~Umaga~
"Wala akong narinig kanina."
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang sinusundan na nilang dalawa si Lyka patungo sa silid na kanilang pananatilihan. Naka ngusong tinignan ng dalaga ang binata at saka iniwas kaagad ang kaniyang tingin sa binata.
"Pansinin mo na siya Yvonne~ Wala namang ginawang masama ung tao, e~"
Pangungumbinsi ni Lyka kay Yvonne habang naglalakad na ito ng patalikod at nakatingin na sa dalaga at kay Jervin nang mayroong ngiti sakaniyang labi. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang kaibigan kaya't mabilis nitong tinalikuran ang dalawa at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
"Sige nga! Pano ko siya papansinin at haharapin kung hiyang-hiya na ako?! Kasi naman, e! Alam mo namang kapag may gusto akong lalaki tapos napahiya ako sa harapan nun hindi ko na siya papansinin!"
Pagrereklamo ni Yvonne kay Lyka habang binibilisan na nito ang kaniyang paglalakad upang hindi sila magka sabay ni Jervin. Bahagyang nagulat ang binata nang mapansin na mas nauna na keysa sakaniya na maglakad ang dalaga at napabuntong hininga na lamang ito habang tinitignan ang dalaga.
"Malay ko ba na siya pala isasama mo rito! Akala ko si Jay, e!"
Pagde depensa naman ni Lyka kay Yvonne sabay tingin na sa dalaga na kasabay na niyang maglakad. Napataas ang dalawang kilay ni Jervin nang marinig ang pangalan ni Jay mula sa Bampira.
"Kilala mo si Jay?"
Gulat na tanong ni Jervin kay Lyka sabay habol na nito sa dalawang dalaga at saka tumabi na sa Bampira. Mabilis naman itong tinignan ng Bampira at saka tumango bilang tugon nito rito.
"Mm… ex siya ni Yvonne at kababata mo."
Deretsong sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Jervin habang inosente nitong tinitignan ang binata sakaniyang kanan. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga dahil sa sinabi ng kaniyang matalik na kaibigan sa binata.
"Ay! Oo nga pala, Yvonne. Kung balak mong magtrabaho dito, palipasin mo muna ung dalaw mo para iwas tama sa ibang Bampira. Jervin, bantayan mo 'tong best friend ko, ha~ mahal na mahal ko 'to. Tsaka na kayo magtrabaho pareho pag tapos na ung dalaw mo."
Sabi ni Lyka kila Jervin at Yvonne sabay tingin at turo sa dalaga gamit ang kanyang hintuturo. Tumaas muli ang dalawang kilay ng binata dahil sa sinabi ng Bampira at saka pinanlakihan ito ng kaniyang mga mata.
"Pano mo nalaman na may dalaw si Yvonne?"
Takang tanong ni Jervin kay Lyka sabay turo na rin kay Yvonne gamit ang kaniyang hintuturo habang nakatingin pa rin sa Bampira. Mabilis na nilingon ng Bampira ang binata, tinignan ito at saka ibinalik muli ang kaniyang tingin sa dalaga sakaniyang kaliwa.
"Seryoso ba 'to?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Lyka kay Yvonne sabay turo naman nito kay Jervin gamit ang kaniyang hintuturo. Natawa ng bahagya ang dalaga at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matalik na kaibigan. Nagpakawala ng mababaw na hininga ang Bampira at saka tinignan nang muli ang binata.
"Malakas ang pang-amoy ng mga Bampira pagdating sa dugo, kaya alam ko na may dalaw ngayon si Yvonne."
Sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Jervin kanina sabay baba na ng kaniyang kamay at saka lumayo na ng kaunti sa binata. Takang tinignan ni Yvonne ang matalik na kaibigan nang itulak ito ng bahagya papalayo sa binata.
"Ginagawa mo?"
Takang tanong ni Yvonne kay Lyka habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa nito. Hindi pinansin ng Bampira ang dalaga at patuloy lamang ito sa pagtingin kay Jervin.
"Anong problema? Wala naman akong dalang bawang, ah."
Sabi ni Jervin kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira sakaniyang kaliwa. Dahil sa inis ng Bampira ay pinakita niya ang kaniyang pangil sa binata at saka tinignan ito habang namumula ang kaniyang mga mata. Tumayo ang balahibo ng binata nang makita ang itsura ng Bampira at saka napatigil ito sakaniyang paglalakad, habang patuloy pa ring tinatakot ng Bampira ang binata ay bigla namang pinalo ni Yvonne ang braso ng matalik na kaibigan upang patigilin ito sa pananakit nito sa binata.
"Kung hindi ka lang Bampira, siguro napag kamalan na kita na may dalaw ka rin dahil sa bilis mong magpalit ng mood."
Kumento ni Yvonne kay Lyka nang maamo na nitong tinignan ang dalaga at saka nginitian na ito ng pagkatamis-tamis. Tinignan na ng dalaga si Jervin at nasilayan ito na tinitignan pa rin nito ang matalik na kaibigan habang hinahabol ang kaniyang hininga dahil sa takot na naramdaman.
"Wag mo na takutin pa ulit si Jervin. Isang dekada yan namuhay bilang isang Ordinary."
Sabi ni Yvonne kay Lyka sabay hawak nito sa braso ng matalik na kaibigan habang nakatingin na ito rito. Napabusangot na lamang ang matalik na kaibigan habang nakatingin sa dalaga at saka tumango bilang tugon nito sa dalaga. Nginitian na ng dalaga ang matalik na kaibigan at saka tinignan na si Jervin na sumusunod na sakanila nang mayroong distansya.
"Wag ka na matakot dyan~ Hindi ka na tatakutin ni Lyka."
Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata at hawak pa rin nito ang braso ni Lyka. Nagdadalawang-isip na lumapit ang binata sa dalawang dalaga at noong nilingon siyang muli ng Bampira ay tumigil silang dalawa ng dalaga sakaniyang paglalakad at saka sinamaan siya nito ng tingin, dahilan upang tumigil muli ito sakaniyang paglalakad.
"Lyka naman, e! May atraso ka pa sakin! Wag mo na dagdagan pa."
Sabi ni Yvonne kay Lyka sabay marahang nitong hinila ang braso ng matalik na kaibigan upang ialis na nito ang kaniyang tingin sa binata. Bumusangot nanaman ang Bampira at saka nagpatuloy nang muli sakanilang paglalakad. Tinignan muli ng dalaga si Jervin at saka sinenyasan ito na pumunta sakaniyang tabi, mabilis naman nitong sinunod ang dalaga at tumakbo na ito patungo sa tabi ng dalaga at pilit na iniiwas ang kaniyang tingin sa Bampira.
"Bakit kasi siya pa ung sinama mo? Pwede namang si Jay! Alam mo namang mas magka sundo kami nun, e!"
Pagrereklamo ni Lyka kay Yvonne habang nagpapa-cute na ito sa dalaga at saka hinawakan na ang kamay nito na nakahawak sakaniyang braso. Sinimangutan na rin ng dalaga ang matalik na kaibigan at saka nagsimula na ring magpa-cute rito.
"Ha… oo na~ Di ko na siya tatakutin. Ayan na ung room niyong dalawa."
Nakasimangot na sabi ni Lyka kila Yvonne at Jervin sabay turo na sa pintuan na mayroong nakalagay na numerong '406' roon. Nanlaki ang mga mata ng binata nang mapagtanto na iisang silid lamang ang ipapagamit sakanilang dalawa ng dalaga at saka tinignan ang Bampira.
"Maraming maraming maraming salamat, Lyka~! The best best friend ka~! I love you~!"