Chereads / Runaway With Me / Chapter 92 - Eskwelahan 16

Chapter 92 - Eskwelahan 16

~Hapon~

"Ba't parang araw-araw na kayo laging pumapasok ng sabay?"

Takang tanong ni Melanie kila Jervin at Yvonne habang papaupo na silang dalawa sa tabi nito sa loob ng kanilang silid aralan. Hindi kaagad sinagot ng dalawa ang tanong sakanila ng kaibigan sapagkat naupo muna sila sa kanilang upuan sa tabi ng kaibigan at saka nagpahinga roon.

"Mag ginagawa kami tuwing umaga, e."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakanila ni Melanie nang hindi ito tinitignan. Mabilis na tinignan ng kaibigan ang dalaga habang nanlaki ang mga mata nito nang marinig ang sinagot nito sakaniya. Napatakip na lamang ng mga mata si Jervin nang marinig din ang sinagot ng dalaga sakanilang kaibigan.

"Kung ano man yang iniisip mo, hindi un. Hindi kami mga sira ulo na sasayangin ang kabataan namin para lang dun."

Pagpapaliwanag ni Jervin sa sinagot ni Yvonne sa tanong sakanila ni Melanie. Nagpakawala ng malalim na hininga ang kaibigan habang nakahawak sakaniyang dibdib tanda na naglaho na ang kaniyang maling pagkaka intindi sa sinabi ng dalaga sakaniya.

"Kala ko pa naman araw-araw niyo ginagawa un."

Sabi ni Melanie kila Yvonne at Jervin sabay kuha na ng kaniyang phone mula sakaniyang bag at saka panay pindot na roon. Umayos bigla ng pagkakaupo ang dalaga at saka sinamaan ng tingin ang kaibigan sakaniyang tabi dahil sa sinabi nito.

"Libog mo naman."

Kumento ni Jervin kay Melanie habang naka sandal pa rin ito sakaniyang upuan sa tabi ni Yvonne at naka takip pa rin ang kaniyang mga mata. Agad na napatigil ang kaibigan sakaniyang ginagawa sakaniyang phone at saka tinignan ng masama ang binata. Pilit na pinigilan ng dalaga na tumawa sa harapan ng kaibigan dahil sa sinabi ng binata rito.

"H-hoy! Kayo kaya dyan ung sumasagot ng tanong nang hindi malinaw!"

Pagde depensa ni Melanie sakaniyang sarili mula sa sinabi ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Hindi na napigilan ng dalaga ang kaniyang sarili kaya't natawa na talaga siya at mabilis naman itong tinignan ng kaibigan.

"Tamayo naman, e!"

Pagsasaway ni Melanie kay Yvonne habang nakatingin pa rin sa dalaga na patuloy pa rin sa pagtawa sakaniya.

"Ang ingay! Magsitahimik nga kayo!"

"Ma'am namiss ka namin!"

"Ma'am ba't ka absent nung Friday?!"

"Pakealam niyo ba kung ba't ako absent nung Friday!"

"Ma'am! Namiss ka namin, Ma'am! Bigyan mo kami plus points!"

"Plus points! Plus points! Plus points!"

"Tse! Magsitahimik kayo! Di porket namiss niyo ako bibigyan ko na agad kayo ng plus points!"

"Ma'am! Unfair!"

"Spell 'unfair'!"

"U-N-P—"

"Wuahahahhaahha! Pano ka nakaabot ng Grade 12 nang hindi mo alam spell ng 'unfair'?!"

"Sige nga! Ikaw mag spell nun!"

"U-N-F-E-R!"

"Isa ka pa, e!"

"Wuahahahhaahha! Mga bobo! U-N-F-A-I-R spell nun! Hahahahahaha!"

"Buti pa si Bueno alam ung spelling ng 'unfair'! Mga nag-aral ba talaga kayo Madrid?! Pelayo?!"

"Ba't bumalik nanaman yang teacher na yan? Mas okay na nga na absent siya, e."

Pagrereklamo ni Melanie sabay sandal sakaniyang upuan at saka tinakpan ang kaniyang mga mata gamit ang kaniyang panyo. Pinanlisikan naman ng tingin ni Yvonne ang kanilang guro at saka nakabusangot na isinuot ang kaniyang earphones ng patago, habang si Jervin nama'y nagpangalumbaba lamang sakaniyang arm chair habang nakapikit ito.

"Gusto mo makinig?"

Nakangiting tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin na sa binata at inaabot na nito ang kabilang earphone. Mabagal na nilingon ng binata ang dalaga habang naka pangalumbaba pa rin ito sakaniyang arm chair at saka nag dadalawang isip itong kunin ang earphone na inalok sakaniya ng dalaga.

"Hindi naman yan KPOP o kung ano pa man na lengguwahe na hindi ko maiintindihan?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Napasimangot na lamang ang dalaga, inilapag ang earphone sa arm chair ng binata at saka pumili ng ibang kanta sakaniyang phone. Natawa ng bahagya ang binata dahil sa ginawa ng dalaga kaya't kinuha na niya ang earphone sakaniyang arm chair at saka inilagay na sakaniyang tainga.

"'Baby I'm Yours' ni Breakbot featuring Irfane?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin nang hindi tinitignan ang binata at patuloy lamang sa pag-swipe sakaniyang phone. Ilang saglit pa ay ngumiti ang binata at saka biglang hinablot ang phone ng dalaga mula rito at saka hinanap ang kantang 'You Shook Me All Night Long' na kinanta ng Australian rock band na AC/DC.

"Ba't meron ka nito?"

Natatawang tanong ni Jervin kay Yvonne habang masaya na itong nakikinig sa kanta. Iniwasan ng dalaga ang tingin ng binata sapagkat namumula ang kaniyang mga pisngi.

"Kung ano man ang dahilan, natutuwa akong nakikinig ka rin neto."

Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne sabay tingin na sa harapan ng kanilang silid-aralan nang mayroon pa ring ngiti sakaniyang mga labi. Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang binata at nasilayan ito na masayang nakikinig sa kanta dahil nakangiti ito, dahilan upang mas lalu pang mamula ang kaniyang mga pisngi kaya't mabilis niyang tinakpan ang kalahati ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang panyo at saka tumingin na rin sa harapan.

"Kelan kaya ulit kami magde-date ni Jay?"

Malungkot na tanong ni Melanie sakaniyang sarili habang tinititigan nito ang kaniyang phone.

"Uhm… anong sunod na gusto mong kanta?"

Nahihiyang tanong ni Yvonne kay Jervin habang tinatakpan pa rin niya ang kalahati ng kaniyang mukha gamit ang kaniyang panyo. Masayang nilingon ng binata ang dalaga at saka ipinakita ang phone ng dalaga sakaniya, nang tinignan ng dalaga ang kaniyang phone ay nakita niya ang kantang 'Another One Bites The Dust' na kinanta naman ng British rock band na Queen.

"Favorite ko ung kantang 'to pagdating sa Queen, e. Ano ung iyo?"

Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin sa dalaga at hawak pa rin ang phone nito. Hindi namalayan ng dalaga na inalis na pala niya ang kaniyang panyo na nagtatakip ng halos kalahati ng kaniyang mukha at saka ngumuso ito habang nag-iisip.

"Ung 'Under Pressure' tsaka 'Bohemian Rhapsody'."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang namumula pa rin ang pisngi nito. Ilang saglit pa ay biglang naglaho ang ngiti ng binata sakaniyang labi nang mapansin na namumula ang pisngi ng dalaga, kaya't mabilis niyang hinarap ito at saka inilapat ang kaniyang kamay sa noo nito upang tignan ang temperature ng dalaga. At dahil doon ay naglaho na rin na parang bula ang ngiti ng dalaga at saka maamong tinignan ang binata na nakaharap sakaniya.

"Wala ka namang lagnat. Ano kaya ang dahilan ng pamumula ng pisngi mo?"

"Kinikilig yan sayo."

"Melanie!"

"Bakit? Hindi ba totoo?"

"Manahimik ka na lang!"

"Hahahaha!"

Related Books

Popular novel hashtag