~Hapon~
"Lyka, may number ka ni Jay?"
Tanong ni Yvonne kay Lyka habang nakaupo na silang dalawa sa sofa ng silid na kanilang tinutuluyan sa hotel ng kaniyang matalik na kaibigan. Mabilis na kinuha ng Bampira ang kaniyang phone mula sakaniyang bulsa at saka mabilis na hinanap ang phone number ni Jay sakaniyang contacts.
"Eto. Bakit?"
Tanong pabalik ni Lyka kay Yvonne habang iniaabot na nito ang kaniyang phone sa dalaga at nakatingin na ito rito.
"May nakakita kasi samin kanina dun sa Emporium Union, e. Ung apo raw ni Paulina de Gracia."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Lyka kay Yvonne habang nakahiga ito sakaniyang kama at nakapikit. Agad na pinanlakihan ng mga mata ng Bampira ang dalaga sakaniyang tabi at bahagya nang nakabuka ang kaniyang bibig.
"Si Patrick de Gracia?! Ung kaaway mo?! Siya ung nakakita sainyo kanina?!"
Hindi makapaniwalang tanong ni Lyka kay Yvonne habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata ang dalaga na inilagay na sakaniyang tainga ang phone ng kaniyang matalik na kaibigan. Tinignan na ng dalaga ang kaniyang matalik na kaibigan at saka tumango ito bilang tugon sa tanong sakaniya nito.
"Nagri-ring na, mamaya ka na mag react dyan."
Sabi ni Yvonne kay Lyka habang naka dikit na ang kaniyang hintuturo sakaniyang labi at nakatingin pa rin ito sa matalik na kaibigan. Tahimik na lamang na napahawak ang Bampira sakaniyang ulo habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at nakabuka na ang kaniyang bibig.
"Urgh… ba't ka napatawag, Lyka?"
Inaantok pa na tanong ni Jay nang sagutin nito ang tawag na galing sa phone ni Lyka. Bahagyang natawa si Yvonne nang marinig ang boses ng binata ngunit agad naman itong natigil nang sinamaan na siya ng tingin ng matalik na kaibigan sakaniyang tabi.
"Jay, si Yvonne 'to."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jay kay Lyka habang iniiwasan na nito ng tingin ang matalik na kaibigan dahil sa takot. Humikab ang binata mula sa kabilang linya at nang mapagtanto na ang dalaga na kaniyang gusto ay ang siyang kausap nito ay biglang mayroong malakas na kalabog mula sa kabilang linya, dahilan upang ilayo ng bahagya ng dalaga ang phone ng kaniyang matalik na kaibigan mula sakaniyang tainga.
"Anong nangyari?"
Pabulong na tanong ni Lyka kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at pinanlalakihan pa rin ito ng mga mata. Nagkibit balikat lamang ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matalik na kaibigan at biglang hinablot ni Jervin ang phone ng Bampira mula sa dalaga nang makatayo na ito sa likuran ng sofa na inuupuan ng dalawa sabay lapit ng phone sakaniyang tainga habang seryoso ang tingin nito rito.
"Anong ginagawa mo dyan? Alam mo na ba na nalaman na nila Paulina de Gracia na andito kami ni Yvonne sa Canada?"
Seryosong tanong ni Jervin kay Jay habang seryoso pa rin nitong tinitignan si Yvonne na sinasamaan na siya ng tingin. Sinamaan na rin nito ng tingin ang dalaga, inilayo na mula sakaniyang tainga ang phone ni Lyka at saka pinindot ang loudspeaker nuon.
"Kahapon pa namin alam. Bakit? May nangyari ba?"
Sagot at tanong pabalik ni Jay kay Jervin mula sa kabilang linya. Masama pa rin ang tingin nila Yvonne at ng binata sa isa't isa habang si Lyka nama'y masama na ring tinitignan ang dalawa na hindi na siya pinapansin.
"Nakita ni Patrick si Yvonne kanina sa Emporium Union habang magkasama kaming dalawa."
Seryosong sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Jay habang masama pa rin nitong tinitignan si Yvonne na masama rin ang tingin sakaniya.
"Seryoso ba?! Anong ginawa niya!? Na sundan ba niya kayo dyan sa hotel nila Lyka?! May iba pa ba siyang kasama o wala!?"
Sunod-sunod na tanong ni Jay kay Jervin at bigla nanamang may kumalabog mula sa kabilang linya. Natawa ng bahagya ang binata habang nakatingin na ito sa phone ni Lyka, si Yvonne nama'y napatakip na lamang ng mukha gamit ang kaniyang kaliwang kamay habang si Lyka nama'y nakakunot ang noo habang bahagyang nakabuka ang kaniyang bibig at nakatingin sakaniyang phone na hawak ng binata.
"Ano nanamang nangyari sayo dyan? Ba't parang naninira ka ng gamit dyan?"
Tanong pabalik ni Jervin kay Jay habang nakatingin pa rin sa phone ni Lyka na kaniyang hawak.
"Sagutin mo muna tanong ko!"
Sigaw ni Jay kay Jervin mula sa kabilang linya. Nainis na ang binata sakanilang kausap kaya't hindi ito naka sagot agad.
"Nakatakas kami ni Jervin kay Patrick dahil sinunog ko siya, at tsaka pumasok kami ni Jervin sa Blood Moon Inn para dun niya kami hanapin."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jay sa tanong nito kay Jervin habang tinatakpan pa rin nito ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Pinanlakihan na ng mga mata ni Lyka ang dalaga nang marinig ang sinagot nito sa tanong ng binatang kanilang kausap sakaniyang phone.
"Seryoso? Sinunog mo si Patrick?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Lyka kay Yvonne habang pinanlalakihan pa rin nito ng mga mata ang dalaga. Inalis na ng dalaga ang kaniyang kaliwang kamay mula sakaniyang mukha, napabuntong hininga at saka tumango bilang tugon sa tanong sakaniya ng matalik na kaibigan.
"Kaya naging magka-away kayo, e. Lagi mo kasing sinasaktan!"
Natatawang kumento ni Lyka kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Pinanlakihan naman ng mga mata ni Jervin ang dalaga habang hawak pa rin ang phone ng Bampira at nakatayo pa rin sa likuran ng sofa.
"Ano bang pinaggagagawa mo nitong nakaraang dekada, ha, Yvonne?! Hindi tayo nagkita ng isang dekada tapos malalaman ko ngayon na maraming naghahabol sayo at biglaan ko pa nalaman!"
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang pinanlalakihan pa rin nito ng mata ang dalaga. Mabilis na kinuha ni Lyka mula sa binata ang kaniyang phone at saka lumayo ng bahagya mula sa dalaga. Napa nguso lamang ang dalaga habang nakatingin na rin ito sa binata.
"Ano nang nangyayari dyan?"
Tanong ni Jay mula sa kabilang linya nang mayroong pag-aalala sakaniyang boses. Hindi kaagad sinagot ni Lyka ang tanong ng kausap sapagkat ay nanlaki ang mga mata nito nang masilayan na napabuntong hininga na lamang si Jervin at saka pinisil ang magkabilang pisngi ni Yvonne.
"Wow. Wala akong masabi."