Chereads / Runaway With Me / Chapter 78 - Acosta's Water Station 2

Chapter 78 - Acosta's Water Station 2

~Umaga~

"Annyeong~!"

Masayang bati ni Yvonne kila Hendric at Jervin nang makarating na ito sa water station ng mga Acosta. Mabilis na nilingon ng binata at ng kaibigan ang dalaga at saka tinignan ito nang may pagtataka sakanilang mga mukha.

"Anong pinagsasasabi mo dyan?"

Takang tanong ni Hendric kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga na naglalakad na papalapit sakanilang dalawa ni Jervin. Nakasimangot na tinignan ng dalaga ang kaibigan at saka pinalo ito sakaniyang braso nang makatayo na ito malapit sa dalawa.

"Aray!"

Sigaw ni Hendric sabay himas na sa brasong pinalo ni Yvonne. Sinamaan lamang ng tingin ng dalaga ang kaibigan at saka maamo nang tinignan si Jervin na kaharap lamang ng kaniyang kaibigan. Pinanlakihan ng mga mata ng binata ang dalaga sabay tingin sa kaibigan ng panandalian at saka balik muli ng kaniyang tingin sa dalaga sakaniyang tabi.

"Tara na?"

Aya ni Yvonne kay Jervin habang maamo pa rin itong nakatingin sa binata at nakangiti na ng matamis. Tumango lamang ang binata bilang sagot sa dalaga habang tinitignan pa rin ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Nang naglakad na patungo sa labasan ang dalaga ay agad na tinignan ng binata si Hendric habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito.

"Ano meron sakaniya ngayon?"

Tanong ni Jervin kay Hendric sabay turo kay Yvonne na nakatalikod sakanilang dalawa. Nagkibit balikat ang kaibigan at saka tinignan na ang dalaga na nakatalikod pa rin sakanila.

"Aba malay ko dyan. Baka hindi lang nakakain ng almusal kaya mabilis mag switch ng mood."

Sagot ni Hendric sa tanong sakaniya ni Jervin at saka sumunod nang lumakad patungo sa labasan ng water station ng kaniyang pamilya. Mabilis na ring sumunod ang binata at saka nagtungo na sa kinaroroonan ni Yvonne at ng kaibigan.

"May nakain ka ba ngayong umaga?"

Tanong ni Hendric kay Yvonne habang nakatayo ito sa harapan ng dalaga na nakaupo sa sidecar. Sinamaan lamang ng tingin ng dalaga ang kaibigan at saka iniwas na ang tingin nito.

"Ang aga-aga ginigigil mo ako!"

Gigil na sabi ni Hendric kay Yvonne habang nakahawak na ito sa sarili nitong buhok habang naglalakad na papalayo sa dalaga at saka balik muli.

"Ano gusto mong almusal?"

Tanong ni Hendric kay Yvonne habang nginingitian ito ng pilit. Agad na nilingon at tinignan ng dalaga ang kaibigan at saka nginitian ito, umayos na ng pagkakaupo sa motor at saka pumwesto na ito na tila ba'y handa na itong magmaneho ng motor na kaniyang inuupuan.

"Aalis na?"

Walang kalam-alam na tanong ni Jervin kay Yvonne habang naglalakad na ito papalapit sa sidecar. Mabilis na nilingon at tinignan ng dalaga ang binata at saka nginitian ito.

"Bilisan mo na! Libre raw ni Dric almusal ngayon~!"

Sabik na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakangiti pa rin ito sa binata. Gulat na tinignan ni Hendric ang dalaga habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at akma na sana nitong babatukan ang dalaga ngunit hindi niya na natuloy, sapagkat dahan-dahan itong lumingon at saka mariing tinignan ito.

"Diba? Libre mo almusal?"

Gigil na tanong ni Yvonne kay Hendric habang mariin pa rin itong tinitignan at saka nakangiti nang nakakatakot. Nakaramdam ng ginaw ang kaibigan sakaniyang gulugod at napalunok na lamang ito dahil roon.

"O-oo… l-libre k-ko."

Nauutal-utal na sagot ni Hendric sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakangiti nang pilit na hindi malaman-laman kung masaya ba ito o natatakot. Nagkibit balikat lamang si Jervin at naglakad na patungo sa mga lalagyanan ng tubig ngunit bago pa man ito makasakay roon ay tumakbo na patungo sakaniya ang kaibigan at pinigilan itong sumakay roon.

"P-palit tayo ng puwesto!"

Sabi ni Hendric kay Jervin at saka naupo na roon kasama ang mga lalagyanan ng tubig. Naguguluhang tinignan ng binata ang kaibigan at nasilayan itong ngumiti sakaniya. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka naglakad na patungo sa kinaroroonan ni Yvonne at naupo na sa likuran nito.

"San mo gustong kumain, Jervin?"

Masayang tanong ni Yvonne kay Jervin habang pinapaandar na niya ang makina ng motor. Tahimik na nag-isip ang binata ng kaniyang isasagot sa tanong sakaniya ng dalaga sabay hawak na nito sa hawakan sa sidecar nang magmaneho na ang dalaga.

"Kahit saan… basta kasama ka."

Sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakangiti ito. Tahimik na ngumiti ang dalaga at saka nagpatuloy lamang sakaniyang pagmamaneho. Napabuntong hininga na lamang si Hendric dahil sa narinig nito mula sa binata habang pinapanuod nito ang dalawa.

"Kailangan pa bang ipamukha sakin na single pa rin ako?"

Inis na tanong ni Hendric sakaniyang sarili sabay tingin na sakanilang dinaraanan. Tahimik na natawa si Jervin nang marinig ang itinanong ng kaibigan sakaniyang sarili.

"San pala ung unang delivery?"

Tanong ni Yvonne kay Hendric habang hindi nito inaalis ang kaniyang paningin sa kalsada. Mabilis na tinignan ng kaibigan ang dalaga at saka tinignan ang mga lalagyanan ng tubig na kaniyang katabi.

"Sa Enchanted Forest."

Sagot ni Hendric sa tanong sakaniya ni Yvonne habang nakatingin na sa kulay rosas na lalagyanan ng tubig. Nagulantang si Jervin dahil sakaniyang narinig mula sa kaibigan.

"Enchanted Forest? Saan un?"

Gulat na tanong ni Jervin kila Yvonne at Hendric habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalawa. Tinignan bigla ng kaibigan ang binata at saka inilipat na ang kaniyang tingin sa dalaga na patuloy pa rin sa pagmamaneho.

"Hindi mo ba sinabi kay Jervin?"

Tanong ni Hendric kay Yvonne habang magkadikit na ang kilay nito at patuloy pa ring tinitignan ang dalaga. Natawa ng bahagya ang dalaga habang hindi pa rin inaalis ang kaniyang tingin sa kalsada.

"Katabi lang ng Thaumaturgy Town ang Enchanted Forest kung saan nakatira ang mga Diwata. At tsaka hindi lang tubig ung dine-deliver namin, pati na rin ung iba't ibang inumin na kailangan ng iba pang mga nilalang tulad na lang ng mga Diwata, Bampira, Fairies. Un."

Sagot ni Hendric sa tanong sakanila ni Jervin habang nakatingin na ito sa binata at nakangiti. Pinagmasdan lamang ng binata ang kaibigan habang nakahawak pa rin ito sa hawakan sa sidecar.

"San naman ung daan nun?"

Tanong muli ni Jervin kay Hendric habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaibigan na nakangiting nakaupo sa sidecar.

"Kahit saan naman may portal, e. Kaya madali lang un."

Related Books

Popular novel hashtag