~Umaga~
"Sigurado kang okay lang sayo na pati ako bibilhan mo ng phone tsaka damit?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang iniikot niya ang kaniyang paningin sa mga tindahan na kanilang dinaraanan ng dalaga.
"Malaki naman ung naiipon ko kaya okay lang yan. At saka babayaran naman tayo nila Lyka kapag nagsimula na tayong magtrabaho dun sa hotel nila."
Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang hawak nito ang kamay ng binata at saka lumiko na kanan.
"San tayo pupunta?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan na nito ang dalaga. Tinignan na ng dalaga ang binata at saka nginitian ito.
"Sa shopping mall."
Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay tingin na sa isang malawak at mataas na gusali na kanilang patutunguhan. Tinignan na rin iyon ng binata at saka nanlaki ang mga mata nito.
"Nakapunta ka na ba rito dati? Ba't parang alam mo na ung mga pasikot-sikot dito?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang malawak at mataas na gusali na kanilang patutunguhan.
"Hmm… ilang beses na rin kami nagpunta rito ni Mama Beatrice simula nung inalis ni Tita Isabelle ung memories mo tungkol saaming dalawa ni Jay."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay lingon nito sa binata, nginitian ito at saka ibinalik muli ang kaniyang tingin sa gusaling kanilang patutunguhan. Inikot na lamang muli ng binata ang kaniyang paningin sa mga tindahang kanilang dinaraanan at nasilayan ang iba't ibang nilalang na namimili ng iba't ibang mga kagamitan.
"Ung bibilhin nating phone ay mumurahin lang, ha. Ayos pa ba ung phone mo na naiwan sa Pinas?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin nang makapasok na sila sa gusaling malawak at mataas habang hawak pa rin nito ang kamay ng binata. Tinignan na ng binata ang dalaga at saka umiling bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga.
"Puno na ung storage pero mapagtatiyagaan ko pa naman."
Dagdag pa ni Jervin sakaniyang sinagot sa tanong sakaniya ni Yvonne habang maamo nitong tinitignan ang dalaga. Tumango ang dalaga bilang tugon sa binata at saka hinila na ito patungo sa tindahan ng mga phone.
"Pumili ka ng maganda, sagot ko na."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti ito at saka patuloy pa ring hinihila ang binata tungo sa tindahan ng mga phone. Nanlaki ang mga mata ng binata nang marinig ang sinabi ng dalaga sakaniya.
"H-ha?!"
"New released units please~"
Sabi ni Yvonne sa tindera roon sa tindahan ng mga phone habang nakangiti ito at hawak pa rin ang kamay ng binata. Tinignan na ng binata ang dalaga gamit ang nanlalaki pa rin niyang mga mata, nang mapansin ng dalaga na nakatingin sakaniya ang binata ay tinignan niya na rin ito at saka nginitian.
"Bakit…?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang pinanlalakihan pa rin niya ng mata ang dalaga. Maamong tinignan lamang ng dalaga ang binata habang nakanguso na ito. Ilang saglit pa ay bumalik nang muli ang tindera na kinausap ng dalaga.
"Here you go."
Sabi ng tindera kila Yvonne at Jervin sabay lapag na ng tatlong kahon na naglalaman ng tatlong klaseng unit ng phone. Tinignan na ng binata at ng dalaga ang mga iyon at saka tinignan na ang isa't isa. Matapos maka pamili at bayaran ito ay dinala naman ng dalaga ang binata sa tindahan ng mga damit habang hawak nanaman ang kamay nito.
"Pumili ka ng kung anong gusto mo at pipili naman ako ng kung anong gusto ko."
Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin sabay bitaw na sa kamay ng binata at nagtungo na sa mga damit na nakakuha agad ng kaniyang atensyon. Naiwang nakatayo ang binata habang tinitignan lamang nito ang dalaga na masayang namimili ng mga damit, makalipas ng ilang saglit ay inikot na niya ang kaniyang paningin sa loob ng tindahan at saka nagtungo na sa mga damit na nakakuha ng kaniyang atensyon. Nang matapos nang mamili ng mga damit ang dalaga ay hinanap na nito ang binata habang bitbit ang mga damit na kaniyang napili.
"Hindi naman halatang mahilig ka sa oversized na statement t-shirt."
Natatawang sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakatayo na ito sa likuran ng dalaga at mayroon na ring bitbit na mga damit. Mabilis na hinarap ng dalaga ang binata at nasilayan na ang mga piniling damit nito ay puro stripe ang disenyo.
"At hindi rin naman halatang mahilig ka sa stripe."
Natatawang sabi naman ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin na ito sa mga damit na dala ng binata. Natawa na lamang din ang binata at saka inikot na ang kaniyang tingin upang hanapin na ang kahera na kung saan ay maaari na nilang bayaran ang kanilang mga napiling damit.
"Wag mo nang subukan na bayaran ako sa future para sa mga damit mo at sa phone. At saka ung pinaabot pala sayong pera ni Anna, kila Tita Isabelle na lang un. Tulong na rin para maka angat-angat sila sa buhay."
Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin habang naglalakad na ito papalayo sa binata at tungo sa kahera. Mabilis na sumunod ang binata sa dalaga nang may halong pagka gulo sakaniyang mukha.
"Ba't ayaw mo akong bayaran kita sa future para sa mga ginastos mo sakin?"
Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin at sinasabayan nitong maglakad ang dalaga. Ngumuso ang dalaga at saka nag-isip, nang matapos na itong mag-isip ay mabilis nitong nilingon ang binata at saka nginitian ito.
"Kasi ako ung nagdala sayo rito, kaya dapat sagot rin kita. At tsaka Magkababata tayo, noh. Hindi ka isang stranger sakin."
Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Nang makarating na sa kahera ay inilapag na ng dalaga ang mga pinili niyang damit at inilapag na rin ng binata ang kaniya.
"Card or cash?"
"Card please~ thank you."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ng kahera habang nakangiti. Pinanlakihan nanaman ng mga mata ni Jervin ang dalaga, kaya't napalingon nanaman ang dalaga sa binata nang mapansin na nakatingin nanaman sakaniya ang binata.
"Bakit?"
Takang tanong ni Yvonne kay Jervin habang maamo na nitong tinitignan ang binata.
"Kelan ka pa nagkaron ng card?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang pinanlalakihan pa rin nito ng mata ang dalaga.
"XXXXX Canadian Dollars."
"H-ha!? S-seryoso ba?!"
"Wag ka nga. Hindi ka naiintindihan nyan."