Chereads / Runaway With Me / Chapter 80 - Aneska's Clan Tree

Chapter 80 - Aneska's Clan Tree

~Umaga~

"Tita Aneska, kilala mo po ba kung sino ung nagmamasid sakin?"

Tanong ni Yvonne kay Aneska habang naglalakad na ito papalapit sa Diwata at kay Jervin kasabay ang mahiwagang hangin na nagngangalang Kinang. Nilingon ng Diwata ang dalaga, tinignan ito nang seryoso at saka hinarap na.

"Ang mga kasundong angkan ng mga De Gracia. Ang angkan ni Dezso."

Seryosong sagot ni Aneska sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Sa di kalayuan ay biglang napatingin si Hendric sa direksyon nila Jervin, ng dalaga at ng Diwata.

"Meron bang nagsabi ng apelyidong De Gracia?"

Tanong ni Hendric kila Yvonne, Jervin at Aneska habang naglalakad na ito papalapit sa tatlo. Maamong tinignan ng dalaga ang Diwatang nakatayo sakaniyang harapan at saka inilipat na ang kaniyang tingin sa kaibigan na patuloy pa ring naglalakad papalapit sakanilang kinaroroonan.

"Si Tita Aneska. Bakit?"

Sagot at tanong ni Yvonne sa tanong sakanila ni Hendric habang nakatingin pa rin ito sa kaibigan.

"Siya kasi ung sunod na de-deliveran natin, e."

Sagot ni Hendric sa tanong sakaniya ni Yvonne habang walang kalam-alam na tinignan ang dalaga si Aneska at si Jervin nang makatayo na ito sa tabi ng binata. Mabilis na nilingon ng Diwata ang kaibigan ng dalaga at saka pinanlakihan ito ng kaniyang mga mata.

"Ikaw na lang muna ang maghatid ng padala ng mga De Gracia. Balikan mo na lamang mamaya sina Yvonne at Jervin matapos mong magpunta sa pamamahay ng angkan na iyon."

Balisang sabi ni Aneska kay Hendric sabay hawak na nito sa magkabilang balikat ng binata habang pinanlalakihan pa rin nito ng kaniyang mga mata ang binata. Napalunok na lamang ang binata dahil sa inasta ng Diwata sakaniyang harapan at saka tumango na lamang bilang tugon rito. Binitawan na ng Diwata ang balikat ng binata at saka naglakad na papalayo rito. Agad na tinignan ng kaibigan si Yvonne habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at halos maging isa na lamang ang kaniyang kilay dahil sa pagdikit nito sa isa't isa.

"Anong meron? Ba't ganun reaksyon niya?"

Takang tanong ni Hendric kay Yvonne habang tinitignan na nito si Aneska na naglalakad na patungo sa kaparehong puno na kanilang tinayuan kanina sa Enchanted Forest.

"Kasi sabi ni Tita Aneska, ung nagmamasid daw sakin kanina ay ung mga Diwata na galing sa angkan ni Dezso na kasundong angkan naman ng mga De Gracia. E, saktong sinabi mo pa kanina na ung sunod nating pupuntahan ay ung tirahan ng mga De Gracia. Kaya ayun."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Hendric sabay turo nito kay Aneska na iniintay na ang kaniyang kaibigan.

"Una na ako. Balikan ko na lang kayo mamaya."

Paalam ni Hendric kila Jervin at Yvonne habang nakangiti ito sa dalawa at saka tumakbo na patungo sa kinaroroonan ni Aneska. Inintay ng dalaga at ng binata ang kanilang kaibigan at ang Diwata na maglaho sakanilang paningin bago tignan ang isa't isa.

"Pano mo nakilala si Tita Aneska? Bakit 'Tita Aneska' rin ang tawag mo sakaniya? Pano naging Diwata si Tita Aneska? Alam mo rin ba na isang Diwata si Tita Aneska? Anong nangyayari ngayon sa mundo ko? Naguguluhan na ako… Bakit may mga nagmamasid sayo? Kriminal ka ba? Bakit ka nila hinahabol? P@#$%^&* masyado na akong naguguluhan. Malapit na akong mabaliw."

Natatarantang sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakahawak na ito sakaniyang ulo at beywang at nakatingin na lupa sa pagitan nilang dalawa ng dalaga. Nag-aalalang tinignan ng dalaga ang binata sakaniyang harapan at saka nilapitan na ito upang hawakan ang magkabilang pisngi nito para pakalmahin ang binata.

"May dahil kung bakit wala ka pa masyadong alam sa mga nangyayari ngayon, Jervin. Malalaman mo rin ang sagot sa mga tanong mo 'pag dumating na ang tamang panahon."

Malumanay na sabi ni Yvonne kay Jervin habang hawak pa rin nito ang pisngi ng binata at tinitignan ng malalim ang mga mata nito na nakatuon din sakaniya. Inalis na ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa sarili niyang ulo at beywang at hindi na kumilos pa. Napabuntong hininga ang dalaga sabay bitaw na niya mula sakaniyang pagkakahawak sa pisngi ng binata at saka bigla itong niyakap. Bahagyang nagulantang ang binata sa yakap sakaniya ng dalaga ngunit niyakap naman niya ito pabalik.

"Acepe fo dimn."

Sambit ni Yvonne kay Jervin nang kumawala na ito mula sa yakap nilang dalawa at saka nginitian ang binata. Nginitian pabalik ng binata ang dalaga habang nakatingin pa rin ito rito.

"May nagsabi ba sainyo kanina ng apelyidong 'De Gracia'?"

Tanong bigla ni Vester kila Jervin at Yvonne sabay silip na nito sa bulsa ng damit ng dalaga. Agad na tinignan ng binata ang dwende na nasa bulsa ng damit ng dalaga habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Bakit kuya Vester? May kilala ka ba sa angkan na un?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Vester habang inilalapit na niya ang kaniyang kamay upang tayuan ng dwende.

"Sino siya?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin kay Vester.

"Vester nga pala. 22 years old at ako ang tagapag bantay ngayon kay Yvonne."

Sagot ni Vester sa tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti ito sa binata. Bahagyang nginitian pabalik ng binata ang dwende at saka inilipat na ang kaniyang tingin sa dalaga.

"Si Paulina De Gracia. Ang pinaka matanda ngayon sa angkan ng mga De Gracia. Magaling manloko si Paulina. Kamuntikan na nga ako nun maloko nung sinama ako dati ni Mama Beatrice nung pumunta siya sa mansion ng mga De Gracia."

Sagot naman ni Vester sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakaharap at nakatingin na ito sa dalaga. Naguguluhan namang tinignan ng dalaga ang dwende na nakatayo sakaniyang kamay, samantalang si Jervin nama'y pabalik-balik lamang ang kaniyang tingin sa dalaga at sa dwende sakaniyang harapan.

"Tama si Vester, Yvonne hija. Magaling manlinlang si Paulina kaya't mayroon pa siyang mga kasundong angkan."

Pagsang-ayon ni Aneska kay Vester nang bumalik na ito sa kinaroroonan nila Yvonne at Jervin. Mabilis na nilingon ng dalaga��t binatang may bakas ng gulat sakanilang mga mukha ang Diwata na naglalakad na papalapit sakanilang dalawa.

"Nakilala mo na po si Paulina, Tita Aneska?"

Tanong ni Yvonne kay Aneska habang nakatingin pa rin ito sa Diwata. Tumango lamang ang Diwata bilang tugon sa tanong ng dalaga sakaniya.

"Ngunit mayroon pa kayong isang dapat pang malaman."