~Hapon~
"Tutulungan ba natin ang ating apo na hanapin ang kaniyang kaibigan na apo ng iyong kaibigan?"
Tanong ni Melchor kay Malaya habang tinitignan ang kaniyang asawa na nakaupo sakaniyang harapan sakanilang hapag kainan. Napabuntong hininga ang matandang babae sakaniyang asawa habang tinitignan ang litratong kaniyang hawak.
"Patawarin mo ako Kim kung hindi kita tinulungan noong kinukuha ka na ng Lich…"
Paghihingi ng tawad ni Malaya kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang litrato na kaniyang hawak hanggang sa mayroon nang luha ang tumulo mula sakaniyang mata. Nag-aalalang tinignan ni Melchor ang kaniyang asawa kaya't marahang nitong hinawakan ang kamay nito gamit ang kaniyang kaliwang kamay upang pagaanin ang loob nito. Tinignan na ng matandang babae ang kaniyang asawa at saka bahagya itong nginitian.
"Humingi tayo ng tulong kay Fernanda."
Sabi ni Malaya kay Melchor habang bahagya pa rin nitong nginingitian ang kaniyang asawa na hawak pa rin ang kaniyang kamay. Nginitian pabalik ng matandang lalaki ang kaniyang asawa habang patuloy pa rin itong tinitignan nang mayroong pag-aalala sakaniyang mga mata.
"Sige. Hintayin mo kami rito, ha."
Tugon ni Melchor kay Malaya sabay tayo na mula sakaniyang pagkakaupo, hinawakan ang pisngi ng kaniyang asawa gamit ang kaniyang kanang kamay, hinalikan ang noo nito at saka naglakad na papaalis sakanilang kinaroroonan. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae habang tinitignan lamang ang kaniyang asawa na maglakad papalayo sakaniya hanggang sa mawala na ito sakaniyang paningin.
"Paano ako nagkaroon ng malambing at tapat na asawa sa kabila ng mga kasalanang nagawa ko?"
Malungkot na tanong ni Malaya sakaniyang sarili habang patuloy pa rin itong nakatingin sa direksyong pinatunguhan ni Melchor at lumuha nanamang muli. Ilang saglit pa ay bigla nang lumitaw ang kanilang apo na si Melanie sa tapat ng kanilang hapagkainan, nang magka tinginan silang dalawa ay mabilis na iniwas ng dalaga ang kaniyang tingin mula sakaniyang lola at akma na sanang maglalakad papalayo sakaniyang kinaroroonan ngayon nang…
"Melanie apo!"
Tawag ni Malaya kay Melanie sabay lapag ng litrato sa hapag kainan at mabilis na pinunasan ang kaniyang mga luha. Nagdadalawang isip na naglakad papalapit ang dalaga sakaniyang lola.
"Ano po un Lola?"
Tanong ni Melanie kay Malaya nang makatayo na ito sa harapan ng kaniyang lola. Nginitian ng matandang babae ang kaniyang apo at saka marahang hinawakan ang mga kamay ng dalaga.
"Tutulungan namin kayong hanapin ang inyong kaibigan na si Yvonne."
Nakangiting sagot ni Malaya sa tanong sakaniya ni Melanie habang patuloy pa rin nitong hinahawakan ang mga kamay ng kaniyang apo. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig ang sinabi sakaniya ng kaniyang lola at unti-unti na itong napangiti.
"Talaga po Lola?"
Nakangiting tanong ni Melanie kay Malaya habang kumikislap-kislap na ang mga mata nito. Nakangiting tumango ang matandang babae sakaniyang apo bilang tugon sa tanong nito sakaniya at dahan-dahan na rin nitong binitawan ang mga kamay ng kaniyang apo.
"Salamat po Lola~! Akyat na po ako para sabihan po ung iba pa po naming kaibigan na naghahanap sakanila."
Masayang sabi ni Melanie kay Malaya at dali-dali nang tumakbo paakyat ng kanilang hagdan.
"Mag-ingat ka sa pag-akyat mo, hija!"
Sabi ni Malaya kay Melanie habang nakatingin na ito sa hagdan at mayroon pa ring ngiti sakaniyang mga labi. Makalipas ng isang minuto ay bumalik na si Melchor sa kinaroroonan ng kaniyang asawa habang mayroong isang matandang babaeng dwende ang nakaupo sakaniyang palad.
"Ano ang maitutulong ko sainyo, Madam Malaya?"
Nakangiting tanong ng matandang babaeng dwende kay Malaya nang makatayo na si Melchor sa harapan ng kaniyang asawa. Nginitian ng matandang babae ang kaniyang asawa at saka nginitian na pabalik ang dwende sakaniyang harapan.
"Alamin mo kung saan naroroon ngayon sina Yvonne Tamayo at Jervin Anonuevo."
Tugon ni Malaya sa tanong sakaniya ng dwende habang nakangiti pa rin ito rito. Tumango lamang ang dwende bilang tugon nito sa matandang babae. Itinapat na ni Melchor ang kaniyang palad na inuupuan ng dwende sakanilang hapag kainan at hinayaan na ang dwende na tumalon mula sakaniyang palad at umalis na.
"Ano?! Nasa Canada ngayon sila Yvonne at Jervin?!"
Gulat na tanong ni Liyan kay Jay habang nakaupo sila pareho sa loob ng kaniyang tindahan sa Unity Locale at pinanlalakihan ng mga mata ang binata sakaniyang harapan. Tumango lamang ang binata bilang tugon nito sa dalaga na kaniyang kaharap. Mabilis na napatayo ang dalaga mula sakaniyang pagkakaupo, hinawakan ang kaniyang tagiliran at saka naglakad ng pabalik-balik sa loob ng kaniyang tindahan.
"Wow. Layo ng narating nila, ah. Alam mo ba ung eksaktong kinaroroonan nila ngayon?"
Kumento at tanong ni Liyan kay Jay sabay hinto na sakaniyang paglalakad at tingin nang muli sa binata na nakaupo pa rin.
"Andun sila ngayon nagtatrabaho sa isang hotel. Binabantayan naman sila ngayon ni Lyka at ng angkan niya."
Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Liyan habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga na nakatayo pa rin. Nagdikit ang kilay nito at dali-daling naupong muli sakaniyang kinauupuan kanina habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata.
"Lyka? Lyka Maxine Padilla? Ung apo sa tuhod nung may-ari ng 5-star hotel na La Vie En Rose Hotel?!"
Sunod-sunod na tanong ni Liyan kay Jay habang pinanlalakihan nanaman nito ng mga mata ang binata sakaniyang harapan. Takang tinignan ng binata ang dalaga at saka tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya.
"Bat gulat na gulat ka?"
Tanong pabalik ni Jay kay Liyan habang pinanlalakihan na rin nito ng mga mata ang dalaga. Nagdikit nanaman ang kilay ng dalaga dahil sa naging reaksyon ng binata sakaniya at saka tinignan na ito mula ulo hanggang paa.
���Wala naman sa itsura mo na mayaman ka o pogi o sikat, pero bat kilala ka ni Lyka? At saka bat ang lakas ng loob mong utusan siya na bantayan sila Yvonne at Jervin? Pano kayo nagkakilala at saan? Gano kayo ka close ni Lyka? Posible ba na makapag trabaho ako sa hotel nila?"
Sunod-sunod na tanong nanaman ni Liyan kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata na tumatawa na ng mahina habang patuloy pa ring siyang tinitignan nito.
"Lagi akong sina sama nila Yvonne at Lola Beatrice sa tuwing pumupunta sila dati sa Canada nung maayos pa ang lahat. At saka naging kaibigan namin ni Yvonne si Lyka dahil kaibigan ni Lola Beatrice ung anak ng may-ari ng La Vie En Rose Hotel."