~Gabi~
"Ugh… anong oras na?"
Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang dahan-dahan na itong umupo sa sahig.
"Aray!"
Sigaw ni Yvonne nang maramdaman niya ang sakit galing sakaniyang ulo, kaya't hinawakan niya ito at saka nasilayan ang kaniyang kamay na mayroong dugo.
"Oh, sh#*."
Sabi ni Yvonne sabay tingin na sakaniyang katawan na maraming pasa at sugat. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at akma nang tatayo nang biglang tumunog ang pintuan ng silid na kaniyang kinaroroonan kaya't hindi na ito gumalaw pa at inabangan ang taong nagbukas ng pintuan.
"Yvonne."
Mahinang tawag ng babae na naglalakad na pababa ng hagdan upang puntahan na si Yvonne.
"Tita?"
Hindi siguradong tawag ni Yvonne sa babaeng tumawag sakaniya kaya't naisipan na nitong tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo upang salubungin ang babae.
"Yvonne?"
Hindi makapaniwalang tawag ng Tita ni Yvonne sakaniya nang masilayan ang dalaga na maraming pasa at sugat sa katawan nito. Mabilis na nilapitan ng Tita ang dalaga at saka inobserbahan ito ng mabuti.
"Anong nangyari sayo? Ba't ang dami mong sugat at pasa sa katawan? Ginawa ba 'to ng nanay mo?"
Nag-aalalang tanong ng Tita ni Yvonne sakaniya habang patuloy pa rin nitong inoobserbahan ang katawan ng dalaga.
"Nilaglag po niya ako sa hagdan kanina tapos kakagising ko lang din po."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ng kaniyang Tita habang nakatingin rito. Tumigil na ang Tita ng dalaga na tignan ang katawan nito at saka nag-aalala na nitong tinignan ang mga mata ng dalaga.
"Halika na. May isang oras ka pa para makapag paalam kila Josh."
Sabi ng Tita ni Yvonne sakaniya sabay hawak na nito sa pulso ng dalaga at saka hinila na ito paakyat ng hagdan. Pinanlakihan ng mga mata ng dalaga ang kaniyang Tita habang patuloy pa rin ito sa pag sunod rito. Nang maabot na nila ang pintuan ay binuksan na ito ng Tita ng dalaga at imbis na ang makita nila sa kabilang parte ng pintuan ay ang pasilyo ng kanilang tahanan ay ang kwarto ng dalaga ang naroroon sa kabilang parte.
"P-pano… d-diba…"
Gulat na sabi ni Yvonne sakaniyang Tita habang nakatingin na ito sakaniyang kwarto gamit ang kaniyang nanlalaki pa ring mga mata. Nang makapasok na silang dalawa ng kaniyang Tita sakaniyang kwarto ay napaupo kaagad ito sa lapag habang ang kaniyang Tita nama'y mabilis na isinara ang pintuan.
"Halika, gamutin muna natin yang mga sugat mo at pasa."
Sabi ng Tita ni Yvonne sakaniya sabay lakad na papalapit sa dalaga at saka tinulungan itong makatayong muli upang makapag lakad patungo sa kama nito. Nang makaupo na silang dalawa sa kama ng dalaga'y nagsi litawan na sila Josh, Justin, Felip, Paolo at Vester sa bintana ng kwarto ng dalaga.
"Yvonne!"
Sabay-sabay na tawag ng limang dwende kay Yvonne habang mabilis nang nagsi takbuhan papalapit sa dalaga at sa Tita nito na ginagamot ito. Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang mga dwende at saka tinignan ang mga ito hanggang sa mayroon nang tumulong luha sakaniyang mata.
"Yvonne!"
Sabay-sabay na tawag muli ng mga dwende kay Yvonne habang nanginginig na ang boses ng mga ito at umiiyak na tumatakbo papalapit sa dalaga at sa Tita nito. Tuluyan nang umiyak ang dalaga habang nakatingin pa rin sa mga dwende habang patuloy pa rin ang kaniyang Tita sa panggagamot sakaniya. Nang makarating na ang limang dwende sa tabi ng dalaga ay hinawakan kaagad nila ang kamay ng dalaga habang nag-aalala itong tinignan at patuloy pa rin sakanilang pag-iyak.
"Anong nangyari sayo, Yvonne?"
"Ba't bigla ka na lang nawala nung agahan?"
"Ano nanamang kasamaan ang ginawa sayo ng nanay mo?"
"Ba't marami kang pasa, Yvonne?"
Sunod-sunod na tanong nila Justin, Paolo, Vester at Josh kay Yvonne habang nakahawak pa rin sila sa kamay ng dalaga at umiiyak pa rin. Hindi sinagot ng dalaga ang mga tanong sakaniya ng apat na dwende dahil patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Habang nakatingin ang apat na dwende sa mukha ng dalaga at ang Tita naman nito'y abala sa paggagamot ng mga sugat at pasa ng dalaga ay mayroong napansin si Felip na tumutulo mula sa likuran ng dalaga, kaya't naisipan nitong tignan ito ng mabuti.
"Yvonne… nabagok ka ba kanina?"
Tanong ni Felip kay Yvonne sabay hawak na nito sa dugo na tumulo sa likuran ng dalaga. Mabilis na nilingon ng apat na dwende at ng Tita ng dalaga ang pangalawa sa nakababatang dwende at saka tinignan ito gamit ang kanilang mga nanlalaking mga mata.
"Nabagok ka ba, Yvonne?"
Nag-aalalang tanong ng Tita ni Yvonne sakaniya sabay hawak nito sa mukha ng dalaga at saka iniharap ito sakaniya. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga at hindi nito tinitignan ang kaniyang Tita.
"Sagutin mo ako, Yvonne!"
Sigaw ng Tita ni Yvonne sakaniya habang nag-aalala nitong tinignan ang kaniyang pamangkin at hawak pa rin nito ang mukha nito. Dahan-dahang tumango ang dalaga bilang tugon sa tanong sakaniya ng kaniyang Tita habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Marahang binitawan ng Tita ang mukha ng dalaga at saka ipinagpatuloy na ang panggagamot sa dalaga.
"Sumosobra na talaga yang pamilya mo, Yvonne."
Galit na sabi ni Felip kay Yvonne habang naglalakad na ito patungo sa dulo ng kama ng dalaga upang makababa na ito roon at makapag lakad na patungo sa pintuan ng kwarto ng dalaga, ngunit bago pa man ito makatalon pababa ay mabilis na pinigilan ng apat na dwende ang pangalawa sa nakababatang dwende sa pagbaba nito sa kama ng dalaga.
"Bitawan niyo ako! Kailangan na nilang maturuan ng leksyon! Bitawan niyo sabi ako!"
Sigaw ni Felip sa apat na dwende na pumipigil sakaniya habang sinusubukan niyang kumawala sa mga hawak nito.
"Kuya Felip."
Tawag ni Yvonne kay Felip habang nakayuko pa rin ito. Mabilis na tumigil sakaniyang pagwawala ang pangalawa sa nakababatang dwende at saka naluluhang tinignan ang dalaga. Naluluha na ring tinignan ng apat pang dwende ang dalaga habang hinahawakan pa rin ang pangalawa sa nakababatang dwende.
"Kuya Josh… kuya Pao… kuya Vester… Kuya Jah… kayo nang bahala ang magsabi kila Anna, Hendric, Jay, Liyan at Melanie ng pag-alis ko. Mamimiss ko kayong lahat… kahit ayaw ko mang umalis, kailangan… gusto ko pang mabuhay ng mas matagal… pero imposibleng mangyari un kung mananatili pa ako sa pamamahay na 'to. Sana maiintindihan niyo ako… hindi ko kayo maka kalimutan… mahal na mahal ko kayo."
Nakangiting sabi ni Yvonne sa limang dwende habang nakatingin na ito sakanila at patuloy pa rin sa pag-iyak. Naiyak nanamang muli ang limang dwende habang nakatingin pa rin sa dalaga, habang ang Tita naman ng dalaga'y naluha ngunit mabilis naman nitong pinunasan ang kaniyang luha at ipinagpatuloy pa rin ang panggagamot sa mga natitirang sugat ng dalaga.
"Yvonne… hindi ako ang Tita mo."