~Hapon~
"Paano nalaman ng mga De Gracia na nagtungo si Yvonne sa Canada?!"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jacqueline kay Kimberly habang pinanlalakihan na nito ng mga mata ang babae.
"Dahil sa tulong ni Dezso."
Seryosong sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Jacqueline habang nakatingin sa matandang babae. Mabilis na nilingon ni Jay ang kaniyang Lola at saka lumapit ito ng bahagya sa coffee table na pumapagitna sakaniya at sakaniyang Lola.
"Naka usap ko na nung isang araw si Dezso, Lola. At saka willing po siyang tulungan tayo para po gamitan ang mga De Gracia."
Sabi bigla ni Jay kay Jacqueline habang tinitignan pa rin nito ang kaniyang Lola na nakatingin na sakaniya habang nakakunot ang noo nito. Napatingin na rin si Kimberly sa binata dahil sa sinabi nito sa matandang babae gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Kailan? Paano? Saan? Anong sinabi mo sakaniya upang tulungan niya tayo?"
Sunod-sunod na tanong ni Jacqueline kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang apo at nakakunot pa rin ang kaniyang noo. Napalunok ang binata dahil nakaramdam ito ng kaba habang nakatingin pa rin sakaniyang Lola.
"Nitong huwebes po sa mansion po mismo ng mga De Gracia."
Kabadong sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jacqueline sabay lunok nanamang muli nito habang nakatingin pa rin sakaniyang Lola. Pinanlakihan ng mga mata ni Kimberly ang binata nang marinig ang sagot nito sa matandang babae, habang ang matandang babae nama'y napahawak sakaniyang dibdib at saka hinahabol na ang hininga.
"Tubig."
Tanging sabi ni Jacqueline sa dalawa habang hinahabol pa rin ang kaniyang hininga at nakahawak pa rin sakaniyang dibdib. Kaagad namang tumayo si Jay at dali-daling tumakbo patungo sakanilang kusina upang kumuha ng isang basong tubig, samantalang si Kimberly nama'y nagtungo sa tabi ng matandang babae at saka sinubukan itong pakalmahin upang hindi ito atakihin sa puso o ng hika nito.
"Jacqueline, hinga ng malalim…"
Sabi ni Kimberly kay Jacqueline habang hawak na nito ang balikat ng matandang babae gamit ng kaniyang isang kamay at saka hinihimas naman ang likuran nito gamit naman ng isa pa niyang kamay. Sinunod naman ng matandang babae ang sinabi sakaniya ng babae at huminga ito ng malalim.
"Hinga palabas."
Dagdag ni Kimberly habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang likuran ni Jacqueline nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Sinunod muli ng matandang babae ang sinabi ng babae sakaniya at nagpa ulit-ulit lamang ang pinapa gawa ng babae sa matandang babae hanggang sa bumalik na si Jay na mayroon ng dalang isang baso ng tubig.
"Inom ka na po, Lola Jacqueline."
Nag-aalalang sabi ni Jay kay Jacqueline habang iniaabot na nito ang baso ng tubig sakaniyang Lola. Dahan-dahang hinawakan ng matandang babae ang baso na iniaabot sakaniya ng kaniyang apo at saka dahan-dahan na itong uminom.
"Okay ka na po ba, Lola Jacqueline?"
Nag-aalalang tanong ni Jay kay Jacqueline matapos uminom ng tubig ang kaniyang Lola. Nagpakawala na ng malalim na hininga ang matandang babae, dahilan upang maka ramdam na ng kaginhawaan si Kimberly at ang binata. Bumalik na ang dalawa sakanilang kinauupuan kanina habang nakatingin pa rin sila sa matandang babae.
"Ano ang iyong sinabi kay Dezso noong kinausap mo siya?"
Tanong muli ni Jacqueline kay Jay habang seryoso na nitong tinitignan ang binata. Nagpakawala ng malamin na hininga ang binata habang patuloy pa rin nito tinitignan ang kaniyang Lola.
"Wala po akong ispesipikong sinabi kay Dezso para po mapakampi siya satin. Hindi niya na po kasi ramdam na nirerespeto pa rin po siya ng mga De Gracia simula po nung naging si Paulina na po ang namumuno sa angkan na iyon."
Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jacqueline habang tinitignan na nito ang kaniyang Lola sa mga mata nito. Napabuntong hininga na lamang si Kimberly habang umiiling dahil sa narinig nito mula sa binata.
"Wala pa rin talaga siyang pagbabago."
Malungkot na sabi ni Jacqueline habang nakatingin na ito kay Kimberly na nakatingin pa rin sakaniya.
"Lola Jacqueline… pupunta po ako sa mansion ng mga Sebastian sa martes."
Sabi ni Jay kay Jacqueline habang seryoso na nitong tinitignan ang kaniyang Lola, dahilan upang manlaki ang mga mata nito at ni Kimberly.
"Nasa matinong pag-iisip ka pa ba?! Ba't padalos-dalos ka?!"
Galit na tanong ni Kimberly kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata. Seryoso na ring tinignan ng binata ang babae sakaniyang tabi bago ito sagutin.
"Alam ko kung ano ang ginagawa ko."
Seryosong sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae sakaniyang tabi. Dahil sa inis at galit ay akma na sanang babatukan ng babae ang binata, ngunit…
"Kimberly!"
Pag saway ni Jacqueline kay Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Jay. Mabilis na tinignan ng babae ang matandang babae at saka umayos na ng kaniyang pagkakaupo at pinanlisikan na ng tingin ang binata.
"Dahil ba ito sa pagpapa kitang muli ni Dalis kay Yvonne noong nasa eskwelahan siya?"
Tanong ni Jacqueline kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang apo. Tumango ang binata bilang tugon sa tanong sakaniya ng kaniyang Lola.
"Binigyan niya po kasi ako ng pagpipilian nung huli po kaming nagka usap at binigyan niya po ako ng dalawang linggo upang pag-isipan po ang aking isasagot sakaniya. Sa martes na po ang ikalawang linggo at ayaw ko pong malaman niya na buhay ka pa po kaya't kusa na lang po akong pupunta sakanilang mansion."
Seryosong sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jacqueline habang nakatingin na ito sakaniyang Lola. Tinakpan na lamang ni Kimberly ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang palad dahil sa inis nito sa binata, samantalang ang matandang babae nama'y napabuntong hininga na lamang habang nakatingin pa rin sakaniyang apo na seryoso pa rin siyang tinitignan.
"Mas mabuti nang hindi matuklasan ni Dalis na magka kakilala tayong tatlo, upang maipagpatuloy pa natin ang ating balak na matagal nating pinagplanuhan."
Pagsang-ayon ni Jacqueline sa sinabi ni Jay habang dahan-dahan itong tumatango at nakatingin na ito sa coffee table sakaniyang harapan.
"Sigurado ka ba sa pagsang-ayon mo Jacqueline?"
Tanong ni Kimberly kay Jacqueline habang nag-aalala na itong nakatingin sa matandang babae. Tinignan na ng matandang babae ang babae at saka nginitian ito at tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya.
"May tiwala ako sa apo kong si Jay, at kampante ako na natutunan na niya ang mga dapat niyang matutuhan mula sakaniyang Lolo pagdating sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng mahika."