~Umaga~
"Delivery~!"
Sabik na sigaw ni Hendric sa tapat ng isang puno sa Enchanted Forest habang hawak nito ang lalagyanan ng tubig na kulay rosas. Nakatayo lamang si Yvonne sa tabi ng kaibigan habang iniintay na lumabas ang isa sa mga Diwata na nakatira sa punong iyon, samantalang si Jervin nama'y nakaupo sa motor habang iniintay na bumalik roon ang dalaga at ang kaibigan nito.
"Kaninong angkan ung nakatira rito?"
Tanong ni Yvonne kay Hendric habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa puno sakanilang harapan. Ngumiti lamang ang kaibigan sa dalaga at nanatiling tahimik sa tabi nito habang iniintay na mayroong kumuha sakanilang padala. Ilang saglit pa ay mayroon nang lumitaw na babaeng Diwata na mayroong kulay asul na buhok at nakasuot ng kulay asul na maxi dress sa tapat ng puno na kung saan ay malapit na nakatayo roon ang dalaga at ang kaibigan nito.
"Salamat saiyong padala, Hendric hijo."
Pasasalamat ng Diwatang lumabas mula sa puno kay Hendric habang nginingitian ito.
"Whoa~ first time ko lang makakita ng isang Diwata na lumabas sa bahay nila."
Sabi ni Yvonne habang pinagmamasdan ang Diwata na nakatayo sakanilang harapan. Ilang segundo pa ang lumipas ay unti-unti nang pinanlilisikan ng dalaga ang Diwata at napansin naman siya nito.
"Mayroon bang dumi saaking mukha, Yvonne hija?"
Tanong ng Diwata kay Yvonne habang patuloy pa rin ang dalaga sa pag tingin nito rito. Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga nang mayroon itong naalala.
"Tita Aneska! Kaya pala mukha kang pamilyar, e! Miss na po kita, Tita~!"
Sabik na sabi ni Yvonne kay Aneska sabay yakap na nito sa Diwata. Natawa ng bahagya ang Diwata at saka niyakap pabalik ang dalaga habang nakangiti. Sa hindi kalayuan ay nagulantang si Jervin sakaniyang narinig, kaya't agad nitong nilingon ang kinaroroonan nila Hendric at ng dalaga upang makita kung ang Tita Aneska niya ba talaga iyon o kapangalan lamang. Ngunit nang masilayan ang Aneska na tinutukoy ng dalaga'y nanlaki ang mga mata ng binata at saka mabilis na nilapitan ang dalaga at ang Diwata.
"Tita Aneska!? P-pano… kilala mo si Yvonne?! Diwata ka!? Pano nangyari un?!"
Sunod-sunod na tanong ni Jervin kay Aneska sabay hawak na nito sakaniyang beywang at sakaniyang ulo habang nakatayo ito sa harapan ni Yvonne at nang Diwata. Dahan-dahang kumawala ang dalaga at ang Diwata mula sakanilang pagkakayakap at saka hinarap na ang binata sakanilang tabi, samantalang si Hendric nama'y nakatayo lamang sa likuran ng Diwata at ng dalaga nang walang kalam-alam sa kung ano na ang nangyayari ngayon sakaniyang harapan.
"A-ahh… oo nga pala…"
Mahinang sabi ni Yvonne sakaniyang sarili habang hinihimas na niya ang kaniyang batok na tila ba'y parang naka gawa siya ng isang kamalian.
"Patawarin mo ako, Jervin hijo, kung itinago ko ang aking tunay na pagkakakilanlan. Ginawa ko lamang iyon para saiyong kaligtasan."
Paghingi ng tawad ni Aneska kay Jervin sabay yuko na nito sa binata. Inalis na ng binata ang kaniyang pagkakahawak sakaniyang beywang at ulo at saka tumayo lamang sa harapan ng Diwata at ng dalaga nang nanlulupaypay.
"Alam ba ni Mama na isa kang Diwata?"
Tanong ni Jervin kay Aneska sabay tingin na sa Diwata sakaniyang harapan habang nanlulupaypay pa rin itong nakatayo sa harapan nito. Malumanay na tumango ang Diwata bilang tugon sa binata.
"Teka, teka, teka… kilala niyong dalawa si Madam Aneska?"
Naguguluhang tanong bigla ni Hendric kila Yvonne at Jervin habang nakatayo pa rin ito sa likuran nila Aneska at ng dalaga. Nilingon ng Diwata at ng dalaga ang kaibigan at saka tinignan ito. Tinignan na rin ng binata ang kaibigan at saka tumango bilang tugon rito.
"Oo."
Simpleng sagot ni Yvonne sa tanong ni Hendric sakanilang dalawa ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa kaibigan. Pinanlakihan na ng mata ng kaibigan ang binata at ang dalaga sapagkat hindi ito makapaniwala sakaniyang natuklasan.
"Wow. Okay. Hindi ako ready dito. Pwede ba sa susunod sabihan niyo muna ako para hindi na ako magmukhang tanga sa harapan ng iba pa tulad ngayon. Lalu pa ngayon, si Madam Aneska pa naman ang pinaka matanda sakaniyang angkan."
Sabi ni Hendric kila Jervin at Yvonne sabay tingin kay Aneska na nakatingin din sakaniya. Napalunok lamang ang dalaga at saka dahan-dahang nilingon ang binata sakaniyang harapan at saka tinignan ito.
"Gano mo na katagal kilala si Tita Aneska?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan na nito ang dalaga na nakatingin din sakaniya. Bago pa man maka sagot ang dalaga sa tanong sakaniya ng binata ay mayroon silang narinig sakanilang kapaligiran.
"Magsi pasok muna kayo ng panandalian saaming pamamahay. Mayroong nagmamasid saiyo ngayon, Yvonne hija."
Alertong sabi ni Aneska kila Yvonne, Jervin at Hendric habang nagmamasid ito sakanilang paligid. Mabilis na hinawakan ng binata ang magkabilang balikat ng dalaga at saka pinatayo na ito sa likuran ng Diwata. Sumunod naman ang kaibigan na tumayo sa likuran ng binata habang nagmamasid na rin ito sakanilang paligid. Ilang saglit pa ay naglaho na silang apat at saka lumitaw na sa ibang kakahuyan na mayroong kumikinang-kinang sa hangin nito.
"Whoa~"
Manghang sabi ni Yvonne nang makita ang kumikinang-kinang sa hangin at saka inikutan siya nito, dahilan upang tumawa ito dahil sa tuwa na kaniyang nadarama ngayon.
"Siya si Kinang. Isa siyang mahiwagang hangin na aming inaalagaan."
Sabi ni Aneska kay Yvonne habang nakatingin at nakangiti ito sa dalaga na masayang nakikipaglaro sa mahiwagang hangin na nagngangalang Kinang. Nang mayroong isa pang Diwata ang lumitaw sa kinaroroonan nila ay agad itong nilapitan ni Hendric nang nakangiti, samantalang si Jervin nama'y namangha sa kakahuyan na kanilang kinaroroonan.
"San kayo natutulog, Tita Aneska?"
Tanong ni Jervin kay Aneska habang naglalakad na ito at iniikot ang kaniyang paningin sa kakahuyan na tinitirhan ng kaniyang Tita.
"Sa itaas ng mga punong naririto. Mayroon kaming hinihigaan na sang malaking dahon na nakasabit sa itaas ng mga punong iyan na kasing lambot ng mga bulak."
Sagot ni Aneska sa tanong sakaniya ni Jervin habang sinusundan nito ang binata. Nang tumigil sa na paglalakad ang binata ay napatigil na rin sakaniyang paglalakad ang Diwata at saka hinarap na siya ng binata.
"Gano mo na katagal kilala si Yvonne?"
Seryosong tanong ni Jervin kay Aneska habang tinitignan pa rin nito ang Diwata sakaniyang harapan. Seryosong tinignan ng Diwata ang binata sakaniyang harapan at saka bahagyang nilapitan ang binata.
"Noong mga bata pa lamang kayo."