Silence means yes."
Pangungulit ni Jervin kay Yvonne habang nakaupo na ito sa harapan ng dalaga at patuloy pa rin itong tinitignan. Hindi pa nakuntento ang binata sa pag tatanong lamang sa dalaga kaya't kinakalabit na rin niya ito sa braso nito at hindi na nakapagtimpi pa ang dalaga. Seryoso nang tinignan ng dalaga ang binata, hinablot ang kwelyo ng damit ng binata at mabilis na hinalikan ito sa labi.
"Ayaw mong tumigil, e."
Sabi ni Yvonne kay Jervin sabay tinalikuran nanamang muli ang binata habang nakabusangot ito. Nanahimik na ang binata habang nakatingin pa rin ito sa dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata at dahan-dahan na nitong hinahawakan ang kaniyang labi.
"Bigla ko kasing naalala ung mga nangyari sakin nitong nakalipas na sampung taon kaya nacurious ako kung may karamay ka sa tuwing umiiyak ka."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin kanina habang nakatalikod pa rin ito sa binata. Nakatingin pa rin ang binata sa likuran ng dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata at hawak pa rin ang kaniyang labi. Unti-unti nang napangisi ang dalaga habang dahan-dahan na nitong hinahawakan ang kaniyang labi.