Chereads / Runaway With Me / Chapter 110 - La Vie En Rose Hotel 3

Chapter 110 - La Vie En Rose Hotel 3

~Umaga~

"Teka, teka! Wag kang excited dyan!"

Sigaw ni Yvonne kay Lyka na inaabot ang kaniyang phone na kaniya namang inilalayo rito. Samantalang si Jervin nama'y pinapanuod lamang ang dalawang dalaga habang nakaupo sakaniyang kama at hawak ang kaniyang phone.

"Masama na ba maging excited?! Patingin lang naman ako ng phone mo!"

Sabi naman ni Lyka kay Yvonne habang inaabot pa rin nito ang phone ng dalaga. Napabuntong hininga na lamang si Jervin habang pinapanuod ang dalawang dalaga at saka panay pindot na sakaniyang phone.

"Kamusta na kayo dyan, kuya Josh?"

Biglang tanong ni Jervin kay Josh habang nakatingin ito sakaniyang phone. Agad na natigil ang dalawang dalaga sakanilang ginagawa at saka tinignan ang binata.

"Seryoso ba yan?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang pinanlalakihan na nito ng mata ang binata. Tinignan na ng binata ang dalaga at saka hinarap na ang screen ng kaniyang phone sa dalaga upang ipakita ang galit na Josh sakanila.

"Ikaw! Pasaway kang bata ka! Hindi mo man lang ako sinabihan na alam pala ni Jay na maglalayas ka!"

Sigaw ni Josh kay Yvonne habang naka video call kay Jervin. Pinanlakihan ng mga mata ng binata ang dalaga, samantalang si Lyka nama'y naupo na sa sofa habang nakatingin na ito sa phone ng binata.

"Ano?! Nasan si Jay?! Sabi ko sakaniya wag niyang ipahalata na alam niya, e! Pisti ung lalaking un! Kahit kelan hindi siya sumunod sakin!"

Inis na sigaw naman ni Yvonne kay Jay sabay lapag na ng kaniyang phone sa coffee table na nasa harapan ni Lyka at saka pinagbababato na ang mga unan na nakalagay sa sofa sa kung saan-saan. Habang abalang mag wala ang dalaga'y mabilis na kinuha ng matalik na kaibigan ang phone nito at nasilayan ang wallpaper ng dalaga.

"Ahh… kaya pala ayaw mong ipakita sakin ung phone mo dahil dito."

Nakangiting sabi ni Lyka kay Yvonne sabay pakita na ng picture ng dalaga at ni Jervin na magka akbay at nakangiti kila Josh at sa binata. Mabilis namang namula ang mukha ng binata at saka ibinaba ang kaniyang phone upang hindi makita ng dwende ang wallpaper ng phone ng dalaga. Nagulantang ang Bampira sa ginawa ng binata kaya't pinanlakihan niya ito ng mata, samantalang ang dalaga nama'y mabilis na hinablot ang kaniyang phone mula sa matalik na kaibigan, tinignan ang binata at saka tumakbo na tungo sakaniyang kama, dumapa roon at saka ibinaon ang kaniyang mukha sa unan.

"H-hoy! Jervin! Anong ginawa mo?! Ba't nawala si Yvonne at Lyka?! Jervin!"

Tawag ni Josh kay Jervin kaya't natauhan na ang binata at iniangat niyang muli ang kaniyang phone upang ipakitang muli sina Lyka at Yvonne sa dwende. Ilang saglit pa ay tumawa ng malakas ang Bampira hanggang sa mapahiga na siya roon sa sofa, dahilan upang hindi makaimik ang binata ang dwende. Dahan-dahan nang iniharap ng binata ang screen ng phone sakaniyang sarili at saka tinignan na ang dwende.

"Anong nangyari kay Lyka?"

Takang tanong ni Josh kay Jervin habang magkadikit ang kilay nitong nakatingin sa binata. Umiling at nag kibit balikat lamang ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dwende at saka tinignan na si Yvonne na nakadapa pa rin sa kama nito at nakabaon pa rin ang mukha.

"Tumawag na sila kuya Josh?"

Tanong ni Justin kay Josh sabay tingin na rin nito kay Jervin na hindi nakatingin sa screen ng kaniyang phone. Tinignan ng nakatatandang dwende ang nakababatang dwende at saka ibinigay na rito ang phone ni Yvonne na iniwan sakanila.

"Jervin, nasan si Yvonne? Pwede paka usap ako?"

Tanong ni Justin kay Jervin nang tuluyan na niyang makuha ang phone ni Yvonne mula kay Josh. Tinignan na ng binata ang screen ng kaniyang phone at nasilayan ang mukha ng nakababatang dwende.

"Oh? Hello, kuya Jah."

Bati ni Jervin kay Justin habang nakatingin pa rin ito sa screen ng kaniyang phone. Nang marinig ang pangalan ng dwende ay mabilis na huminto si Lyka sakaniyang pagtawa at si Yvonne nama'y mabilis na naupo sakaniyang kama at saka tinignan ang binata. Tumakbo na papalapit ang Bampira sa binata kaya't mabilis namang binitawan ng binata ang kaniyang phone at lumayo roon upang maka iwas sa Bampira. Nakangiting kinuha ng Bampira ang phone ng binata at saka iniharap na sakaniyang sarili ang screen nito.

"Hi kuya Jah~!"

Masayang bati ni Lyka kay Justin sabay lakad na pabalik sa sofa na kaniyang inuupuan kanina habang hawak pa rin ang phone ni Jervin at nakatingin pa rin sa screen ng phone ng binata. Mabilis na naglakad si Yvonne tungo sa sofa na kinauupuan ng matalik na kaibigan, habang ang binata nama'y tumakbo na tungo sa kama ng dalaga, kinuha ang phone ng dalaga at doon na naupo.

"Kuya Jah! Miss na kita!"

Sabi ni Yvonne kay Justin habang nakanguso ito at nakatingin na rin sa phone ni Jervin na hawak ni Lyka. Nang makita ng dwende ang dalaga'y mabilis itong naluha habang nakangiti ito. Nginitian pabalik ng dalaga ang dwende habang ang matalik na kaibigan naman nito ay napabusangot na habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalaga at sa phone ng binata.

"Yvonne naman, e! Bakit mong ginawang wallpaper ung picture nating dalawa?!"

Tanong ni Jervin kay Yvonne sabay tingin na nito sa dalaga habang hawak pa rin ang phone nito. Mabilis na nilingon nila Lyka at ng dalaga ang binata at saka pinakita na rin ng Bampira ang binata kay Justin na pinapanuod na ang ginagawa ng binata.

"Hoy! Wag mo na palitan! Sasapakin kita pag pinalitan mo yan!"

Sigaw ni Yvonne kay Jervin sabay tayo na nito mula sakaniyang pagkakaupo sa sofa at saka takbo na tungo sakaniyang kama kung saan naroroon ang binata. Ngumiti tumayo na rin si Lyka at saka nagtungo na rin sa kama ng dalaga habang hawak pa rin nito ang phone ng binata.

"Nakakahiya kila Lyka! Mapag kamalan pa nila na mag boyfriend-girlfriend na tayo!"

Tugon naman ni Jervin kay Yvonne sabay talikod nito sa dalaga habang patuloy pa rin nitong pinapakelaman ang phone nito. Tinabihan na ni Lyka ang binata at saka pinanuod ito sa pagkalikot nito sa phone ng dalaga habang nakatapat ang phone ng binata roon.

"Selfie tayo tas un na lang ung gawin mong wallpaper sa phone ni Yvonne!"

Nakangiting sabi ni Lyka kay Jervin sabay pindot ng home button ng phone ni Yvonne, hinanap ang camera, pinindot iyon at saka kumuha na silang dalawa ng binata ng litrato nang magkasama. Matapos kumuha ng litrato ay kaagad na ginawang wallpaper iyon ng binata sa phone ng dalaga. Nang maka luhod na ang dalaga sa likuran ng matalik na kaibigan at ng binata ay galit niyang tinignan ang dalawa mula sa likuran nito at saka pinag-untog na ang dalawa habang masama pa rin ang kaniyang tingin.

"Mga pisti kayong dalawa. Humanda kayo sakin!"