Chereads / Runaway With Me / Chapter 107 - Unity Locale 9

Chapter 107 - Unity Locale 9

Wednesday, 9:36 AM

[9:36 AM] Yvonne Tamayo: Melanie, si Josh ito.

[9:38 AM] Yvonne Tamayo: Sabihan mo si Jay na magkita-kita tayong tatlo sa lugar na palaging pinupuntahan ni Yvonne kapag may gumugulo sa isipan niya.

[9:40 AM] Yvonne Tamayo: May importante akong sasabihin sainyo.

Wednesday, 9:42 AM

[9:42 AM] Melanie: nag text sakin si kuya josh gamit phone no ni tamayo

[9:43 AM] Melanie: may importante raw siyang sasabihin satin

[9:43 AM] Melanie: kita tayo sa mall

[9:45 AM] Melanie: di ko alam kung san ung palaging pinupuntahan ni tamayo pag may gumugulo raw sa isipan niya

[9:46 AM] Melanie: intayin mo ako

"Anong gusto mong sabihin samin, kuya Josh?"

Deretsong tanong ni Jay kay Josh nang makarating na silang dalawa ni Melanie sa talampasan na palaging pinupuntahan nila Yvonne at ni Beatrice sa itaas na bahagi ng malaking pamilihan. Hinarap ni Josh ang binata't dalaga na naglalakad na patungo sa bangkuan na kaniyang kinatatayuan at saka tinignan ang dalawa habang namumula ang kaniyang mga mata.

"Anong nangyari sa mata mo kuya Josh? Ba't namumula at namamaga?"

Nag-aalalang tanong ni Melanie kay Josh sabay upo na nito sa lupa upang tignan nang malapitan ang dwende. Naupo na lamang si Jay sa bangkuan habang nakatingin sa mga ulap.

"Naglayas si Yvonne kagabi… kasama si Jervin."

Mahinang sagot ni Josh sa tanong sakaniya ni Melanie habang umiiyak na nakatingin sa dalaga sakaniyang harapan. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sabay tingin na kay Jay, ngunit wala man lang itong reaksyon sa sinabi ng dwende sakanila.

"Hindi ka ba nag-aalala kung san nagpunta sila Tamayo at Jervin?"

Tanong ni Melanie kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata at nakaupo pa rin sa lupa. Hindi tinignan ng binata ang dalaga, sapagkat ipinagpatuloy lamang nito ang pagtingin sa mga ulap sa kalangitan.

"Ba't ako mag-aalala? May tiwala ako kay Yvonne na alam niya kung ano ang ginagawa niya sa buhay niya."

Nakangiting sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie habang nakatingin pa rin sa mga ulap sa kalangitan. Kumunot ang noo ng dalaga dahil sa sinagot sakaniya ng binata kaya't napatayo na siya mula sakaniyang pagkakaupo sa lupa at saka naglakad patungo sa harapan ng binata upang tignan ito ng masinsinan.

"Anong klase kang kaibigan?! Hahayaan mo lang si Tamayo na magpunta sa kung saan tapos mahanap siya ng mga wizards at witches na naghahanap sakaniya?!"

Galit na tanong ni Melanie kay Jay habang umiiyak na ito sa harapan ng binata. Napabuntong hininga ang binata dahil sa naging reaksyon ni Melanie, kaya't hinawakan niya ang pulso ng dalaga at saka pinaupo ito sakaniyang tabi, habang si Josh nama'y upo na sa hita ng binata at patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak.

"Mahihirapan silang hanapin sila Yvonne at Jervin. Hiningan ko ng pabor ang kaibigang pinuntahan nila Yvonne na panatilihin silang dalawa na ligtas."

Sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie habang nakatingin pa rin ito sa langit at saka binitawan na ang pulso ng dalaga. Mabilis na tinignan ng dalaga at ni Josh ang binata gamit ang kanilang nanlalaking mga mata.

"Alam mo kung nasan sila Yvonne at Jervin?"

Tanong ni Josh kay Jay habang tinitignan pa rin nito ang binata at saka tumigil na sa pag-iyak nito. Ngumiti ang binata habang nakatingin pa rin ito sa kalangitan at saka umiling bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dwende.

"Sino namang kaibigan ung tinutukoy mo?"

Tanong naman ni Melanie kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata. Tinignan na ng binata ang dalaga, nginitian ito at saka ibinalik muli ang kaniyang tingin sa kalangitan.

"Makikilala niyo rin siya sa tamang panahon."

Nakangiting sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Melanie habang nakatingin pa rin ito sa kalangitan. Pinagmasdan lamang ng dalaga ang binata at saka tumayo na mula sa kinauupuan nito.

"San ka pupunta, Melanie?"

Tanong ni Josh kay Melanie nang maglakad na ito papalayo sakanilang dalawa ni Jay. Tumigil sa paglalakad ang dalaga ngunit hindi nito tinignan ang dwende at ang binata.

"Sa lugar na kung saan may taong mag-aalala kung ano na ang kalagayan ni Tamayo tulad ko."

Sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Josh at saka naglakad nang muli ito papalayo sa dalawa.

"Melanie!"

Tawag ni Josh kay Melanie sabay talon na mula sa hita ni Jay para habulin ang dalaga, ngunit bago pa man ito makatalon pababa sa bangkuan ay nagsalita na ang binata.

"Hayaan mo na siya kuya Josh. Kung may tiwala siya kay Yvonne, hindi siya mag-aalala ng ganyan."

Sabi ni Jay kay Josh habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagtingin sa mga ulap habang nakangiti. Tinignan na ng dwende ang binata, nagbuntong hininga at saka hinayaan na lamang lumayo si Melanie sakanila.

"Matagal mo na bang alam na balak lumayas ni Yvonne?"

Tanong ni Josh kay Jay sabay upo na nito sa tabi ng binata at saka tumingin na rin sa kalangitan.

"Parang. Kaso nakakatampo lang kasi hindi ako ung sinama niya. Matagal ko naman na ring alam na may gusto siya kay Jervin kahit nung mga bata pa lang kami, pero hindi naman niya dapat ipamukha sakin ng ganito."

Naka ngusong sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Josh habang nakatingin na ito sa mga tindahan sa ibaba ng talampasang kanilang kinaroroonan ng dwende. Nahiga na lamang ang dwende sa bangkuan at saka nagpatuloy sa pagtingin sa kalangitan.

"Ano bang meron dun sa pasaway na batang un? Ba't parang ang dami nang nagkaka gusto kay Yvonne? E, puro sakit lang sa ulo ung dala nun pagdating sakin."

Kumento ni Josh habang nakabusangot na ito at patuloy pa rin sa pagtingin sa kalangitan. Tinignan na ni Jay si Josh habang magkadikit na ang kilay nito.

"Sino pa ung ibang nagkaka gusto kay Yvonne?"

Tanong ni Jay kay Josh habang nakatingin pa rin ito sa dwende at magkadikit pa rin ang kilay nito. Pumikit ang dwende at saka huminga ng malalim. Hindi nito kaagad sinagot ang tanong sakaniya ng binata, sapagkat…

"Si Lyka ba ung tinutukoy mong kaibigan na hiningan mo ng pabor?"

Tanong ni Josh kay Jay sabay dilat na ng mga mata nito at saka tinignan na ang binata. Ngumiti ang binata at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa kalangitan.

"Ang ganda lang ng langit ngayon, noh, kuya Josh?"