~Umaga~
"Hindi magagawa un ni Jay."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang seryoso nitong tinitignan ang binata sakaniyang tabi. Napakunot ng noo ang binata dahil sa sinagot ng dalaga sakaniya.
"Diba sabi mo dati—"
Sabi ni Jervin kay Yvonne ngunit hindi na nito natapos ang kaniyang sasabihin sa dalaga sapagkat ay bumukas na ang pintuan ng kaniyang kwarto at saka lumitaw si Isabelle kasama si Jay.
"Pekeng ala-ala ung sinabi sayo dati ni Yvonne."
Sabi ni Isabelle kay Jervin habang naglalakad na ito papasok sa kwarto ng binata. Hindi makapaniwalang tinignan ng binata ang kaniyang ina at si Jay na nasa likuran nito, samantalang si Yvonne nama'y tinignan ang babae at ang kababata habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Jay!"
Masayang tawag ni Yvonne kay Jay sabay takbo na nito papalapit sa kababata at saka niyakap ito. Niyakap din pabalik ng kababata ang dalaga habang nakapikit ito, samantalang si Isabelle nama'y nagpatuloy lamang sakaniyang paglalakad papalapit sa kama ni Jervin at si Josh nama'y nakangiting nakatingin sa dalaga at sa kababata nito.
"Pekeng ala-ala? Pano nangyari un? Posible ba un?"
Sunod-sunod na tanong ni Jervin kay Isabelle habang nakatingin na ito sakaniyang ina nang mayroong bakas ng pagkalito sakaniyang mukha. Tumango ang babae bilang sagot sa tanong sakaniya ng kaniyang anak.
"Si Dalis ang may kagagawan nun kay Yvonne. Ginawa niya un para sakaniyang apo na may gusto kay Jay."
Pagpapaliwanag ni Isabelle kay Jervin patungkol sa nangyari. Patuloy lamang tinignan ng binata ang kaniyang ina habang nakaupo pa rin ito sakaniyang kama.
"Ba't hindi ka sakin nagpakita nitong mga nakaraang buwan? Hindi porket nag break na tayo hindi na natin pwedeng kamustahin ung isa't isa."
Sabi ni Yvonne kay Jay nang kumawala na silang pareho mula sakanilang yakap sa isa't isa. Natawa ng bahagya ang kababata sa sinabi sakaniya ng dalaga at saka hinawakan ang kamay nito habang nakatingin na sa mga mata ng dalaga na kulay asul, epekto ng inumin na pinainom ni Liyan kagahapon.
"Kasi ginagamit ka ni Dalis para makuha niya ang gusto ni Daisy."
Malungkot na sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakahawak pa rin ito sa kamay ng dalaga at nakatingin pa rin sa asul na mga mata nito. Napabuntong hininga ang dalaga dahil sa sinagot sakaniya ng kababata.
"Bakit ba lagi nila akong hinahanap o kaya ginagamit? Hindi naman ako hayop para huntingin. Hindi rin naman ako bagay para gamitin. Bakit ba ganto buhay ko?"
Malungkot na sabi ni Yvonne sakaniyang sarili sabay tanggal na ng kamay ni Jay na nakahawak pa rin sakaniyang kamay, lakad na papalapit sa kama ni Jervin at naupo sa tabi ni Isabelle na nakaupo pa rin sa kama ng binata.
"Meron sigurong dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay na 'to sayo, Yvonne."
Sabi ni Isabelle kay Yvonne sabay himas na nito sa likuran ng dalaga.
"Kung ang ibig mo pong sabihin ay 'may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang mga bagay na 'to sayo'… sorry po pero hindi na po ako naniniwala sa Diyos."
Tugon ni Yvonne kay Isabelle habang nakangiti ito sa babae. Natawa na lamang ng bahagya ang babae dahil sa sinabi sakaniya ng dalaga.
"Hindi ko tinutukoy ang Diyos na tinutukoy mo. Ang tinutukoy ko ay ung universe."
Sabi ni Isabelle kay Yvonne habang nakangiti ito sa dalaga. Natawa ng bahagya ang dalaga dahil sa sinabi ng babae sakaniya at saka nginitian ito pabalik.
"Magiging maayos din ang lahat, Yvonne. Magtiwala ka lang sa tamang oras."
Sabi naman ni Josh kay Yvonne na nakatayo pa rin sa lamesa sa tabi ng kama ni Jervin habang nakatingin na ito sa dalaga. Makalipas ng ilang segundo ay biglang nilingon ng dalaga si Isabelle at saka tinignan ang mga mata nito.
"Binabantayan mo pa rin po ba ako hanggang ngayon Tita Isabelle?"
Tanong ni Yvonne kay Isabelle habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin sa mga mata ng babae. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng babae at napatigil ito sa paghimas sa likuran ng dalaga dahil sa itinanong nito sakaniya.
"Alam mo?"
Gulat na tanong pabalik ni Isabelle kay Yvonne habang nakahawak na ito sa likuran ng dalaga at nakatingin pa rin dito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon sa tanong sakaniya ng babae. Wala nang nagawa ang babae kaya't napabuntong hininga na lamang ito.
"Lagi-lagi ko kayong binabantayan nila Jay at Jervin. Walang araw na hindi ko tinitignan ang kalagayan ng isa sa inyong tatlo."
Sagot ni Isabelle sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakangiti ito ng bahagya sa dalaga. Nang marinig iyon ni Jervin ay nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin ito sakaniyang ina na nakatalikod sakaniya.
"Ba't parang hindi kayo nagulat sa sinabi ni Mama? Ako lang ba ung nakaramdam na creepy un?"
Takang tanong ni Jervin kila Jay at Yvonne habang pabalik-balik ang kaniyang tingin sa dalaga at sa kababata. Dahil sa narinig ni Josh mula sa binata ay nakaramdam ito ng pagkasiphayo kaya't tinakpan na nito ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad at saka umiling. Nagtinginan naman ang dalaga at ang kababata nito at saka tinignan na ang binata na nakaupo pa rin sa kama nito.
"Seryoso ka ba? Ngayon mo lang nalaman na lagi tayong binabantayan ni Tita Isabelle?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Tahimik na tumango ang binata bilang tugon sa tanong sakaniya ng dalaga.
"Ano sa tingin mo ung pinag gagamitan ni Tita Isabelle sa bolang kristal niya?"
Takang tanong ni Jay kay Jervin habang pinanlalakihan na nito ng mata ang binata. Mabilis na tinignan ng binata ang kababata at saka iniwas agad ang kaniyang tingin.
"Salamin. Tsaka panghuhula."
Nahihiyang sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Jay habang nakayuko na ito at saka pinaglalaruan na ang kaniyang kumot. Walang nasabi ang apat sa sinagot ng binata, sapagkat ay nagtinginan lamang sila sa isa't isa at saka nagsitawanan na.
"O-oi! Bakit kayo tumatawa?! Malay ko ba kung para san ung bolang kristal na un! Hindi niyo ba naisip un?!"
Pag didepensa ni Jervin sakaniyang sarili sabay luhod na sakaniyang kama at saka tinuro sina Jay at Yvonne habang palipat-lipat ang tingin nito sa dalawa. Nagtinginang muli ang dalaga at ang kababata at saka mas lalu pang natawa dahil sa binata.
"Marami ka pa talagang kailangang matutunan, Jervin."