~Umaga~
"P*#@$%#&@ naman nung mga magulang ni Yvonne! Kala mo hindi nila anak si Yvonne kung pano nila itrato, e! Mga g@&*!"
Inis na sigaw ni Hendric nang maalala ang sinabi sakanila ng ina ni Yvonne kagabi noong nagtungo silang apat sa pamamahay ng mga Tamayo.
"Tumigil ka nga sa pagmumura mo! Wala namang magbabago sa sitwasyon ni Yvonne kahit maghapon mo pang murahin mga magulang niya!"
Inis na sigaw naman ni Anna kay Hendric habang tinitignan na ito ng masama. Hindi pinansin nila Liyan at Madam Hongganda ang sigawan ng dalawa sapagkat tinitignan lamang ng matandang dalaga ang kaniyang ireregalo sana kay Yvonne, samantalang ang dalaga nama'y malungkot na pinagmamasdan ang matandang babae sakaniyang harapan.
"Hindi ba kayo hahanapin ng inyong mga magulang, sapagkat hindi kayo na uwi sa inyong mga bahay kagabi?"
Nag-aalalang tanong ni Madam Hongganda sa tatlong tinedyer habang tinitignan niya ang tatlo. Nagtinginan lamang ang tatlo sa isa't isa at saka ibinalik nang muli ang kanilang mga tingin sa matandang babae.
"Sinabihan ko sila papa kahapon na magi-sleep over kami kila Jervin kaso hindi naman natuloy kasi wala si Yvonne."
Sagot ni Hendric sa tanong ni Madam Hongganda habang nakatingin pa rin ito sa matandang babae. Tumango si Anna sa sinabi ng binata habang nakatingin pa rin ito sa matandang babae bilang pag sang-ayon nito.
"Alam mo naman Madam Hong na wala na akong pamilyang uuwian, e. Pinalayas na nila ako dahil lang sa babae ang gusto ko."
Sagot naman ni Liyan sa tanong ni Madam Hongganda nang mayroong maliit na ngiti sakaniyang mga labi at saka iniwasan ng tingin ang kaniyang tatlong kasama. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae dahil sa sinabi ng dalaga. Makalipas ng ilang saglit na katahimikang ay biglang nagsi litawan ang apat na dwende sa gitna ng tindahan ng dalaga na kinaroroonan ng apat.
Bahagyang nagulantang ang apat nang makita si Justin na nakaupo sa lapag habang umiiyak, si Vester na nakaluhod sa tabi ng nakababatang dwende habang umiiyak, si Paolo na nakatalikod sa dalawang dwende na nakaupo at nakaluhod habang umiiyak, at si Felip na nakahawak sa pulso ng gitnang dwende habang nakayuko at umiiyak din.
"Ayoko na sa birthday niyong dalawa ni Yvonne, Pao!"
Sigaw ni Felip kay Paolo habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak nang nakayuko at hawak pa rin ang pulso ng gitnang dwende. Mabilis na binitawan ni Madam Hongganda ang kaniyang regalo para kay Yvonne at saka nilapitan ang mga dwende nang may pag-aalala sakaniyang mukha.
"Anong nangyari sainyo mga hijo? Bakit kayo nag-iiyakan dyan? At saka nasaan si Josh? Bakit hindi niyo siya kasama?"
Sunod-sunod na tanong ni Madam Hongganda sa apat na dwende habang nakaupo na ito malapit sa apat na dwende. Inabangan lamang ng tatlong tinedyer ang isasagot ng apat na dwende sa tanong sakanila ng matandang babae.
"Dali na, Jah… tumayo na tayo."
Sabi ni Vester kay Justin nang akma na itong tatayo mula sakaniyang puwesto habang nakahawak na ito sa balikat ng nakababatang dwende. Mabilis na nilingon at tinignan ng nakababatang dwende ang nakatatandang dwende habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak.
"Bakit si Jervin pa ang gusto niyang kasama sa paglayas niya? Ba't hindi na lang ako? Bakit kailangan pa niya tayong iwan?"
Sunod-sunod na tanong ni Justin kay Vester habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Nanlaki ang mga mata ng apat dahil sakanilang narinig mula sa nakababatang dwende kaya't lumapit na rin ang tatlo sa apat na dwende.
"Naglayas si Yvonne? Kasama si Jervien?"
Gulat na tanong ni Anna sa apat na dwende habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang mga ito.
"Ba't ngayon lang siya naglayas kung kaya naman pala niyang iwan ung angkan niya tulad ni Liyan? Tsaka bakit hindi niya kami sinabihan?"
Sunod-sunod na tanong naman ni Hendric sa apat na dwende.
"Saan sila nagpunta ni Jervin?"
Nag-aalalang tanong naman ni Liyan sa apat na dwende habang nakatingin pa rin ito sa apat na dwende. Yumuko sina Felip at Justin, samantalang sina Vester at Paolo nama'y tinignan ang apat na nakapalibot sakanila habang patuloy pa rin sakanilang pag-iyak.
"Pinuntahan ni Josh si Jay para ipaalam sakaniya na naglayas sila Yvonne at Jervin kagabi."
Sagot ni Vester sa tanong ni Madam Hongganda sakanila kanina habang nakatingin na ito sa matandang babae.
"Hindi niya kayo sinabihan kasi alam niya na papadalhan niyo siya sa bahay ninyo at madali lang siya mahahanap ng mama niya. Kaya't mas pinili niya na lang na manahimik hanggang sa maka layas na siya. Hindi namin alam kung san sila nagpunta ni Jervin pero sigurado ako na sasabihan niya rin samin un."
Sagot naman ni Paolo sa tanong nila Hendric at Liyan sakanilang apat habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa binata at sa dalaga.
"Kaya siguro iniwan ni Yvonne ung phone niya para makapag communicate satin kung nasan man siya."
Sabi ni Vester kay Paolo habang nakatingin na ito sa gitnang dwende.
"Nasan na ung phone ni Ibon?"
Tanong ni Anna kila Vester at Paolo na tumigil na sakanilang pag-iyak. Nagtinginan ang dalawang dwende at saka tinignan na ang dalaga.
"Nakay Josh."
Sagot ni Paolo sa tanong ni Anna sakanilang dalawa ni Vester habang tinitignan pa rin nito ang dalaga. Nagdikit ang mga kilay ng apat habang patuloy pa rin nilang tinitignan ang mga dwende sakanilang mga harapan.
���Nasa kwarto ni Yvonne?"
Tanong ni Hendric kay Paolo habang tinitignan pa rin nito ang dwende at magkadikit pa rin ang kilay nito. Umiling ang dwende bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at saka tinignan na si Vester.
"Nasa bulsa ni Josh. Pinaliit ni Kimberly Poblete ung phone ni Yvonne para magamit namin ng maayos kung sakaling doon siya tumawag."
Sagot ni Vester sa tanong ni Hendric kay Paolo habang nakatingin na ito sa binata. Nanlaki ang mga mata ni Madam Hongganda nang marinig ang pangalan ni Kimberly mula sa bibig ng dwende.
"Nagtungo si Kimberly sa pamamahay ng mga Tamayo? Ngunit paano siya naka pasok roon?"
Gulat na tanong ni Madam Hongganda kay Vester habang tinitignan na nito ang dwende. Mabilis na hinarap at saka tinignan ng dwende ang matandang babae at saka nilapitan ito.
"Pinapa sabi po pala niya na wala ka pong dapat na ipag-alala dahil ang balak niya lang pong saktan ay ang mga tinuring niyang kaibigan na hinayaan lang siyang masaktan noon."
"Kim…"