~Hapon~
"Ano bang magandang iregalo kay Bunso?! Ang hirap namang pumili!"
Reklamo ni Hendric habang naglalakad silang tatlo nila Anna at Liyan sa loob ng isang department store.
"Hindi lang si Ibon ung bibigyan natin ng regalo! Si kuya Pao rin!"
Pagpapa alala ni Anna kay Hendric habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad sa loob ng department store.
"Ba't sumama ka pa? Akala ko ba pinaabot mo na kay Jervin kanina ung regalo mo kay Bunso?"
Takang tanong ni Hendric kay Anna habang pinanlilisikan na nito ng tingin ang dalaga. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang binata at saka pinalo ang braso nito ng malakas.
"Aray!"
Sigaw ni Hendric habang hinihimas na niya ang kaniyang braso na pinalo ni Anna. Pinanlisikan ng tingin ni Liyan ang dalawang kaibigan at saka ibinaling na lamang ang kaniyang atensyon kay Madam Hongganda.
"Anong bibilhin mong regalo para kila Yvonne at kuya Pao, Madam Hong?"
Nakangiting tanong ni Liyan kay Madam Hongganda habang nakatingin at sinasabayan na nitong maglakad ang matandang babae. Ngumiti ang matandang babae at saka nilibot ang kaniyang paningin sakanilang paligid.
"Alam mo ba kung saan naroroon ang tindahan ng mga telepono, Liyan hija?"
Nakangiting tanong pabalik ni Madam Hongganda kay Liyan habang nililibot pa rin nito ang kaniyang paningin sakanilang paligid.
"Nasa labas ng department store."
Sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang hinahanap na nito ang tindahan ng mga telepono mula sa loob ng department store na kanilang kinaroroonan.
"Anna, Hendric. Samahan ko lang si Madam Hong sa labas ng department store, ha."
Pagpapaalam ni Liyan kila Anna at Hendric habang nakatingin na ito sa dalawang kaibigan na nag-aaway na.
"Dito lang kami ni Dric sa department store."
Tugon ni Anna kay Liyan habang nakatingin at nakangiti na ito kila Madam Hongganda at sa kaibigan. Sinamaan kaagad ng tingin ni Hendric ang dalaga at saka maamo nang tinignan ang matandang babae at ang kaibigan.
"Pero shempre hindi rin kami magtatagal dito, kaya hanapin niyo na lang kami sa mga kainan sa loob ng mall."
Pagko kontra ni Hendric sa sinabi ni Anna kila Liyan at Madam Hongganda habang nakangiti na ito sa dalawa. Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang binata, pinanlisikan ito ng tingin at saka pinalo nanaman ang braso nito.
"Aray! Ano nanaman bang problema mo?!"
Inis na tanong ni Hendric kay Anna habang nakatingin na ito ng masama sa dalaga at saka hinihimas nanaman nito ang kaniyang braso na napalo nanaman. Natawa na lamang si Madam Hongganda habang pinapanuod ang dalawang magkaibigan na mag-away, samantalang si Liyan nama'y tinakpan na lamang ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad at saka umiling.
"Tara na Madam Hong. Samahan na kita dun sa tindahan ng phone."
Sabi ni Liyan kay Madam Hongganda sabay hawak na nito sa kamay ng matandang babae at saka dahan-dahan itong hinila papalayo kila Anna at Hendric.
"Magiging maayos lang ba ang lahat kapag iniwan natin sina Anna at Hendric sa ganuong sitwasyon?"
Nag-aalalang tanong ni Madam Hongganda kay Liyan habang sinusundan nito ang dalaga at nakatingin pa rin kila Anna at Hendric.
"Magiging maayos lang ung dalawang un, Madam Hong. Lagi namang nag-aaway ung dalawang un, pero lagi rin namang nagkaka bati."
Sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang malumanay pa rin nitong hinahatak ang matandang babae patungo sa isa sa mga tindahan ng telepono.
"Mayroon bang tinitindang telepono na touchscreen ba iyon at natutupi sa gitna?"
Takang tanong ni Madam Hongganda kay Liyan habang tinitignan na nito ang tindahan ng mga telepono na kanilang patutunguhan ng kasamang dalaga.
"Ahh… ung tinutukoy mo ba ay ung isa sa mga bagong release na Sungsam Universe Y Flip?"
Tanong ni Liyan pabalik kay Madam Hongganda nang hindi ito tinitignan at saka pumasok na sila sa loob ng tindahan ng mga telepono. Nagdikit ang kilay ng matandang babae at saka takang tinignan ang dalaga.
"Meron ba kayong Sungsam Universe Y Flip?"
Nakangiting tanong ni Liyan sa tindera roon habang nakatayo na si Madam Hongganda sakaniyang tabi.
"Teka lang, tignan ko."
Sagot ng tindera sa tanong sakaniya ni Liyan sabay lakad na papalayo sakanilang dalawa ni Madam Hongganda.
"Sigurado ka bang iyon ang tawag sa teleponong tinukoy ko saiyo kani-kanina lamang?"
Hindi mapakaling tanong ni Madam Hongganda kay Liyan habang nililibot nang muli nito ang kaniyang paningin sa loob ng tindahan ng mga telepono.
"Sinabi rin sakin un ni Yvonne, e. Ung phone na gusto niya."
Nakangiting sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang nakatingin ito sa tindera ng tindahang kanilang kinaroroonan. Tinignan na ng matandang babae ang kasamang dalaga at nasilayan itong nakangiti habang nakatingin sa tindera, kaya't napangiti na rin ito at saka siniko ito ng mahina.
"H-huh? A-ano un, Madam Hong?"
Gulat na tanong ni Liyan kay Madam Hongganda sabay tingin na nito sa matandang babae na kaniyang kasama habang namumula na ang pisngi nito. Natawa ng bahagya ang matandang babae sa naging reaksyon sakaniya ng dalaga at saka nilapit nito ang kaniyang mukha sa tainga ng dalaga.
"Baka matunaw ang dalagang iyong tinititigan."
Bulong ni Madam Hongganda kay Liyan habang nakangiti ito at saka tumindig nang muli ng maayos sa tabi ng dalaga. Dahil sa ibinulong sakaniya ng matandang babae ay mas lalu pang namula ang kaniyang mga pisngi at saka umiwas na ng tingin.
"Eto na ung model na hinahanap niyo. Sungsam Universe Y Flip."
Nakangiting sabi ng tindera kila Liyan at Madam Hongganda sabay maingat nitong nilapag ang lalagyanan ng teleponong kanilang hanap, bukas na ng lalagyanan nito at saka inilabas na ang telepono. Nahihiyang tinignan ng dalaga ang teleponong inilabas ng tindera at saka namangha ito nang masilayan na ng maayos ang telepono.
"Woah~! Hindi na ako magtataka pa kung ba't gusto ni Yvonne ang phone na 'to!"
Manghang sabi ni Liyan habang nakatingin pa rin sa teleponong hawak ng tindera. Nakangiting iniabot ng tindera ang teleponong kaniyang hawak sa dalaga at sabik naman itong kinuha ng dalaga.
"Bibilhin mo talaga 'to para kay Yvonne, Madam Hong?"
Tanong ni Liyan kay Madam Hongganda habang inoobserbahan nito ng mabuti ang touch screen na telepono na maaaring matupi sa gitna nito. Ngumiti ang matandang babae sa dalagang kaniyang kasama at saka tinignan na ang tindera sakanilang harapan.
"Magkano ang teleponong iyon?"
Nakangiting tanong ni Madam Hongganda sa tindera habang kinukuha na nito ang kaniyang wallet sa bulsa ng kaniyang kulay kayumangging gown.
"XXXXXX pesos."
"Ang mahal?!"
"Pabili kami ng isa. Iyong kulay lila, hija."
"Seryoso ba, Madam Hong?!"