Chereads / Runaway With Me / Chapter 108 - La Vie En Rose Hotel 2

Chapter 108 - La Vie En Rose Hotel 2

~Gabi~

"Mmm~! Hindi nakakapag taka kung ba't naging 5 star 'tong hotel niyo!"

Sabi ni Yvonne kay Lyka matapos niyang maisubo ang huling natitirang pagkain sakaniyang plato sabay sandal na sa upuan habang nakangiti itong ngumunguya at nakapikit.

"Di mo man lang ako pina tikim nung ice cream nila."

Nakasimangot na sabi ni Jervin kay Yvonne habang naka cross arms na ito at saka nakatingin sa dalaga na nakapikit pa rin.

"Lyka, pwede pa ba mag-order ng dalawa pang ice cream?"

Tanong ni Yvonne kay Lyka habang nakapikit pa rin ito at saka nakangiti. Kumunot ang noo ng binata habang nakasimangot pa rin ito at naka cross arms.

"Dalawa? Gabi na, ah. Kakain ka pa ng isa?"

Gulat na tanong ni Jervin kay Yvonne sabay alis na ng pagkaka cross ng kaniyang mga braso. Mas lalu pang lumaki ang ngiti sa labi ng dalaga at saka tumingin na sa binata.

"Isa lang order mo Lyka."

Sabi ni Jervin kay Lyka habang nakasimangot pa rin ito kay Yvonne at saka sinasamaan na ito ng tingin. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ng dalaga, sinimangutan ang binata at saka sinamaan na rin ito ng tingin.

"Dalawa i-order mo Lyka."

Sabi naman ni Yvonne kay Lyka habang sinasamaan pa rin nito ng tingin si Jervin at nakasimangot pa rin ito. Nang mapansin na hindi kumikilos ang matalik na kaibigan ay tinignan na ng dalaga't binata ang Bampira at nasilayan itong masarap na natutulog sa isa sa dalawang kama na naroroon sa silid na kanilang kinaroroonan.

"Tulog."

Sabi ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Lyka na kumportableng nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. Nagtinginan na sina Jervin at ang dalaga sa isa't isa, dahan-dahang tinignan ang bakanteng kama, tinignan ulit ang isa't isa at saka nag-unahan nang tumayo mula sakanilang kinauupuan at saka nagtungo na sa bakanteng kama. At ang unang nakarating sa bakanteng kama ay ang binata kaya't nag-init ang ulo ng dalaga at saka ikinumpas ang kaniyang kamay tungo sa unan sa likuran ng binata, dahilan upang lumutang ito at saka tumama sa ulo ng binata.

"Aray! H-hoy!"

Sigaw ni Jervin kay Yvonne habang tinuturo na nito ang dalaga at saka pinanlalakihan ito ng mga mata. Dinilaan lamang ng dalaga ang binata at saka naglakad na papalayo sa kama na kinaroroonan nito habang nakapikit.

"Sino ang sumigaw at ginulo ang tulog ko?!"

Galit na tanong ni Lyka kila Yvonne at Jervin nang mapaupo na ito sa kama na kaniyang kinaroroonan. Mabilis na dumilat at napatigil sa paglalakad ang dalaga, samantalang ang binata nama'y agad na kinuha ang unan sakaniyang likuran, nahiga at saka tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang unan na kaniyang hawak.

"Lyka~ Pwede makahiram ng phone? Itetext ko lang si kuya Josh."

Nakangiting sabi ni Yvonne kay Lyka habang nakatingin na ito sa matalik na kaibigan. Mabilis na tinignan ng matalik na kaibigan ang dalaga at saka sinamaan ito ng tingin. Napalunok naman ang dalaga at biglang nanginig.

"Jervin!"

Galit na tawag ni Lyka kay Jervin sabay palit anyo bilang isang paniki upang lumipad tungo sa kinaroroonan ng binata at saka bumalik nang muli sakaniyang anyo at tumayo na sa tabi ng kama na hinihigaan ng binata.

"Lyka!"

"Sorry!"

Paghihingi ng tawad ni Jervin kay Lyka nang umupo na ito sa kama habang nakayuko at hawak pa rin ang unan. Mabilis na nagtungo si Yvonne sa tabi ng matalik na kaibigan at saka tumayo roon. Nang maramdaman ng binata na nasa malapit na ang dalaga'y dahan-dahan nitong iniangat ang kaniyang ulo upang tignan ang dalaga at nasilayan ito na nakahugis kamao na ang kamay nito habang nakatingin sakaniya. Napalunok ang binata at saka dahan-dahan namang tinignan ng binata ang Bampira at nasilayan ito na masama ang tingin sakaniya gamit ang namumula nitong mga mata.

"Yvonne!"

Takot na tawag ni Jervin kay Yvonne sabay iwas nito ng tingin kay Lyka. Mabilis na tinakpan ng dalaga ang mga mata ng matalik na kaibigan at saka pina lakad na ito papalayo sa binata.

"Gusto mong kausapin sila kuya Josh?"

Nakangiting tanong ni Yvonne kay Lyka habang nakatingin kay Jervin at saka sinenyasan ito na umalis. Mabilis na bumangon mula sa kama ang binata at saka tumakbo na patungo sa cr ng silid na iyon upang magtago. Inalis na ng Bampira ang kamay ng dalaga at saka hinarap na ito.

"Bukas, sasamahan kitang bumili ng phone."

Nakasimangot na sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Yvonne habang hinahanap na nito si Jervin at hawak pa rin ang kamay ng dalaga.

"Tumulong ka na lang dito sa hotel niyo bukas. Kaming dalawa na lang ni Jervin ang bibili ng mga phone namin."

Nakangiting sabi ni Yvonne kay Lyka sabay alis na ng pagkakahawak ng matalik na kaibigan sakaniyang kamay at saka hinawakan ang mukha nito upang iharap sakaniya. Napabuntong hininga na lamang ang matalik na kaibigan at saka nginitian ang dalaga.

"Wag kang gagawa ng kung anong kalokohang kasama si Jervin, ha. Kung si Jay lang ung kasama mo, sigurado akong sasawayin ka nun."

Sabi naman ni Lyka kay Yvonne sabay hawak na sa pisngi ng dalaga at saka pinisil ito. Bahagyang bumukas ang pintuan ng cr sa loob ng silid na iyon at saka roon sumilip si Jervin upang tignan na ang nangyayari sa dalawang dalaga.

"May mga damit ba kayo?"

Tanong ni Lyka kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong pinipisil ang pisngi ng dalaga. Umiling ang dalaga bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matalik na kaibigan. Binitawan ng Bampira ang kaliwang pisngi ng dalaga at saka pinitik ang noo nito.

"Aray!"

Reklamo ni Yvonne sabay bitaw na sa mukha ni Lyka at saka himas na sakaniyang noo na pinitik ng matalik na kaibigan. Binitawan na rin ng Bampira ang kaniyang pagkakahawak sa pisngi ng dalaga at saka humawak na sakaniyang beywang upang ipakita sa dalaga ang kaniyang pagka dismaya.

"Lalayas ka tapos walang dalang damit? Pag lalayas ba tawag dun?"

Tanong ni Lyka kay Yvonne sabay lakad na patungo sa pintuan ng silid na kanilang kinaroroonan. Ngumuso lamang ang dalaga habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang kaniyang noo habang si Jervin naman ay dahan-dahan nang lumabas mula sa cr.

"Maligo na kayong dalawa. Magpa padala ako rito ng damit para makapagpalit na rin kayo."

Mabilis na hinarap ni Yvonne si Lyka at saka bumalik muli si Jervin sa loob ng cr nang marinig ang boses ng dalagang Bampira.

"Salamat~! Alabyu~!"