Chereads / Runaway With Me / Chapter 84 - Anonuevo's Residence 11

Chapter 84 - Anonuevo's Residence 11

~Umaga~

"Sana umepekto ung potion na pinainom ni Liyan kahapon."

Malungkot na sabi ni Yvonne kay Isabelle habang nakatayo silang dalawa sa tabi ng kama ni Jervin. Ilang saglit pa ay biglang hinawakan ng babae ang mga kamay ng dalaga at saka tinignan ito nang mayroong pagaalala sakaniyang mukha.

"Umepekto na ba sayo ung potion na pinainom ni Liyan kagahapon?"

Nag-aalalang tanong ni Isabelle kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at hawak pa rin ang mga kamay nito.

"Uhh… hindi ko po alam."

Nagdadalawang isip na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Isabelle habang nakatingin din ito sa babae. Noong akma na sanang babawiin ng dalaga ang kaniyang mga kamay mula sa babae ay bigla nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ng dalaga nang hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin dito.

"May naaalala ka bang mga masasamang ala-ala patungkol kay Jay? Ung pang gagahasa niya sayo? Ung ganun?"

Sunod-sunod na tanong ni Isabelle kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang mga kamay ng dalaga at nakatingin pa rin ito sakaniya. Hindi na komportable ang dalaga kaya't pinilit niya na bawiin na ang kaniyang kamay mula sa babae at saka hinimas ito upang mabawasan ang sakit na naramdaman nito mula sa pagkakahawak ng babae.

"Si Jay? Gagahasain ako? Naririnig mo ba sarili mo Tita Isabelle? Alam mo namang hindi magagawa sakin un ni Jay diba?"

Sunod-sunod na tanong pabalik ni Yvonne kay Isabelle habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang kaniyang kamay na mahigpit na hinawakan ng babae.

"Oo nga naman. Hindi ko pinalaki ng ganun si Jay."

Natatawang sabi ni Isabelle sakaniyang sarili sabay tingin na kay Jervin na mahimbing na natutulog sakaniyang kama. Takang tinignan ni Yvonne ang babae sakaniyang tabi at saka tinignan na rin ang binata na natutulog pa rin. Ilang saglit pa ay mayroong biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ng binata. Mabilis na napalingon ang dalaga, ang babae at si Josh sa pintuan at saka inantay itong magbukas.

"Ma~ may naghahanap sayo!"

Sabi ni Ian nang pumasok na ito sa kwarto ng kaniyang kuya at saka naglakad na patungo sa kinaroroonan ng kanilang ina.

"Sino raw naghahanap sakin?"

Tanong ni Isabelle kay Ian habang nakangiti ito sa batang lalake sabay dahan-dahan na itong naupo sa kama ni Jervin upang pantayan ang tingin ng bata.

"Sabi ni Papa sabihin ko lang daw na may naghahanap sayo, e."

Sagot ni Ian sa tanong ni Isabelle sakaniya habang nakanguso ito sakaniyang ina. Nginitian lamang ng babae ang kaniyang bunsong anak at saka tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo sa kama ni Jervin at saka hinarap na si Yvonne.

"Bantayan niyo muna si Jervin, ha. Titignan ko lang kung sino ung naghahanap sakin sa baba."

Nakangiting sabi ni Isabelle kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Nginitian lamang pabalik ng dalaga ang babae at saka tumango bilang tugon rito.

"Bakit ayaw ipasabi sayo ng Papa mo kung sino un?"

Tanong ni Isabelle kay Ian habang naglalakad na sila pareho papalabas ng kwarto ni Jervin at hawak ang kamay ng batang lalake. Nagkibit balikat lamang ang bata bilang sagot nito sakaniyang ina at saka nginitian ito. Natawa na lamang ng bahagya ang babae dahil sakaniyang bunsong anak at saka isinara na ang pintuan ng kwarto ng binata.

"Wala na ba si Mama?"

Tanong bigla ni Jervin kay Yvonne habang nakamulat na ang kaniyang kanang mata at saka nakangiti sa dalaga. Mabilis na nilingon at tinignan ng dalaga ang binata at saka tumango ito bilang sagot sa tanong nito habang nakangiti na rin.

"Kanina ka pa ba gising?"

Tanong ni Josh kay Jervin habang nakatayo lamang ito sa lamesa sa tabi ng kama ng binata. Dahan-dahan nang naupo ang binata mula sakaniyang pagkakahiga at saka tumango bilang sagot sa tanong sakaniya ng dwende.

"Wala ka bang sasabihin sakin, Yvonne?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang inosente na itong nakatingin sa dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga at saka umiling bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata. Ngumiti na lamang din ang binata at saka tinapik ang kama nito upang paupuin sakaniyang tabi ang dalaga. Tahimik namang sinunod ng dalaga ang binata at saka naupo na sa tabi nito.

"Wala ka talagang itatanong sakin o kung ano?"

Tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang binata at saka tinignan na itong muli.

"Ano ung lagi kong napapanaginipan dati nung bata pa lang ako?"

Seryosong tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Ngumiti ang binata at saka hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Si Lola Beatrice kasama si Madam Hong pati ang pito pang mga babae tapos nasa Dark Forest sila. Habang nag away-away silang siyam ay nakakita sila ng Lich at saka kinuha ang isa sakanila."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne at saka hinimas ang buhok ng dalaga gamit ang kaniyang isa pang kamay. Hindi namalayan ng dalaga na naluha na pala siya nang marinig ang sagot ng binata sakaniyang tanong, kaya't bigla na nitong niyakap ang binata at saka umiyak na.

"Pasalamat ka pinaliwanag sakin ni Tita Isabelle ang nangyari… dahil kung hindi… naglagay na ako sayo ng curse nung araw na nakita ulit kita."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakayakap pa rin ito sa binata at patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak. Ngumiti ang binata at saka niyakap pabalik ang dalaga habang nakapikit.

"Namiss rin kita."

Tugon ni Jervin kay Yvonne habang nakayakap pa rin ito sa dalaga at nakapikit. Si Josh naman na nakatayo pa rin sa lamesa na katabi ng kama ng binata ay umiiyak na rin ngunit tahimik lamang habang pinapanuod ang dalaga at ang binata.

"Naaalala mo na rin ba si Jay?"

Tanong bigla ni Yvonne kay Jervin nang kumawala na silang pareho mula sakanilang yakap. Takang tinignan ng binata ang dalaga dahil sa itinanong nito sakaniya.

"Oo. Pero hindi ako makapaniwala na kaya ka niyang gahasain. Hindi kami pinalaki ng ganun ni Mama."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga. Tinaasan ng parehong kilay ng dalaga ang binata dahil sa gulat.

"Pati ba naman ikaw? Tinanong din ako ni Tita Isabelle ng ganyan, e."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin ito sa binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Anong sinagot mo?"

"Hindi magagawa sakin un ni Jay."