Chereads / Runaway With Me / Chapter 82 - Enchanted Forest 2

Chapter 82 - Enchanted Forest 2

~Hapon~

"Woah~ Ganito pala itsura ng Enchanted Forest."

Manghang sabi ni Liyan nang makarating na sila nila Isabelle at Jay sa Enchanted Forest. Hindi pinansin ng babae ang sinabi ng dalaga sapagkat ay nagpatuloy lamang siya sakaniyang paglalakad patungo sa puno na tinitirhan ni Aneska at ng kaniyang angkan. Tahimik lamang na sumunod ang binata sakaniyang Tita nang hindi nililingon ang dalaga. Nang mapansin na ng dalaga na papalayo na ng papalayo ang babae at ang binata ay tumakbo na ito papalapit sakanila at takang tinignan ang binata na kasabay na niya sakaniyang paglalakad.

"Hindi ka man lang namangha sa lugar na 'to."

Sabi ni Liyan kay Jay habang nakatingin na ito kay Isabelle na nangunguna sa paglalakad. Nagkibit balikat lamang ang binata bilang tugon sa kaibigan habang hindi ito nililingon.

"Wag mong sabihin na nakapunta ka na dito?"

Tanong ni Liyan kay Jay habang nakatingin na ito sa binata. Tinignan na ng binata ang dalaga at saka nginitian ito ng matamis habang naniningkit na ito dahil sakaniyang ngiti. Napa lupaypay at napabuntong hininga na lamang ang dalaga dahil sa naging reaksyon ng binata sakaniya.

"What the f&%$. Ba't hindi ko 'to nakita sa utak mo nung pumasok ako dyan dati?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Liyan kay Jay habang iniikot na nito ang kaniyang tingin sa Enchanted Forest. Umiling ang binata bilang tugon sa dalaga at saka tinignan ito.

"Mga tao lang tinignan mo sa utak ko, noh? Hindi mo pinansin ung paligid?"

Natatawang tanong ni Jay kay Liyan habang nakatingin na ito kay Isabelle na tumigil na sa paglalakad at nakatayo na sa tapat ng isang puno, kaya't napatigil na rin silang dalawa ng dalaga.

"Malamang. Malalaman ko ba ung totoo kung sa paligid lang ako tumitingin?"

Masungit na sagot at tanong ni Liyan kay Jay sabay cross arms na nito at saka iniwasan ng tingin ang binata.

"Madam Aneska? Si Isabelle po ito."

Sabi ni Isabelle sa punong nasakaniyang harapan habang nakatayo na ito ng marikit sa harapan ng puno. Kaagad na nagtaka sina Liyan at Jay dahil sa biglang inasta ng babae sakanilang harapan at saka nagtinginan na silang dalawa sa isa't isa. Ilang saglit pa ay lumitaw na ang Diwatang si Aneska sa harapan ng babae, dahilan upang mas lalu pang namangha ang dalaga sa lugar na iyon.

"Ngayon ka pa lang ba nakapunta dito sa Enchanted Forest?"

Nakangiting tanong ni Jay kay Liyan habang nakatingin ito sa dalaga na manghang pinagmamasdan si Aneska sa harapan ni Isabelle. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon sa binata. Natawa ng bahagya ang binata sa reaksyon ng dalaga at saka lumapit na sa Diwata.

"Magandang hapon po, Tita Aneska."

Nakangiting bati ni Jay kay Aneska sabay yuko nito upang ipakita ang kaniyang pag galang sa Diwata. Nginitian ng Diwata ang binata nang magka tama na ang kanilang tingin.

"Magandang hapon din saiyo, Jay hijo."

Nakangiting bati pabalik ni Aneska kay Jay sabay tango nito ng malumanay sa binata. Ngumiti lamang si Isabelle habang nakatingin sa Diwata at sa binata, samantalang si Liyan nama'y tinignan ang kaniyang mga kasama habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"S-seryoso b-ba!? T-Tita mo s-si Madam Aneska?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Liyan kay Jay habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Inosenteng tinignan ng binata ang dalaga at saka tumango bilang tugon rito.

"Jay, maiwan ka muna dito. Baka kung ano pa ang gawin sayo ni Jervin sa oras na makita ka niya. Magtago ka rin kay Hendric kung sakaling bumalik na siya rito."

Sabi ni Isabelle kay Jay habang nakaharap na ito sa binata nang mayroong pag-aalala sakaniyang mata. Napabuntong hininga ang binata at saka tahimik na tumango bilang tugon sa babae.

"Bantayan mo rin ang kapaligiran, hijo. Mayroong mga Diwata na galing sa angkan ni Dezso ang nagmamasid kay Yvonne."

Dagdag pa ni Aneska sa sinabi ni Isabelle kay Jay habang seryoso na nitong tinitignan ang binata. Tumangong muli ang binata bilang tugon, samantalang si Liyan nama'y nakatayo lamang sa tabi ng babae habang nakatingin pa rin sakaniyang mga kasama gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Wala bang mag-iinform sakin dito kung ano talaga ang relasyon niyo sa isa't isa? Kasi wala talaga akong clue dito."

Sabi ni Liyan sa tatlo niyang kasama habang wala pa rin itong kalam-alam sa mga nangyayari ngayon sakaniyang kapaligiran. Inosenteng tinignan ng tatlo ang dalaga dahil siguro ay nakalimutan nila ng panandalian na naroroon pa ang dalaga. Nilapitan na ng binata ang dalaga at saka tinignan ito ng may kabiguan sakaniyang mga mata.

"Ung totoo? Tinignan mo ba talaga ng mabuti ung utak ko nung pumasok ka roon?"

Dismayadong tanong ni Jay kay Liyan habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang binata at saka binatukan ito ng malakas at saka pinalo pa ang braso nito.

"Aray!"

"Potion ang mastery ko at marami akong kailangang kabisaduhing ingredients para maka gawa ng potion! Kung ine-expect mo na hindi ko maka kalimutan ung mga ala-ala mo na nakita ko, e, sorry ka na lang! Pisti ka! Ang sarap mong pagmumurahin ngayon pero pinipigilan ko sarili ko kasi kasama natin ngayon si Madam Aneska!"

Inis na sigaw ni Liyan kay Jay sabay lakad na papunta sa tabi ni Isabelle na sinundan siya ng tingin gamit ang nanlalaking mga mata nito.

"Ahem. Tara na."

Sabi ni Aneska kila Isabelle at Liyan upang alisin ang kaasiwaan sakanilang kapaligiran. Tinignan ng babae ang Diwata at saka inilipat ang kaniyang tingin kay Jay na nakatingin lamang sakanilang tatlo.

"Mag-iingat ka rito Jay, ha."

Sabi ni Isabelle kay Jay sabay ngiti nito sa binata na nakatingin pa rin sakanila at saka nginitian na siya pabalik nito.

"So, sino mag-eexplain sakin ng mga nangyayari ngayon?"

Tanong bigla ni Liyan kila Isabelle at Aneska habang pabalik-balik ang tingin nito sa babae at sa Diwata. Tinignan ng Diwata ang dalaga at saka nginitian ito.

"Malalaman mo maya-maya, hija."

Sagot ni Aneska sa tanong ni Liyan sakanilang dalawa ni Isabelle. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon sa Diwata at saka tinignan na ang binata at saka inilabas ang kaniyang dila upang asarin ang binata na kanilang maiiwan.

"Humanda ka sakin pagbalik niyo, Liyan!"