~Hapon~
"Sino naman kaya ung bibista ngayon kay Tita Aneska ngayong hapon?"
Takang tanong ni Yvonne kay Vester habang nakatingin ito sa puno na kapareho sa Enchanted Forest.
"Hapon na? Anong oras kaya babalik si Hendric? Kung inabot na tayo ng hapon dito sa tirahan nila Tita Aneska… ibig bang sabihin nun na si Hendric na ung nag deliver nung mga dapat na ideliver ko? Magkakaron pa kaya ako ng sweldo?"
Sunod-sunod na tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang naglalakad ito ng pabalik-pabalik sa harapan nila Yvonne at Vester. Nagtinginan ang dalaga at ang dwende at saka tinignan na ang binata na patuloy pa rin sa paglalakad ng pabalik-balik sakanilang harapan.
"Gusto mo bang sumama sa paglayas ko?"
Tanong bigla ni Yvonne kay Jervin habang inosente itong nakatingin sa binata. Mabilis na nilingon at tinignan ni Vester si Yvonne, samantalang ang binata nama'y napatigil sakaniyang paglalakad, hinarap na ang dalaga at saka tinignan ito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.
"Maglalayas ka?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Ngunit bago pa man maka sagot ang dalaga sa tanong sakaniya ng binata ay nakabalik na si Aneska kasama sina Liyan at Isabelle. Mabilis na nilingon ng binata, ng dalaga at ng dwende ang tatlo sa puno na kapareho ng puno na kanilang pinasukan sa Enchanted Forest.
"Oh? Buti pinayagan ka ng mama mo na pumunta dito, Yvonne."
Sabi ni Liyan kay Yvonne nang magkasalubong ang kanilang tingin. Agad na nilapitan ni Isabelle si Jervin at saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito habang nangingilid na ang kaniyang luha sakaniyang mga mata.
"Kelan mo pa alam na isang Diwata si Tita Aneska?"
Tanong ni Jervin kay Isabelle habang seryoso nitong tinitignan ang kaniyang ina sa naluluhang mga mata nito. Binitawan na ng babae ang pisngi ng binata at saka kinuha mula sakaniyang bulsa ang inumin na kulay rosas at saka ipinakita ito sa binata.
"Inumin mo 'to. Mahahanap mo ang sagot dito."
Sabi ni Isabelle kay Jervin sabay abot na nito ng inumin na kaniyang hawak sa binata. Nagdadalawang isip na kinuha ng binata ang inumin na ibinigay sakaniya ng kaniyang ina at saka tinignan si Liyan na nakatayo na sa tabi ng babae.
"Wag kang mag-alala~ ako gumawa niyan."
Pagmamalaki ni Liyan kay Jervin habang nakangiti pa ito sa binata. Napalunok na lamang ang binata dahil sa kaba nito.
"Magdadalawang isip talaga ako kung ikaw ung gumawa."
Pang-aasar ni Yvonne kay Liyan habang nakatayo na ito sa tabi ni Jervin na kinakabahang inumin ang inumin na kaniyang hawak. Agad na tinignan ng binata ang dalaga sakaniyang tabi na tila ba'y parang naghihintay ito sa pahintulot ng dalaga. Tinignan na rin ng dalaga ang binata at saka nginitian ito.
"Wag kang mag-alala. Binibiro ko lang si Liyan."
Nakangiting sabi ni Yvonne kay Jervin dahilan upang kumalma na ng kaunti ang binata. Mula sa hindi kalayuan ay pinagmamasdan lamang ni Aneska ang apat kasama si Vester na nakatayo pa rin sa kamay ng dalaga.
"Vester."
Tawag ni Aneska kay Vester habang nakatingin pa rin ito sa apat na magka kaharap sa isa't isa. Mabilis namang napalingon ang lima sa Diwata at saka inosente itong tinignan.
"Ano po iyon, Madam Aneska?"
Tanong ni Vester kay Aneska habang nakatayo pa rin ito sa kamay ni Yvonne at nakaharap na sa Diwata. Tumango ng bahagya ang Diwata, senyales na pinapapunta niya ang dwende sakaniya. Kaya't tumalon na ang dwende mula sa kamay ng dalaga at saka tumakbo na patungo sa Diwata.
"Ano? Iinumin mo, iinumin mo?"
Tanong ni Liyan kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata. Natawa ang dalaga sa sinabi ng kaibigan sa binata at akmang aapiran ito. Natawa na rin ang kaibigan at saka inapiran na ang dalaga at ibinalik na nilang dalawa ang kanilang tingin sa binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka ininom na ang inumin na kulay rosas na ibinigay sakaniya ni Isabelle.
"Ba't lasang candy 'to?���
Takang tanong ni Jervin sa tatlo matapos nitong makalahati ang inumin. Agad na nilingon at tinignan ni Isabelle ang kaibigan ng binata nang may halong pag-aalala sakaniyang mukha.
"May iba ka pa bang hinalo sa potion na un?"
Nag-aalalang tanong ni Isabelle kay Liyan habang tinitignan pa rin nito ang kaibigan nila Yvonne at Jervin. Gulat na tinignan ng kaibigan ng dalaga ang babae sakaniyang tabi at saka ibinalik na ang kaniyang tingin sa binata.
"Ano pakiramdam mo?"
Tanong ni Liyan kay Jervin sabay kuha na ng inumin na kulay rosas mula sa binata. Tahimik na pinakiramdaman ng binata ang kaniyang sarili habang nakatingin lamang sakaniya ang tatlo.
"Ba't… ba't parang… inaantok ako?"
Paputol-putol na tanong ni Jervin kay Liyan habang unti-unti nang pumipikit ang kaniyang mga mata. Ilang saglit pa ay kamuntikan nang matumba ang binata dahil sa pagka-antok nito. Mabilis naman itong nasalo ni Yvonne at inaalalayan itong tumayo.
"Ahh… dahil siguro yan sa candy na nakaka antok."
Sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Jervin sabay tago na ng inumin na kulay rosas sakaniyang bulsa. Agad na pinanlakihan ng mga mata ni Isabelle ang kaibigan ng kaniyang anak dahil sa pagka gulat nito.
"Bakit mo nilagyan ng nakaka antok na candy ung potion?"
Takang tanong ni Isabelle kay Liyan sabay biglang hawak nito sa magkabilang balikat ng kaibigan nila Yvonne at Jervin habang pinanlalakihan pa rin ito ng mga mata. Agad na inalis ng kaibigan ang pagkakahawak sakaniya ng babae at saka lumayo ng kaunti mula roon.
"Chill ka lang. Hindi naman mamamatay si Jervin, e."
Sabi ni Liyan kay Isabelle habang tinitignan na nito ng masama ang babae sakaniyang harapan.
"T-tulong… ambigat…"
Sabi ni Yvonne kila Liyan at Isabelle habang inaalalayan na niya si Jervin na naka sandal na sakaniya habang mahimbing nang natutulog. Mabilis na nilapitan ng babae ang kaniyang anak at ang dalaga saka tinulungan itong buhatin ang binata patungo sa isa sa mga kamang dahon ng angkan ni Aneska.
"Pano siya naging mabigat sa payat niyang 'to?"
Takang tanong ni Yvonne kay Isabelle matapos nilang pahigain ang mahimbing na natutulog na binata.
"Ambilis naman umepekto nung candy na un."
Sabi ni Liyan habang nakatayo na ito sa tabi ni Yvonne at nakatingin kay Jervin na mahimbing nang natutulog.
"Bakit ba kasi nilagyan mo ng candy na nakaka antok?!"
Galit na tanong ni Isabelle kay Liyan habang nakatingin na ito sa kaibigan ni Yvonne. Tinignan na ng kaibigan ang babae at saka hinawakan ang kaniyang beywang.
"Alangan namang hayaan kong maramdaman niya ung sobrang pananakit ng kaniyang ulo. Mas okay nang tulog siya, at least kakaunting sakit na lang din ang mararamdaman niya pagka gising niya."