~Hapon~
"Ano? Lumayas si Yvonne kasama si Jervin?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Ceejay kay Melanie habang kumakain na silang apat nila Angela at Jasben sa kantina. Nagmasid muna ang dalaga sakanilang paligid at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaklase.
"Bakit naman daw?"
Tanong ni Jasben kay Melanie habang nakatingin ito sa dalaga. Nagkibit balikat ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaklase. Nagdikit ang kilay ng tatlong magkakaibigan habang nakatingin pa rin ito sa dalaga, at ilang saglit pa ay biglang naki upo sakanilang lamesang kinauupuan ang kaklase nilang lalaki na si Albin Pelayo. Nagulantang ang apat na magkakaklase nang malaman kung sino ang lalaking naupo sa lamesang kanilang kinauupuan.
"Akala ko ba nag cutting kayo?"
Tanong ni Angela kay Albin nang magka tama na ang tingin nilang dalawa. Ngumiti lamang ang kaklase at saka hinipan ang mga mata ng apat na kaklase. Napapikit ang apat na dalaga at nang unti-unti na silang dumi dilat ay unti-unti nang nagbabago ang mukha ni Albin at noong tuluyan na silang maka dilat ng maayos ay nasilayan na nila si Jay habang nakangiti ito sakanila at nakasuot ng uniporme nilang pang eskwela.
"J-Jay?! P-pano--!?"
Gulat na tanong ni Angela kay Jay habang pinanlalakihan na nito ng mata ang binata ngunit hindi niya natapos ang kaniya sanang itatanong sa binata sapagkat mabilis nitong tinakpan ang bibig nito. Tinignan na rin nila Jasben at Ceejay ang binata gamit ang kanilang mga nanlalaking mga mata, habang si Melanie nama'y sinamaan ng tingin ang binata.
"Shh! Wag kayong maingay. 'Albin' pa rin itawag niyo sakin para walang magtaka na kaklase niyo."
Sabi ni Jay sa apat na dalaga sabay tanggal na ng kaniyang kamay mula sa bibig ni Angela. Mabilis na pinunasan ng dalaga ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang panyo habang sinasamaan na ng tingin ang binata.
"Pano mo un nagawa? At saka sa lahat ba naman ng kaklase naming nagka cutting, ba't si Albin pa ung napili mo?"
Tanong ni Ceejay kay Jay habang seryoso na nitong tinitignan ang binata. Iniwas ng binata ang kaniyang tingin sa apat na dalaga, ngumuso habang nag-iisip at saka tinignan na ang dalaga nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.
"Maniniwala ba kayo na merong mga Wizards at Witches sa buong mundo?"
Nakangiting tanong pabalik ni Jay kay Ceejay at sa dalawa pa nitong kaibigan habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa tatlo. Nanlaki naman ang mga mata ni Melanie nang itanong iyon ng binata sakaniyang mga kaklase, kaya't mabilis niyang pinalo ang binata sa braso nito at saka tinignan na ang tatlong kaklase habang nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata.
"Aray! Ano nanaman bang problema mo? Iniwan mo na nga kami ni kuya Josh dun sa ano, e, sasaktan mo pa ako. Tch!"
Reklamo ni Jay kay Melanie habang hinihimas na nito ang kaniyang braso na pinalo ng dalaga at saka sinasamaan na ito ng tingin. Nagtinginan sa isa't isa ang tatlong magkakaibigan at saka seryoso nang tinignan ang binata.
"Hindi."
"Pang fairy tales lang un."
"Sa tingin mo ba mga bata pa rin kami?"
Sagot at tanong ng tatlo kay Jay habang tinitignan pa rin nila ito ng seryoso. Sinamaan na rin ng tingin ni Melanie ang binata sabay turo na nito sakaniyang tatlong kaklase. Mabilis na nilingon at tinignan ng binata ang tatlo nitong kaibigan at napalunok nang masilayan ang kanilang mga tingin sakaniya.
"Ano nang gagawin mo ngayon?"
Mataray na tanong ni Melanie kay Jay sabay sandal na nito sa upuan at saka nag cross arms habang tinitignan pa rin nito ng masama ang binata. Ibinalik muli ng binata ang kaniyang tingin sa dalaga, pinanlisikan ito ng tingin at saka tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo.
"Kunin niyo ung mga bag niyo sa room tapos kitain niyo ako sa likod ng school na 'to."
Seryosong sabi ni Jay sa apat na dalaga habang tinitignan na nito ang bawat isa sakanila. Sinimangutan laman ni Melanie ang binata sabay tayo nito mula sakaniyang pagkakaupo at naglakad na papalayo sakanila. Ang tatlo nama'y nagtinginan muli sa isa't isa, tumango at saka nagsitayuan na rin mula sakaniyang mga kinauupuan at naglakad na papalabas ng kantina.
"The more, the merrier."
Sabi ni Jay sakaniyang sarili at naglakad na rin papalabas ng kantina nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi habang siya'y naka pamulsa.
"Bakit ngayon niyo lamang sinabi saakin na nagtungo ang dalagang iyon sa ilalim ng tulay?!"
Galit na tanong ng isang matandang babae sa lalaking nakayuko na mayroong kulay pulang buhok habang sila'y nakatayo sa salas sa loob ng isang mansiyon. Mas lalu pang yumuko ang lalaking mayroong kulay pulang buhok habang nanginginig na ito.
"P-patawarin mo ho ako, Madam Paulina! S-sapagkat w-wala ho kayo noong araw na nagtungo si Yvonne sa tulay!"
Kinakabahang paliwanag ng lalaking mayroong kulay pulang buhok sa matandang babae na nagngangalang Paulina. Nilapitan ng matandang babae ang lalaki sabay kumpas ng kaniyang kamay pataas, dahilan upang lumutang ang lalaki habang naka tingala na ito at pinagpapawisan dahil sa kaba.
"Bakit pa kita pinagtatiyagaan kung mayroon pa naman akong ibang kasundong angkan?"
Tanong ni Paulina sakaniyang sarili sabay baba na ng kaniyang kamay, dahilan upang bumagsak na ang lalaking mayroong kulay pulang buhok sa sahig habang umuubo na ito. Masamang tinignan ng matandang babae ang lalaki at saka naglakad na ito papalayo rito.
"Ako na lamang ang maghahanap sa dalagitang iyon kasama ang aking angkan. Mas mabuti nang magpaka sigurado kaysa mawala nanamang muli saaking palad ang dalagang tinutukoy ng propesiya."
Sabi ni Paulina sakaniyang sarili habang umaakyat na ito sa hagdan. Ang lalaking mayroong kulay pulang buhok at natigil na sakaniyang pag-ubo at saka tumingin na sa direksyon na kung saan ay nagtungo ang matandang babae.
"Kung hindi dahil saakin ay hindi mo malalaman kung saan nagtungo ang dalagang iyon."
Sabi ng lalaking mayroong kulay pulang buhok habang nakatingin pa rin ito sa direksyon na pinatunguhan ni Paulina. Makalipas ng ilang segundo ay biglang sumulpot si Jay sa pasukan ng salas na kinaroroonan ng lalaki habang nakasuot ng pang eskwelang uniporme, naka pamulsa at mayroong matamis na ngiti sa mga labi nito.
"Tutulungan mo na ba kami ngayon, Dezso?"
Nakangiting tanong ni Jay sa lalaking mayroong kulay pulang buhok na nagngangalang, Dezso habang naglalakad na papalapit sa kinaroroonan nito. Nginitian pabalik ng lalaki ang binata at saka tumayo na mula sa sahig.
"Ano ang maitutulong ko sainyo?"