Chereads / Runaway With Me / Chapter 91 - Dionisio's Mini Grocery 11

Chapter 91 - Dionisio's Mini Grocery 11

~Umaga~

"U-uhm… Jer-Jervin…"

Nauutal na tawag ni Yvonne kay Jervin habang namumula ang mga pisngi nito at nakatingin sa binata. Mabilis na tinignan ng binata ang dalaga habang nakahawak sa balikat nito.

"Ano un?"

Walang kalam-alam na tanong ni Jervin kay Yvonne habang inosente nitong tinitignan ang dalaga at nakahawak pa rin sa balikat nito. Nang magka tama ang tingin ng dalawa ay agad na iniwas ng dalaga ang kaniyang tingin sa binata at saka lumingon sa kanan.

"Ay! Hala! Sorry Yvonne!"

Pag hingi ng tawad ni Jervin kay Yvonne nang mapagtanto nito ang sitwasyon na kanilang kinalalagyan. Mabilis na inalis ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa balikat ng dalaga at saka umatras ng bahagya upang bigyan ng espasyo ang dalaga.

"Bwahahahahahaahahaha!"

Malakas na tawa ni Paolo mula sa bulsa ng damit ni Yvonne habang nakaturo ito kay Jervin. Inis na tinignan ng binata ang dwende habang patuloy pa rin ito sa pagtawa. Mabilis na sinamaan ng tingin ng dalaga ang dwende na patuloy pa rin sa pagtawa sa bulsa ng kaniyang damit kaya't kinuha na niya ang dwende mula sakaniyang bulsa, lumapit sa binata habang nakabusangot, hinablot ang kamay nito at doon inilagay ang dwende na natigil sa pagtawa nito.

"H-hoy! Yvonne!"

Gulat na tawag ni Paolo kay Yvonne habang sinusubukan nitong abutin ang kamay ng dalaga na parang isang bata. Sinamaan muli ng tingin ng dalaga ang dwende kaya't nanigas ito sa palad ni Jervin.

"Bakit…?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang inosente nitong tinitignan ang dalaga. Hindi pinansin ng dalaga ang tanong ng binata sapagkat naglakad na ito patungo sa locker upang kunin na ang kaniyang uniporme pang trabaho at ilagay ang kaniyang bag roon.

"Ikaw na magkwento sakaniya kuya Pao, tutal naumpisahan mo naman na, e."

Masungit na sabi ni Yvonne kay Paolo habang nakatalikod sa dwende at kay Jervin. Takang tinignan ng binata ang dwende na nakaupo sakaniyang kamay at saka hinintay na tumingin sakaniya ito.

"May saltik nanaman ata 'to, e. Nagsusungit nanaman."

Sabi ni Paolo sakaniyang sarili sabay harap na kay Jervin habang nakaupo pa rin ito sa palad ng binata. Nang ibaling na ng dwende ang kaniyang tingin sa binata ay napatigil ito sakaniyang pagkilos at saka pinagmasdan lamang ang binata. Lumipas ang isang minuto ay iniwas na ng dwende ang kaniyang tingin sa binata, nag cross arms at saka muling ibinalik ang tingin sa binata habang nakabusangot.

"Ano tinitingin-tingin mo dyan? Hindi ka pa ba magpapalit?"

Masungit na tanong ni Paolo kay Jervin habang sinasamaan na nito ng tingin ang binata. Pinanlakihan ng mata ng binata ang dwende at saka nagsimula nang maglakad patungo sakaniyang locker.

"Ba't parang napapadalas ung pag buntong hininga ngayon ni Yvonne, kuya Pao?"

Takang tanong ni Jervin kay Paolo habang nakaupo pa rin ang dwende sakaniyang palad at binubuksan na niya ang kaniyang locker. Napabuntong hininga ang dwende at saka nanlupaypay.

"May binabalak kasi siya bukas sa birthday namin at gusto ka niyang kasama sa gagawin niya."

Malungkot na sagot ni Paolo sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakayuko ito. Nagdikit ang kilay ng binata dahil sa sinabi ng dwende sakaniya sapagkat wala itong ideya kung ano ang gustong gawin ng dalaga kasama siya.

"Gusto mo bang sumama sa paglayas niya bukas?"

Malungkot na tanong ni Paolo kay Jervin sabay tingin na sa binata gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Hindi nakapagsalita ang binata dahil sa itinanong sakaniya ng dwende.

"Ano pinag-uusapan niyo dyan? Nakapag bihis na ba si Ibon?"

Sunod-sunod na tanong ni Anna kay Jervin nang bigla itong sumilip sa pintuan ng bodega ng mini grocery ng kaniyang pamilya. Gulat na nilingon ni Paolo at ng binata ang kaibigan at saka pinanlakihan ito ng kanilang mga mata.

"Hinahanap mo ako?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Anna nang makalabas na ito mula sa cr. Ibinaling ng kaibigan ang kaniyang tingin sa dalaga at saka tumango bilang tugon rito.

"Magbihis ka na rin Jervien. Marami ka pang aayusing paninda."

Sabi ni Anna kay Jervin sabay alis na mula sa pintuan ng bodega. Napabusangot na lamang ang binata dahil sa sinabi sakaniya ng kaibigan, naglakad na papalapit sa lamesa at saka roon pinababa si Paolo.

"Kanino ka muna sasama kuya Pao?"

Tanong ni Yvonne kay Paolo nang makatayo na ito sa tabi ni Jervin na nakaharap sa dwende. Nanlaki nanaman ang mga mata ng binata dahil sa itinanong ng dalaga sa dwende at saka mabilis na ibinaling dito ang kaniyang tingin.

"Akala ko ba hindi pwedeng mawalay sayo ung nagbabantay sayo?"

Gulat na tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga gamit ang nanlalaki niyang mga kulay rosas na mata. Maamong tinignan ng dalaga ang binata gamit ang kaniyang asul na mga mata at saka natawa ng bahagya.

"Sino naman nagsabi niyan sayo?"

Natatawang tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin sabay upo na sa lamesa habang nakatingin pa rin sa binata. Sumimangot ang binata sa dalaga at saka nag cross arms sa harapan nito.

"Si kuya Josh."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakasimangot pa rin ito at naka cross arms. Ang ngiti ng dalaga'y mabilis na bumaliktad habang sinasamaan na nito ng tingin ang binata, samantalang si Paolo nama'y nasindak sa inasta ng dalaga kaya't napahawak ito sakaniyang buhok at nag-aalalang tinignan ang binata.

"Kung ako sayo magbihis ka na! Wag mong subukang painitin pa ulo ni Yvonne! Bilisan mo!"

Sigaw ni Paolo kay Jervin habang nakahawak pa rin ito sakaniyang buhok at nakatingin pa rin sa binata. Nakaramdam nang biglaang kaba ang binata nang sigawan siya ng dwende kaya't nataranta ito, mabilis na bumalik sakaniyang locker upang kunin ang kaniyang uniporme at tumakbo papasok sa cr. Nang makapasok na sa loob ng cr ang binata ay nagpakawala na ng malalim na hininga ang dwende, senyales ng pagka ginhawa ng kaniyang loob.

"Sino may sabing hindi pwedeng mawalay sakin ang nagbabantay sakin? Si kuya Josh? Ha! Naniwala ka naman dun! Ba't naman hindi pwedeng mawalay sakin ung nagbabantay sakin?! Argh! Nakakainis! Kahit ano pang sabihin mo iiwan ko sayo ngayon si kuya Pao! Maglilinis na ako! Tse! Nakaka init ka ng dugo!"

Gigil na tanong at sigaw ni Yvonne kay Jervin sabay tayo na nito mula sakaniyang pagkakaupo sa lamesa at saka padabog na naglakad papalabas ng bodega. Makalipas ng ilang segundo ay dahan-dahan nang nagbukas ang pintuan ng cr at saka maingat na sumilip ang binata. Nang hindi na mahagip ng kaniyang paningin ang dalaga ay binuksan na niya ang pintuan at akma na sanang lalabas ng biglang bumalik ang dalaga upang kunin ang walis tambo at dustpan, kaya't mabilis nitong sinarado ang pintuan ng cr at nagtagong muli mula sa dalaga.

"Peter! Piper! Picked! A! Peck! Of! Pickled! Pepper!"

Sabi ni Yvonne nang makuha na niya ang walis tambo at ang dustpan habang padabog muling naglalakad papalabas ng bodega. Nang makalabas na ng bodega ang dalaga'y tuluyan nang lumabas si Jervin mula sa cr at saka nagtungo na kay Paolo na nakaupo sa lamesa at nakatingin sa pintuan ng bodega.

"Anong meron dun ngayon kay Yvonne?"

"Buwan ng dalaw. Magtago ka lang para maka survive ka sakaniya kapag may dalaw siya."

Related Books

Popular novel hashtag