~Umaga~
"Matulog na lang ulit tayo, Yvonne. Inaantok pa ako."
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy lamang ito sa pag sunod sa dalaga na hawak ang kaniyang kamay, hinihila siya at sinasabayan ang iba't ibang nilalang sa paglalakad sa pamilihan.
"Malilibot ba natin 'tong lugar na 'to kung matutulog lang tayo?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin nitong hinihila ang binata at hindi ito tinitignan. Napabuntong hininga na lamang ang binata dahil sa itinanong sakaniya ng dalaga habang hinahayaan pa rin itong hatakin siya kung saan man.
"Hindi ko naman sinabi na ilibot mo ako rito, e."
Reklamo ni Jervin kay Yvonne habang nakapikit itong naka tingala sa kalangitan at patuloy pa rin nitong sinusundan ang dalaga. Napabusangot na lamang ang dalaga dahil sa sinabi sakaniya ng binata at mas hinigpitan pa nito ang kaniyang pagkakahawak sa mga kamay ng binata.
"Aray! Masakit!"
Reklamong muli ni Jervin kay Yvonne sabay tingin na ng masama sa dalaga at saka huminto na sa paglalakad sa gitna ng daanan, dahilan upang mahatak nito ng bahagya ang dalaga at mapahinto ito sa paglalakad nito. Tinignan na ng dalaga ang binata habang nakabusangot pa rin ito at saka sinamaan na ito ng tingin.
"Sumunod ka na lang kase! Dami mo pang Reklamo dyan, e!"
Inis na sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakanguso na ito at masama pa rin ang tingin sa binata. Sinamaan lamang ng tingin ng binata ang dalaga at hindi na nagsalita. Ilang saglit ang lumipas ay mayroong nakakuha ng atensyon ng dalaga mula sa kalayuan sa likuran ng binata, nang malaman kung sino iyon ay biglang nanlaki ang mga mata nito.
"Pag bilang ko ng tatlo... tumakbo ka ng mabilis at wag mong bibitiwan ang kamay ko."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binatang na naglalakad na papalapit sa kinaroroonan nila ng binata. Nagdikit ang kilay ng binata dahil sa sinabi sakaniya ng dalaga.
"Bakit? Anong meron?"
Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang magkadikit pa rin ang kaniyang kilay, ngunit hindi siya sinagot ng dalaga kaya't naisipan na lamang niya na tumingin na rin sa direksyong tinitignan nito. Akma na sana itong lilingon ngunit biglang inilapat ng dalaga ang likuran ng kaniyang kamay sa pisngi ng binata habang nakatingin pa rin ito sakaniyang tinitignan.
"Isa…"
Simula ni Yvonne sakaniyang pagbibilang habang nakatingin pa rin sa taong naglalakad pa rin tungo sakanilang dalawa ni Jervin at hawak pa rin ang pisngi ng binata upang hindi ito lumingon.
"Dalawa…"
Bilang muli ni Yvonne sabay tingin na sa tindahan ng mga mantika sa bandang kanan at balik muli sa binatang naglalakad tungo sakanila.
"Dalawa't kalahati..."
Pagtutuloy ni Yvonne sakaniyang pagbibilang sabay alis na nito ng kaniyang kamay sa pisngi ni Jervin at kumpas na nito pakaliwa, dahilan upang magsi liparan ang mga bote ng mantika sa binata.
"Anong ginawa mo?"
Hindi mapakaling tanong ni Jervin kay Yvonne habang pinanlalakihan na nito ng mata ang dalaga nang marinig ang mga pagbasag ng mga bote. Ngunit hindi nanaman nito sinagot ang tanong sakaniya ng binata sapagkat pinalagitik lamang niya ang kaniyang kamay, dahilan para magliyab na ang binatang naligo na sa mantika.
"Tatlo."
Pag tapos ni Yvonne sakaniyang pagbibilang at sabay na silang tumakbo ni Jervin papalayo sakanilang kinaroroonan at sa senaryong ginawa ng dalaga.
"Anong ginawa mo?!"
Hindi mapakaling tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin silang dalawa sa pagtakbo sa pamilihan at magkahawak pa rin ang kanilang kamay.
"Ginawa ko lang ang dapat kong gawin para protektahan tayong dalawa!"
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang naghahanap na ito ng maaari nilang patunguhan upang makatakas.
"Sino ba un?!"
Tanong nanaman muli ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin silang dalawa sakanilang pagtakbo. Mabilis na nagsisi iwas ang mga nilalang na nagkakasalubong ng dalawa na patuloy pa rin sa pagtakbo.
"Apo ni Paulina de Gracia, isa pa sa mga nagha-hunting sakin. Hindi rin maganda ung connection naming dalawa kaya… magka away kami nyan."
Sagot muli ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay tingin sa taas ng isang gusali at nakita ang karatula nito na may nakasulat na 'Blood Moon Inn'.
"Pasok tayo sa Blood Moon Inn."
Pag-aaya ni Yvonne kay Jervin nang hindi nito tinitignan ang binata at saka hinatak na lamang ito patungo sa gusaling iyon. Nang malapit na sila sa pintuan ng gusaling iyon ay mabilis na binuksan ng dalaga ang pintuan at nang makapasok na sila ay mabilis na binitawan ng dalaga ang kamay ng binata at sinarado na ang pintuan ng kanilang silid na kanilang tinutuluyan sa La Vie En Rose Hotel.
"Pano… nila nalaman… na… andito tayo… sa Canada?"
Paputol-putol na tanong ni Jervin kay Yvonne habang hinahabol na niya ang kaniyang hininga at nakahawak sakaniyang tuhod. Sumandal na si Yvonne sa pintuan at saka dahan-dahang naupo sa sahig habang hinahabol na rin nito ang kaniyang hininga. Hindi na rin nakayanan ng binata ang kaniyang pagod kaya't napaupo na rin ito sa lapag at saka sumandal na sa pader.
"Hindi ko rin alam… pero kailangan nating sabihan sila Jay."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin na ito sa binata na nakatingin na rin sakaniya.
"Ba't si Jay?"
Tanong nanaman muli ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga at hinahabol pa rin ang kaniyang hininga. Nangiti ang dalaga sa binata at bahagya itong natawa.
"Nagseselos ka ba?"
Nakangiting tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Natawa ng bahagya ang binata sa itinanong sakaniya ng dalaga sabay alis na ng kaniyang tingin mula rito.
"Ba't naman ako magseselos?"
Natatawang tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne sabay balik muli ng kaniyang tingin sa dalaga na nakatayo na at naglakad na papasok ng cr.
"Anong gagawin mo?"
Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga na akma na sanang isasarado ang pintuan ng cr.
"Maliligo. Gusto mo ba akong sabayan?"
Sagot at tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin muli ito sa binata. Agad na napalunok ang binata at mabilis na namula ang kaniyang mukha.
"Ha! Asa ka!"
"S-sino may sabing gusto ko?! Di ka naman kagandahan, e! Tsk!"