~Umaga~
"Yvonne! Yvonne!"
Tawag ni Jervin kay Yvonne habang hinahanap nito ang dalaga sa loob ng mini grocery ng mga Dionisio.
"Nakita mo na si Yvonne?"
Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Anna nang lumitaw na ito sa tabi ng binata. Nag-aalalang tinignan ng kaibigan ang binata at saka naglakad na papalayo rito. Hindi nagdalawang isip na sundan ng binata ang kaibigan at saka pumasok na sila sa opisina.
"Huling nakita sa CCTV si Yvonne bago tumingin 'tong matandang babae sa camera at saka ngumisi. Nagwalis siya dun sa parte ng mini grocery na bibihira lang puntahan ng mga customers."
Sabi ng ina ni Anna pagka pasok na pagka pasok pa lamang ng kaniyang anak at ni Jervin habang nakatingin ito sa tv na nakasabit sakaniyang opisina. Tahimik na nilapitan ng dalaga at ng binata ang ina nito at saka pinanuod ang video na nagpi-play sa tv.
"Kilala niyo ba ung matandang babae na un?"
Natatarantang tanong ni Jervin kila Anna at sa ina nito, ngunit wala itong natanggap na sagot mula sakanila. Nagtinginan sa isa't isa ang mag-ina at saka tinignan ng mabuti ang binata na naglalakad na ng pabalik-balik sa loob ng opisina dahil sa pag-aalala para kay Yvonne.
"Merong kumakalat na chismis sa Thaumaturgy Town… may isang witch daw na hindi tumatanda kahit nasa walumpu at pataas na ang kaniyang edad."
Sabi ng ina ni Anna kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Hindi tinignan ng binata ang ina ng kaibigan, sapagkat ay nagpatuloy lamang ito sakaniyang paglalakad ng pabalik-balik roon.
"Jervien."
Tawag ni Anna kay Jervin habang tinitignan niya pa rin ang binata na patuloy lamang sa paglalakad nito ng pabalik-balik.
"Jervien."
Tawag muli ni Anna kay Jervin ngunit wala pa rin itong reaksyon.
"Jervin Anonuevo!"
Inis na tawag ni Anna kay Jervin, at sa pagkakataong ito ay nakuha na ng dalaga ang atensyon ng binata at napatigil na ito sakaniyang paglalakad. Mabilis na nilingon at tignan ng binata ang kaibigan habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.
"Pwede ba kumalma ka?! Hindi lang ikaw ang nag-aalala para kay Yvonne dito!"
Galit na sabi ni Anna kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Dahan-dahang iniwasan ng tingin ng binata ang kaibigan at saka yumuko habang nagiging hugis kamao na ang kaniyang mga kamay.
"Kung gusto mong iligtas si Yvonne, kailangan nating pag-isipan ang mga susunod nating mga gagawin. Dahil hindi natin alam kung anong klaseng salamangkero o mangkukulam ang makakalaban natin."
Nag-aalalang sabi ng ina ni Anna kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Nang marinig ang mga salitang iyon ay mas lalu pang humigpit ang pagkaka kamao ng binata at saka tumakbo na papalabas ng opisina. Nagulantang ang dalaga sa inasta ng binata sakanilang harapan, kaya't noong tumakbo na papalabas ang binata ay akma nang susundan ito ng dalaga ngunit pinigilan ito ng kaniyang ina sa pamamagitan ng paghawak nito sa braso ng kaniyang anak.
"Pakalmahin mo muna siya. Mahalaga sakaniya si Yvonne kaya't hindi natin siya Masisisi kung ganun ang naging reaksyon niya."
Sabi ng ina ni Anna sakaniya habang hawak pa rin ang braso ng kaniyang anak. Tinignan lamang ng dalaga ang kaniyang ina at saka tinignan nang muli ang direksyon kung saan nagtungo ang binata.
"Ma… posible bang maging importante agad ung isang tao kahit na dalawang linggo pa lang sila nagkakakilala?"
Tanong ni Anna sakaniyang ina habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin mula sa direksyon na pinatunguhan ng binata. Ngumiti lamang ang ina ng dalaga sabay tingin na sakaniyang anak.
"Hindi naka depende ang pagiging mahalaga ng isang tao sa kung gaano na kayo katagal magka kilala… nasa impact yan kung papaano nagbago ang buhay mo o ang pagtingin mo sa mundo dahil sakaniya."
Nakangiting sagot ng ina ni Anna sa tanong sakaniya ng kaniyang anak sabay bitaw na sa braso nito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saka tinignan na ang kaniyang ina na nakatingin pa rin sakaniya.
"Yvonne!"
Tawag ni Jervin kay Yvonne habang tumatakbo sa tabi ng kalsada at patuloy pa rin sa paghahanap sa dalaga.
"Nasan ka na, Yvonne?"
Tanong ni Jervin sa hangin habang pabagal na ng pabagal ang kaniyang pagtakbo hanggang sa naglalakad na lamang siya.
"Yvonne, nasan ka?"
Tanong muli ni Jervin sa hangin sabay luhod na sa tabing kalsada habang nakayuko ito. Ilang segundo pa ay mayroong tumulo mula sa mata ng binata.
"H-huh?"
Tanging sabi ng binata nang tumulo ang kaniyang luha sakaniyang pantalon. Hindi nagtagal ay sunod-sunod na ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Ba't… ba't ako… umiiyak?"
Paputol-putol na tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang tinitignan lamang ang tulo ng kaniyang luha sakaniyang pantalon. Sa hindi kalayuan ay lumitaw na si Anna kasama si Hendric at hinahanap ang binata.
"Jervin!"
Tawag ni Anna kay Jervin habang patuloy pa rin ito sakaniyang paghahanap sa binata kasama si Hendric. Makalipas ang ilang saglit ay nakita na ng kaibigang lalaki ang binata.
"Ayun."
Sabi ni Hendric kay Anna sabay turo kay Jervin na nakatalikod sakanila at nakaluhod pa rin sa tabi ng kalsada habang nakayuko. Tumakbo papalapit ang dalaga at ang kaibigan sa binata nang hindi inaalis ang kanilang tingin rito.
"Jervin. Jervin."
Nag-aalalang tawag ni Anna kay Jervin sabay upo na sa harapan ng binata at hawak sa magkabilang balikat nito, samantalang si Hendric nama'y tumayo lamang sa likuran ng binata. Nang unti-unti nang iniangat ng binata ang kaniyang mukha upang tignan na ang dalagang nakaupo sakaniyang harapan ay nagulantang ang dalaga nang masilayan ang mga namumulang mata ng binata at ang kaniyang basang pisngi.
"Anong meron?"
Nag-aalalang tanong ni Hendric kay Anna nang makita ang reaksyon nito nang masilayan na ang mukha ni Jervin. Napabuntong hininga lamang ang dalaga at saka inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa balikat ng binata.
"Bumalik na ba si Yvonne?"
Tanong ni Jervin kay Anna habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha at sa pagtingin sa dalaga sakaniyang harapan. Nanahimik lamang ang dalaga at saka tumango bilang tugon sa binata. Agad na tumayo ang binata at saka tumakbo na pabalik sa mini grocery ng dalaga upang makita nang muli si Yvonne. Nilapitan kaagad ni Hendric ang dalaga at saka inaalalayan itong makatayo habang nakatingin sa direksyong pinatunguhan ni Jervin.
"Wow… magiging ganun din kaya ako pag na in love ako head over heels sa isang babae?"
"Siguro…"