~Umaga~
"A-ano un, Addison?"
Tanong ni Yvonne sakaniyang kapatid pagkabukas niya ng pintuan ng kaniyang kwarto habang nakangiti ng pilit rito.
"Anong gusto mong matanggap sa birthday mo?"
Tanong pabalik ng kaniyang kapatid na si Addison habang nakatingin sakaniyang ate na si Yvonne. Na iangat ng dalaga ang kaniyang parehong kilay dahil sakaniyang gulat.
"A-ano?"
Nauutal na tanong muli pabalik ni Yvonne kay Addison habang nangingilid na ang kaniyang mga luha sakaniyang mata. Napaiwas ng tingin ang kapatid sa dalaga at saka napayuko.
"Kasi diba… eighteen ka na. Debut mo. Anong gusto mong gawin sa birthday mo?"
Sabi ni Addison kay Yvonne habang nakayuko pa rin sa harap ng kaniyang ate. Hindi namalayan ng dalaga na tumulo na pala ang kaniyang luha sa kaniyang kanang mata habang nakatingin sakaniyang kapatid.
"U-uhh…"
Tanging sabi lamang ni Yvonne sabay punas ng kaniyang luha sakaniyang pisngi upang hindi ito makita ni Addison.
"K-kahit… kahit ano na lang… s-simpleng… simpleng salu-salo."
Paputol-putol na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Addison sabay tingin na sakaniyang bunsong kapatid habang sinisikap na hindi umiyak sa harapan nito.
"Ahh… ay… oo nga pala, ate."
Sabi ni Addison kay Yvonne sabay tingin na sakaniyang ate. Agad din namang tinignan ng dalaga ang kaniyang bunsong kapatid habang pinipilit na ngitian ito.
"Bakit pala lagi kang umaalis ng maaga ngayong linggo?"
Tanong ni Addison kay Yvonne habang inosente nitong tinitignan ang kaniyang ate. Nanahimik ng ilang segundo ang dalaga habang hindi pa rin nawawala ang kaniyang pilit na ngiti para sakaniyang bunsong kapatid.
"Research. Marami kasi kaming ginagawa ngayon sa research, e. Kaya maaga ako laging pumapasok."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Addison habang nakangiti pa rin ng pilit rito. Tumango ang kaniyang nakababatang kapatid habang dahan-dahan nitong iniiwas ang kaniyang tingin sakaniyang ate, sabay balik nang muli ng kaniyang tingin rito.
"Siguraduhin mo lang ate, ha. Alam mo naman kung anong mangyayari sayo pag nalaman ni Mama na hindi related sa school ung ginagawa mo."
Nakangising sabi ni Addison kay Yvonne sabay lakad na papalayo sa pintuan ng kwarto ng dalaga. Agad na isinara ng dalaga ang pintuan ng kaniyang kwarto at saka dahan-dahang naupo sakaniyang kinatatayuan kanina.
"Aalis naman na rin ako rito pagka tapos ng kaarawan ko, e. Kaya wala na kayong aalalahanin pang pabigat sa bahay na 'to."
Sabi ni Yvonne sakaniyang sarili habang umiiyak na siya sa harapan ng kaniyang pintuan at nakaupo sa lapag.
"Kaya mo pa bang samahan ngayon si Jervin sa pag trabaho niya kila Hendric?"
Nag-aalalang tanong ni Paolo kay Yvonne habang hinihimas na nito ang kamay ng dalaga na nasa lapag. Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang gitnang dwende, tinignan ito at saka nginitian ng matamis.
"Bakit ba kasi hindi mo magawang kalabanin ung Addison na un? Mas matanda ka nga kesa sakaniya kaya tinatawag ka niyang ate, e."
Inis na sabi ni Felip kay Yvonne habang nakatayo ito sa tabi ni Paolo, masama ang tingin sa pintuan at naka cross arms. Natawa lamang ng bahagya ang dalaga sa sinabi sakaniya ng pangalawa sa nakababatang dwende.
"Para namang hindi mo alam ung gagawin nung nanay ni Yvonne sakaniya sa oras na malaman niya na kinalaban ni Yvonne ang pinakamamahal niyang bunsong anak."
Sabi ni Justin kay Felip habang nakatayo ito sa tabi ng pangalawa sa nakababatang dwende at pinanlilisikan ito ng tingin. Hinarap na ng pangalawa sa nakababatang dwende ang mas nakababatang dwende kaysa sakaniya at saka sinamaan ito ng tingin.
"Bakit ba kasi hinahayaan mo sila na tratuhin ka ng ganyan, Yvonne? Ano bang kinakatakutan mo sakanila?"
Sunod-sunod na tanong ni Felip kay Yvonne habang naka tingala na ito sa dalaga na nakaupo pa rin sa lapag.
"Felip!"
Saway ni Josh kay Felip habang tumatakbo na ito papalapit sakanilang kinaroroonan. Agad na nilingon at tinignan ng pangalawa sa nakababatang dwende ang nakatatandang dwende habang nakanguso ito.
"Bakit?"
Inosenteng tanong ni Felip kay Josh habang nakatingin pa rin ito sa nakatatandang dwende.
"Takot ako kay Mama kasi hindi ko alam kung ano pa ang ibang kaya niyang gawin para lang saktan ako, at… takot akong maiwan ulit at makalimutan."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Felip habang nakatingin sa limang dwende na nakatayo na sakaniyang tabi. Nag-aalalang tinignan nila Paolo, Vester at Felip ang dalaga, samantalang sina Justin at Josh nama'y malungkot na tinignan ang dalaga.
"Tama na nga drama."
Sabi ni Yvonne sabay punas na ng kaniyang mga luha sakaniyang pisngi, tumayo na at saka naglakad na patungo sakaniyang cr. Naiwan ang limang dwende sa harap ng pintuan ng kwarto ng dalaga habang nakatingin sa pintuan ng cr ng dalaga na nakasarado na.
"Bantayan mo nang maigi ngayon si Yvonne, ha."
Sabi ni Josh kay Vester habang nakatingin na ito sa pangalawa sa nakatatandang dwende. Malungkot na tumango ang pangalawa sa nakatatandang dwende habang ang tatlong nakababatang dwende ay naglalakad na patungo sa bintana ng kwarto ng dalaga upang lumabas na roon. Ilang saglit pa ay napabuntong hininga na ang nakatatandang dwende.
"Bakit ba kasi masama ang trato ng pamilyang 'to kay Yvonne?"
Tanong ni Josh sakaniyang sarili habang nakatingin nang muli sa saradong pintuan ng cr ni Yvonne.
"Bakit ba ako napunta sa pamilyang 'to?"
Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang nagbabanlaw na ito sa loob ng kaniyang cr.
"Okay lang yan, Ibon. Ilang araw na lang din naman makakaalis ka na sa pamamahay na 'to."
Nakangiting sabi ni Yvonne sakaniyang sarili hanggang sa maiyak nanaman siyang muli dahil sa sakit na kaniyang nadarama sa tuwing naaalala niya ang kaniyang mga masasamang ala-ala sa pamamahay na kaniyang kinaroroonan.
"Yvonne… patawarin mo ako kung pati ikaw ay inalis ko rin sa ala-ala ni Jervin… nagdanas ka ng sobra nitong nakaraang dekada para lang makita mo ulit siya…"
Malungkot na sabi ni Isabelle habang pinapanuod niya si Yvonne sakaniyang bolang kristal. Naluha na ang babae habang pinapakinggan ang iba pang sinasabi ng dalaga sakaniyang sarili nang biglang mayroong kumatok sa kwarto nila ng kaniyang asawa, kaya't agad niyang pinunasan ang kaniyang luha, itinago ang kaniyang bolang kristal sa ilalim ng kanilang kama at saka naglakad na patungo sa pintuan upang pagbuksan kung sino man ang kumatok roon.
"Oh? Anong meron, Ian?"
Tanong ni Isabelle sakaniyang bunsong anak na si Ian na tila ba parang bagong gising lamang ito sapagkat kinukusot pa nito ang kaniyang mata.
"May napanaginipan ulit ako, Ma."
Sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Isabelle sabay tingin na nito sakaniyang ina habang nakanguso ito. Nakangiting hinawakan ng ina ang kamay ng kaniyang anak na lalaki, pinapasok ito sa kwarto nilang mag-asawa at saka pinaupo ito sakanilang kama.
"Anong napanaginipan mo ngayon, Ian?"
Nakangiting tanong ni Isabelle kay Ian habang pareho na silang nakaupo ng kaniyang anak sa kama nilang mag-asawa. Seryosong tinignan ng bata ang kaniyang ina bago ito sagutin,
"Tungkol sa isang prophecy."